10.Lia

1 0 0
                                    

Nanunuod kami ngayon ni Bel ng ReFractor, paborito kong anime. Kakaalis lang nila Adrian, Dom, at Eli kanina at medyo nabawasan na ang ingay dito sa bahay nila Bel. Pinapakita ngayon na bumabangon si Shura, bida sa ReFractor, para bumalik sa laban.

"Ngayon ko lang napansin" Biglang sabi ni Bel. "Hawig ni Adrian si Shura, no?"

"Bakit, kasi parehas pula buhok?" Tanong ko.

"Pati yung hikaw nila." Sagot niya.

"Layo, Bhie." Sabi ko. "Pogi pogi ni Shura eh."

"Pogings din naman si Adrian, ah."

"'San banda?" Tanong ko.

"Sa buong katawan."

Napatingin ako bigla kay Bel. Nakangiti siya sa'kin.

"Siraulo ka." Sabi ko sa kanya.

"Ba't affected ka?" Tanong niya. "Akala ko ba naka-move on ka na?"

"Tanga naka-move on naman na ako." Sagot ko.

"Naka-move on pero kaninang magkatabi kayo halos 'di ka nagsasalita." Hindi naman si Adrian yung rason kung bakit hindi ako nakakapagsalita kanina. Tinitignan ko kung anong gagawin ng pinsan ni Dom. Buti hindi din nagsalita pinsan niya.

"Ba't ako magsasalita eh wala naman akong sasabihin." Sabi ko. "Saka matagal na kaming tapos, wala na akong pake sa kanya."

"Edi okay lang sa'yo na magka-girlfriend siya?" Tanong ni Bel.

"Syempre, wala naman akong pake sa kanya." Sagot ko.

"Kung naka-move on ka na, bakit hindi ka pa rin naghahanap ng bebe?" Tanong niya ulit.

"Kasi nagfofocus nga ako sa sarili ko."

"Taeng rason 'yan." Sabi niya.

"Kesa naman yung rason mo." Sabi ko. "Kapatid ang tingin amp. Incest pa nga ang nais."

"Oh, bakit totoo naman ah." Depensa niya. "Close friends lang kami ni Dom."

"Kung close friends lang kayo bakit hindi ka magjowa?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi nagfofocus ako sa sarili ko." Sagot niya.

"Gaya-gaya ka bhie."

"Totoo naman," Nagbago tono ni Bel. "Hanggang ngayon nga hindi ko pa alam kung anong kukunin ko sa college."

"Accounting ayaw mo?" Tanong ko.

"Para parehas kami ni Dom? Siraulo" Sagot niya. "Seryoso kasi. Parang lahat ng mga kaibigan ko sigurado na sa buhay nila, ta's ako napapag-iwanan na."

Kaya lang naman IT kukunin ko kasi madali makahanap ng trabaho sa field na 'yon eh.

"Passion mo photography diba?" Tanong ko.

"Hobby, pero mahirap kumita dun sabi ni mama." Sagot niya. "Saka ayoko din na parang ginagaya ko lang si papa. Gusto kong malaman kung ano yung para sa'kin."

"Anong balak mo?" Tanong ko.

"Hindi ko din alam eh." Sagot niya. "Baka mag-IT siguro ako kapag 'di nakapili. Para magkaklase pa rin tayo."

"Accounting na lang kung di ka makapili." Sabi ko. "Para kasama mo si step bro mo."

"Sira 'di naman ako magaling sa math. At least sa IT kahit pano marunong naman ako mag-computer."

Lumipas ang oras sa panonood namin ng anime at pagkekwentuhan. Inabot na ako ng alas syete ng gabi. Maaga pa naman pero ayoko na mang-abala.

"Bhie, una na ako ah." Paalam ko.

Medyo Weird StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon