LISA'S POV
"kriiiiiing! kriiiing! kriiiiing!"
"Hayss ang ingay naman ng alarm clock na to!" pasigaw kong sabi habang nagpupungas ng mata at nag uunat. Medyo inaantok pa ko dahil napuyat ako kakanood ng kdrama kagabi hahaha. Anyways, Ako nga pala si Lalisa Manoban pero mas maganda kung Lisa nalang medyo nakakairita kase pag buong pangalan ey.
"Lisa bangon na baka ma late ka sa school mo!" sabi ng mom ko habang nasa labas ng kwarto shoook! Oo nga pala first day of school ngayon baka ma late ako.
"Yes Mom! eto na po!" sabi ko habang nagmamadaling kumuha ng uniform at pumasok na sa bathroom.
Pababa na ko para kumain sa dining area ng biglang sumulpot ang kaibigan kong mukang chimpmunk at medyo may sapak paminsan minsan haha.
"Goodmorning Pokpak!" sabi nya habang nakangiti ng sobra. Haayss ayan nanaman sya sa pagtawag sakin ng Pokpak! sinabi ko ng ayoko na tinatawag ako ng ganyan ey!😑 Oo nga pala di nyo pa sya kilala😅 Siya nga pala si Park Chaeyoung pero mas gusto nyang tinatawag syang Rosè kase mas sanay sya sa pangalan na yon dahil yun ang name nya sa Australia at dun sya pinanganak.
"Hindi ka ba talaga titigil sa kakatawag sakin nyan chimpmunk?! gusto mong tupiin kita sa walo?!" medyo irita at pabiro kong sabi sa kanya.
"Alam mo Pokpak kahit tupiin mo pa ko sa bente pokpak padin tawag ko sayo!" pang aasar nyang sabi, tumingin ako sa kanya ng masama habang sya naman tawa ng tawa. Hayys kung hindi ko lang sya bestfriend since highschool na gulpi ko na to hahaha.
Nakasakay na kami ngayon sa kotse pinahatid kami ni mom sa driver namin na si manong Digong papuntang school. Halos araw-araw sumasabay sakin si Rose kahit may sarili naman silang kotse at driver dahil nakasanayan nanamin ito since magkapitbahay lang naman kami.
"Mam Lisa nandito na po tayo" sabi ni mang Digong habang nakatingin samin dalawa sa rearview mirror nakatulog pala kami. Nakarating na kami sa tapat ng malaking gate ng "BlackPink University" sobrang kilala ang school na to sa buong south korea dahil mga mayayaman ang nag-aaral dito.
"Sige po mang Digong salamat sa paghatid mamaya nalang po ulit ingat po kayo" sabi ko habang kumakaway sa kanyao pati narin si Rosè.
Naglalakad na kami ngayon sa hallway ng school para hanapin na ang room namin. Room Mate nanaman kami😑😂 1st year college na kami at parehas kaming masscom ang course na kinuha.
"Pokpak ito na yung room natin!" sigaw ni Rosè na parang hindi ako katabi.
"Ang sakit mo sa tenga chimpmunk parang ang layo ng kausap mo! tsaka wag mo nga kong tawaging pokpak dito sa school" medyo irita kong sabi sa kanya.
"ok pokpak! hahahaha" pang aasar nyang sabi at napa facepalm nalang ako sa sobrang inis.
Nakaupo na kami sa mga silya namin at nagsimula ng magturo ang Prof. namin ng kung ano-ano, medyo nakakaantok pero kelangan ko makinig baka mapagalitan ako sa first day ko.
"krrriiiiiiiinnnggggg!!!!" bell na!!!
"ok class take your break!" sabi ng Prof. namin habang nag aayos ng gamit nya.
"Lisa tara na sa canteen nagugutom na ko ey" naka pout na sabi ni Rosè sakin.
"Lagi ka namang gutom ey" pang aasar kong sabi sa kanya na biglang napatigil sa paglakad at tumingin sakin ng masama napatawa nalang ako sa kanya.