"Missing You"

185 5 1
                                    

LISA's POV




Natapos na and photoshoot ko at pauwi na ko ngayon sa bahay pagtapos ko ihatid si Rosé sa bahay nila ni Jisoo. Hindi parin maalis sa isip ko si Jennie at Kai. Hindi ko akalain na magtatagal sila at magsasama sa isang company. Hanggang ngayon ang sakit parin na makita silang magkasama parang dinudurog ang puso ko sa bawat minutong nakikita ko sila na masaya sa isat isa.



"Haaaaaaysss!" sigaw ko pag higa ko sa kama. Naiinis ako na hindi ako ang kasama ni Jennie.


"Ako dapat yun eh. Yung magpapasaya sayo at mag aalaga. pero bakit siya? bakit nagawa mong ipagpalit ako sa kanya? Hanggang ngayon mahal parin kita Jennie" sambit ko sa aking sarili. Hindi ko na malayan na tumutulo na ang luha ko sa sobrang sakit. Napabangon naman ako bigla at nag ayos ng sarili pagkarinig ko sa phone ko dahil tumatawag si Rosé. Agad ko naman itong sinagot.


"ohhh?? napatawag ka? kakahiwalay lang natin ng landas chimpmunk tumatawag ka na agad" pabirong tanong ko dito.


"Pokpak! nakalimutan ko kasing sabihan kanina na kinausap ako ni Kai. Magkakaroon daw ng welcome party yung company para sayo sa Saturday so kelangan natin umattend since party mo yun." sabi ni Rosé habang may nginunguyang pagkain sa bibig nito.


"ang daming alam naman ng Kai na yun tsss. Sige aatend ako. Ba bye na gusto ko ng matulog" maiksing sagot ko dito at binaba ko agad ang telepono. Nakatulala lang ako sa kisame habang iniisip si Jennie. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.



"FAST FORWARD.. SATURDAY"




JENNIE's POV




Nauna na ko dito sa venue na pag gaganapan ng welcome party ni Lisa para i check kung maayos na ang lahat. Excited na kong makita sya. Haayyyss, yan ka nanaman Jennie! Girlfriend nya si Rosé ok? tigilan mo na kakapantasya sa kanya.



"hello , my kitten. Nandito na ba sila Lisa?" tanong ni Kai sakin


"hindi ko pa sila nakikita. Can you contact them and inform them that we will start the program after 10 minutes" pakiusap ko kay Kai. Tumango naman ito at agad na tinawagan si Rosé.


"nandito na daw sila papasok ng venue. No worries mukang sasakto naman sila sa time" sambit ni Kai habang nakatingin sakin. Tumango naman ako dito at agad pumunta sa table na uupuan namin. Doon ko na lamang sila hihintayin.


Lumipas na ang limang minuto at wala parin sila. Patayo na sana ako para hanapin si Kai at patawagan ulit si Rosé ng may biglang nagsalita sa likod ko.


"saan ka pupunta? ayaw mo ba ko makasama sa iisang table?" sambit nito. Napatigil naman ako bigla dahil pamilyar ang boses nito. Humarap ako dito at hindi nga nagkamali ang hula ko.


"L-lisa? N-no ahmmm. Pupuntahan ko sana si Kai para patawagan si Rosé. A-akala ko kase wala pa kayo" Nakatungong sagot ko dito. Nakatingin lang sakin si Lisa at umupo sa tabi ko.


"Nasan yung boyfriend mo? bakit iniiwan ka nya mag isa dito?" tanong nito sakin.


"ha? boyfriend? sino may boyfriend?" takang tanong ko dito dahil hindi ko masyado naintindihan ang tanong nito dahil sa lakas ng music.


"wala, nevermind" malamig na sambit nito sakin. Hindi na sya nag salita pag tapos nun. Parehas kaming nakatingin sa magkabilang direksyon at hindi nag uusap.


"hey Lisa. Nandito ka na pala sa table kanina ka pa namin hinahanap" pasigaw na sabi ni Rosé. Tinignan naman ako nito at nginitian.


"Jennie!! nandyan ka din pala. Kayo ha nagso solo kayo ng table" Nakangiting sambit nito na parang nang aasar. Nababaliw na ba sya? Hindi ba sya nagagalit na magkasama kami eh girlfriend nya si Lisa? Napatingin ako bigla sa likod nya ng may pamilyar akong muka na nakita.


MY ONE AND ONLY YOU(JENLISA STORY)Where stories live. Discover now