"Attention(SPG)"

1K 34 14
                                    


LISA POV





Papunta na kami ni Rose sa condo ko after ng meeting namin with kai at jennie. Nagkatuluyan pala talaga sila. Ang tagal na pero nandito parin yung sakit. Hanggang ngayon nandito parin yung tanong ko na bakit? pero siguro di ko na kailangan ng sagot sa mga yun. Wala na.




"Lisa, ok ka lang ba? ang tahimik mo ah, kung hindi mo kaya wag na tayo pumunta bukas ipa cancel na natin" nag aalalang tanong ni Rose



"ok lang ako, dont worry. Tutuloy natin yun, ayokong masira yung plan natin at gusto ko matupad yung dream ko" ngiti kong sabi sa kanya




"pag isipan mong mabuti yan basta sabihan mo lang ako ok?" tumango naman ako pag kasabi nito





Nakarating na kami sa condo at agad bumungad si Jisoo samin kasama ang family ko. Inakbayan agad nito si Rose at ako naman ay lumapit sa parents ko. Pumunta na kami sa mesa at nagsimulang kumain.



"babe, kamusta pala yung meeting nyo kanina?" tanong ni Jisoo kay Rose. Yessss! tama po kayo. Naging sila after kong umalis sa Korea para pumunta ng Thailand. Habang nagmo move on ako eto namang si Jisoo dumada moves kay Rose sa Korea.



"magugulat ka babe sa kwento ko. Guess who kung sino ang may ari ng agency na nakausap namin" sabi ni Rose habang nakatingin kay Jisoo



"hindi ako manghuhula babe, sabihin mo na" pambabara naman nito



"yung bestfriend mo at ang ex nya noon na jowa nya na ulit ngayon!" sabi ni Rose. Napailing nalang ako sa pinag uusapan ng dalawa habang ang parents ko naman ay nag aabang sa sasabihin nila



"whaaaat??!!! si Jennie at Kai! Lisa pumayag ka?! wag ka ng tumuloy! maghanap ka nalang ng ibang agency!" pasigaw na sabi ni Jisoo habang tumatango si Rose. Alam kong may sama ng loob parin si Jisoo kay Jennie dahil simula ng pumunta ito ng states hindi nya na ito kinausap o contact manlang.




"Pokpak, totoo ba yun? nag sign ka na ba ng contract? itutuloy mo ba yan? ayoko na ulit mangyare sayo yung ginawa mo sa Thailand dahil sa kanya" nag aalalang sabi ni omma. Naalala ko tuloy nung sinugod nila ko sa hospital dahil nagtangka akong putulin ang buhay ko dahil sa sakit na iniwan nya ko. Naging party goer at hindi naging seryoso sa mga babaeng nakarelasyon ko.



"ok lang po ako at itutuloy ko yun. Naka move on na po ako at masaya na sya ngayon kaya wala po kayong dapat ipag alala" sagot ko dito pero sa loob loob ko ay hindi ko pa alam kung pano makakaharap si jennie lalo na pag makita kong magkasama sila ni kai. Tumango na lamang sila at iniba ang usapan mukang naramdaman nilang hindi ako komportable sa topic na iyon.




Natapos na kami at agad akong nagpaalam sa kanila para pumunta sa kwarto. Nagdahilan nalang ako na inaantok at pagod. Nagpaalam narin si Jisoo at Rose para umuwi sa condo nila at ang parents ko naman ay pumunta na sa bahay nila upang dun magpahinga. Ang tagal ko ng nakahiga pero di ko alam bakit di ako dinadalaw ng antok. Hindi ko malaman kung kinakabahan ako o excited para sa contract signing bukas. weh? o baka excited ka na makita sya? hoy brain! minsan ka na nga lang gumana sa ganyan pa! tigilan mo ko at maaga pa ko bukas! patulugin mo kooo!






MY ONE AND ONLY YOU(JENLISA STORY)Where stories live. Discover now