8.Lia

2 1 0
                                    

Ang sama ng tingin ni Adrian sa'kin.

"Eh ikaw? Hindi ka na tutuloy?" Tanong ko sa kanya.

"Pinapauna lang kita." Sagot niya. "Baka isipin pa n'ya na sabay tayong pumunta eh."

Nasaktan siya. Sumobra nga naman din ako. Adrian, sorry. Fuck, ba't di ko masabi. Duwag ka Lia. Sabihin mo lang gusto mong sabihin, Lia. Mauulit na naman yung nangyari dati kung hindi ka magsasalita. Kasalanan ko naman ang lahat, alam ko. Gusto kong bumawi sa'yo Adrian pero bakit hindi ko magawa. Bakit ka kasi nag-bago bigla? At this point, kahit ano namang sabihin ko, hindi mo na pakikinggan. May magagawa pa ba ako? Hindi na rin siya nagsasalita eh. Naglakad na lang ako papunta sa gate nila Bel.

"Sorry." Bulong ko habang naglalakad paalis.

Sana narinig niya. Kung hindi okay lang din. Kung magso-sorry ako sa kanya dapat maayos. Hindi dapat ganito na takot na takot, parang hiyang hiyang sabihin. Gaano ba kahirap humingi ng tawad? Ang taas ng pride pero duwag. Parang tanga lang. Habang naglalakad ako papunta sa gate nila Bel, kinapa ko ang bulsa ko. Malamang ito yung pinunta niya dito. Nakita ko yung lighter ni Adrian kagabi habang tinutulungan si Bel maglinis. Malapit lang naman siya samin ba't di ko nalang siya dinaanan? Pwede rin kanina bakit di ko pa inabot? Ewan. Nagiging bobo ako pagdating kay Adrian. Nag-doorbell ako at lumabas si Bel.

"Bhie!" Bati ko sa kanya.

"Lia! Ano meron?" Tanong niya sabay tawa. 'Yang ganyang ngiti. Ganyan din ngiti ni Adrian dati. Maliwanag. Ako sumira no'n. Kasalanan ko kung bakit ganyan siya ngayon pero kung umasta ako, parang ako pa may galit.

"Wala lang tatambay lang sana. Pwede ba?" Sabi ko.

"Nandito si Dom ngayon eh, okay lang sa'yo?" Tanong niya habang nagbubukas ng gate.

"Oo naman, kaibigan ko na din naman 'yan si Dom." Sagot ko habang naglalakad.

Pagbukas ng pinto, nakita ko na nakaupo si Dom sa sofa. May katabi siyang babae. Hala ang cute. Kaibigan siguro nila. Hawak ni Dom yung remote at naglilipat ng channel, yung babae naman nakatutok ang mata sa TV. Tumigil siya sa paglilipat ng channel sa documentary ng mga hayop.

"Eto Eli, baka magustuhan mo." Sabi ni Dom.

"Kasama pala ni Dom pinsan niya." Sabi sa'kin ni Bel. "Si Eli."

Napansin ako ni Dom. Tumalikod siya para humarap sa'kin.

"Lia! Ikaw daw tumulong mag-ligpit kagabi ah!" Sabi ni Dom. Isa rin to eh. Maliwanag ngumiti. "Salamat ah, ako dapat gagawa no'n eh."

"Kahit naman 'di ka umuwi ng maaga, tutulong pa rin ako." Sagot ko.

Dumiretso kami ni Bel sa sofa at tinabihan si Dom at Eli. Pinsan niya yan? Mukhang foreigner.

"Eli, si Lia" Pakilala ni Dom. "Lia, si Eli."

Tumingin sa'kin yung pinsan ni Dom pero hindi nagsalita kaya kumaway nalang ako. Kumaway din siya sa'kin.

"Dom ikaw lang may gustong manood ng ganyan" Sabi ni Bel.

"Ay 'di nyo ba trip?" Tanong ni Dom sabay lingon sa'kin na parang naghahanap ng kakampi.

"Oks lang naman" Sagot ko "Bonak lang 'yan si Bel kaya 'di nakaka-appreciate ng docu."

"Hoy ang kapal mo, puro documentary nga pinapanood namin kapag tumatambay si Dom." Sabi ni Bel.

"Oh bakit ka pa nagrereklamo?" Tanong ko.

"Bonak, baka kasi di mo trip yung ganyan." Sagot ni Bel

"Suntukan yan ah" Hirit ni Dom. "Walang aawat."

"Ikaw suntukin ko Dom" Sabi ni Bel.

"Sige gawa." Hamon ni Dom.

Medyo Weird StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon