1.Dom

25 2 0
                                    

Hi, ako si Dominic, pero pwedeng Dom nalang. 17 years old, male, nakatira ngayon sa Sulayo City. Pinalaki sa normal na pamilya at nag-aaral ngayon sa normal na paaralan. Meron akong dalawang kapatid, kambal at parehas mas bata sa'kin. Siguro iniisip n'yo na ngayon kung tungkol saan ba 'tong binabasa niyo. May ike-kwento lang sana ako. Actually hindi naman interesting 'tong kwento ko, normal na tao lang ako eh. Normal ako pero yung crush ko, alien.

Gabi na no'n, mga 9 PM kung tama pagkaka-alala ko pero nasa labas pa 'ko, galling ako sa birthday ng kaibigan ko at pauwi na sana. Chinat ko si Maya, kapatid ko, kung kumain na sila.

"Oys kumain na ba kayo?" Tanong ko kay Maya pero hindi agad siya nakapag-reply.

Naisip ko na baka nanunuod lang sila ni Mia kaya hindi niya napansin ang chat ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nagbabakasakali na may dumaan na tricycle para makauwi agad. Maya't-maya pa ay may umilaw sa likod ko. Sawakas may trike na.

Pero parang may mali. Bakit sa taas nanggagaling yung ilaw? Tumingala ako. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Isang malaking bilog na maraming ilaw. Hindi ko rin maipaliwanag ng maayos kasi hindi ko rin maintindihan yung nakita ko. UFO ba yan? Wala pang isang segundo ay nawala din agad yung nakita ko, at sa pag-alis nito, isang malakas na buga ng hangin ang tumulak sakin pababa. Nabitawan ko ang cellphone ko habang tinatakpan ko ang mukha ko gamit ang mga braso ko.

Nang mapansin kong wala na ang malakas na hangin at mga ilaw sa taas, dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakaharang ng braso ko so mukha ko. Parang wala namang nag-bago sa daan pwera sa babaeng naka-puti sa harap ko ngayon. Nakatingin lang siya sakin. Nakatingin lang din ako sa kanya. Nang kumalma na ang isip ko, hinanap ko ang cellphone ko, pinulot ko, at dali-dali akong tumakbo.

Shet shet shet shet shet shet shet shet shet shet shet shet shet. Yan lang ang laman ng isip ko habang tumatakbo ako pauwi samin. Hindi na 'ko lumingon pa, diretso lang hanggang makauwi. Nang natanaw ko na ang gate namin, naalala kong baka may pinapanood sina Maya at Mia, baka hindi nila marinig yung pag-doorbell ko. Tinalon ko yung gate namin ta's diretso agad sa pinto, pasok sa bahay, at saka lang nakahinga ng malalim. Narinig ko ang pagtakbo nila Maya at Mia papunta sa'kin.

"Kuya!" Sigaw ni Mia. "Ba't di ka nalang nag-doorbell!?"

"Sisirain mo talaga yung gate natin sa ginagawa mo eh." Kalmadong sinabi ni Maya.

"Sorry agad, uwing-uwi na 'ko eh." Pahingal kong sinagot.

"Kuya." Lumapit sa'kin si Mia. "Girlfriend mo?" Tumuro siya sa tabi ko.

Dahan-dahan kong nilingon ang ulo ko at unti-unti ding nanlaki ang mata ko nang makita ko yung babaeng nakaputi na tinakasan ko, nasa tabi ko na ngayon.

"Gag-" Pinigilan kong mag-mura habang napapaatras sa gulat.

Medyo Weird StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon