11.Adrian

1 0 0
                                    

Pagdating ko kila Larry, nagsisindi na sila ng gin. May mga bote na sa lapag, mukhang pang-ilan na nila yung sinisindihan ngayon.

"Boi, shot." Sabi nang kakilala ko sabay abot ng baso.

Hindi pa nga ako nakakaupo, naabutan na ng baso. Inamoy ko yung inabot sa'kin. Gatorade blue saka dalandan yung halo. Ininom ko ng isang lagok at inabot yung baso sa katabi ko.

"Sa'n galing boi?" Tanong ng isa.

"Jan lang, lakad-lakad." Sagot ko. "Walang pa-music?"

"Nalowbat speaker eh, kumukuha pa charger." Sagot ng isa pa.

Halos lahat sila dito kilala ko sa pangalan lang pero masaya naman kasama kaya oks lang na dito tumambay. Nang may nagdala na ng charger at nagkaroon na ng music, naalala kong hindi ko trip tugtugan nila. Yung mga pinapatugtog kasi nila, medyo nakakasuya. Mga kanta na about sa drugs, sex, at pera. Tiis nalang libre inom naman eh.

"Ano boi kamusta na kayo ni Marie?" Tanong ng isa.

"Gago di ko naman ano yun." Sagot ko. "Tropa lang."

"Edi okay lang na akin na siya?" Tanong niya ulit.

"Bahala ka." Sagot ko sabay tawa.

Mabait naman sila kaso yung salitaan saka kilos nila nakaka-ilang. Ewan, iba lang ata pagpapalaki sa'kin ni tatay. Usually ganyang ugali talaga sa mga lalaking kaedad ko pero para sa'kin nakakailang sila. Lalo na kapag nanti-trip sila ng babae, panget tignan. Syempre ako naman nakikisama para 'di KJ saka para malibre na din kapag nagiinom sila.

"Yung tropa mo boi" Sabi ng isa. "Ano nga pangalan no'n? Yung madalas mo kasama?"

"Si Dom?" Tanong ko.

"Yun ba yung mukhang nerd na ewan?" Paanong mukang nerd, wala namang salamin si Dom ah.

"Parang 'di naman mukhang nerd yon. Mukha lang inosente ganon." Kaya kapani-paniwala mga kasinungalingan niya eh. Mukha kasing 'di gagawa ng masama.

"Basta yon. Ba't 'di mo sinasama mag-inom yun?" Tanong niya.

"Sira." Sagot ko. "Walang bisyo yun."

"'Di ba jowa no'n yung kaibigan ng ex mo?" Tanong ng isa pa.

"'Di sila ni Bel." Sagot ko ulit. "Magkababata lang sila kaya close."

"Alam na alam ah. Trip mo 'ata yun eh." Sabi niya.

"Sabagay maganda nga naman yung Bel." Sabi ng isa pa.

"Maganda na malaki pa ededs." Sabi bigla ng isa.

"Omsim!" Gatong ng isa.

"Panalo talaga ser." Ayan na sila. Papanget ng ugali niyo sa babae. Tawa na lang ako para makisama.

Ilang oras din ang lumipas sa pagiinom namin at maghahating gabi na.

"Pano mga boi." Sabi ko pagtayo. "Bounce na ko."

Pinipigilan pa nila akong umuwi, last bote na daw. Kailangan kong umuwi na, may shift pa ako bukas ta's di ko pa nasisimulan project ko sa school. Nakailang ulit nila akong pinilit na 'wag munang umuwi pero in the end wala naman silang magagawa kapag nakalabas na ako ng pinto. Naglalakad ako pauwi, nagyoyosi, nang biglang nag-vibrate cellphone ko. May nag-chat sa'kin, tinignan ko kung sino. Si Bel? Bakit?

"Adriaaaannnn" Chat ni Bel.

"Belindaaaaa" Sagot ko.

Anong meron, ba't bigla siyang nag-chat?

"Ano yung nakwento sayo ni Dom???" Tanong niya.

"Sira eala yun." Typo pa. "wala*"

"Weh ba? Parang may sasabihin ka na kanina eh." Sabi ni Bel.

Nagdahan-dahan ako sa pagta-type para 'di na magka-typo ulit. "Tangeks 'di naman nagkekwento si Dom eh."

"Sus eh tropa kayo eh, malamang yan may nasabi na siya sayo." Kulit ni Bel amp.

"Close din naman kayo ni Dom ah, may nakwento ba siya about sakin?" Tanong ko.

"Wala naman." Sagot niya.

"Ganon din sakin, wala siyang nakwento about sayo." Paliwanag ko.

"Talaga ba?" Tanong niya. "Eh bat nung namention, biglang nag-react si Dom?"

"Malay ko dun baliw baliw din yun minsan eh" Sagot ko.

"Di ka ba nacurious kung ano nasabi ni Lia about sayo?" Tanong niya. "Magkekwento ako pag nag kwento ka."

Aba, binalik sakin yung salitaan ko. "Di ako interested." Sagot ko. "Saka kung ano man yang nasabi niya, malamang alam ko na yan."

"Di ka sureeee" Ay aba. Medyo nacurious tuloy ako.

"Hahahaha baliw" Sagot ko. "Saka na pag-usapan antok na ko eh."

"Okieee gudnyt" Yan na last chat ni Bel.

'Pag dating ko sa bahay, nakapatay lahat ng ilaw. Wala 'ata si tito, sakto. Pag bukas ko ng ilaw, nasa sofa si tito, nakaupo at nakatingin sa'kin ng masama.

"Sa'n ka galing?" Tanong niya.

"Kanina ka pa jan?" Tanong ko pabalik. "Hinihintay mo ko ng nakapatay ilaw?"

"Umayos ka ng sagot sa'kin ah." Tumayo siya at nilapitan ako. Matatakot sana ako kung mas matangkad siya sa'kin.

"Kung gusto mo ko sermonan sige lang." Sabi ko. "Basta ako matutulog." Naglakad ako lagpas sa kanya pero hinawakan niya ng mahigpit yung braso ko.

"Kahit kelan talaga hindi ka rumespeto sa'kin!" Nagtataas na ng boses.

"Bakit tatay ba kita?" Tanong ko. "Hindi din naman kita kadugo, kaibigan ka lang naman ni tatay!" Nagtaas din ako ng boses. Takte, amats na ko. Hindi ko pagsasalitaan ng ganito si tito, normally. Umeepekto na alak.

Binitawan niya ako nang hindi nagsasalita kaya dumiretso na ako sa kama. Magso-sorry ako bukas. Hindi na ako nagbihis, pagkahilata ko sa kama, nakatulog na agad ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Medyo Weird StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon