4.Bel

3 1 0
                                    


Matutulog na sana ako. Hindi naman na ako nage-expect na magre-reply pa si Dom. Saktong pag-pikit ng mata ko, narinig ko yung ringtone ko. Nag-chat si Dom.

"Oo men, gising pa." Sabi niya.

Hindi talaga ako nagkamaling i-message siya. Lagi namang nanjan si Dom 'pag kailangan ko siya. Naalala ko si mama at papa. Parehas wala kanina. Pero si Dom, umaga pa lang kasama ko na. Siya nga tumulong sa'kin para i-setup yung birthday ko. Nakakainis isipin kasi hindi naman ganito dati. Dati naman buo kami. Dati naman lagi kong kasama si mama at papa. Bakit ba kasi nag-iba? Bawal na bang bumalik sa dati? Nahihirapan akong huminga. Gusto kong sumabog. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ko pero bakit ganito? Bakit hindi ako maka-iyak? Gusto kong ilabas 'to pero bakit walang tumutulong luha? Tumingin ako sa cellphone ko. Si Dom, kailangan ko mag-reply sa kanya.

"Anong ganap sa'yo?" Tanong ko.

Hindi nagse-seen, hindi agad nag-reply. May ginagawa pa siguro.

"Tamang gawa ng project." Sagot niya. "Ikaw ba?" Dagdag pa niya.

Hindi yata nagawa ni Dom project niya kasi dumiretso siya agad dito sa'min. Umaga pa lang pinuntahan na ako ni Dom kasi alam niyang pag-gising ko walang tao. Ayaw niyang mag-isa akong gigising sa birthday ko. Simula nang naghiwalay si mama at papa 5 years ago, mas dumalas nang pumupunta dito si Dom. Lalo 'pag may okasyon, umaga pa lang nandito na si Dom. Minsan kasama niya pa sila Maya at Mia. Minsan kasama niya si Adrian.

"Nagmumuni-muni lang." Sagot ko sa tanong ni Dom.

"Ayaw mo pa matulog?" Tanong niya.

"Gusto" Sagot ko.

"Bat di ka pa matulog?" Tanong niya ulit.

"Kausap pa kita eh"

Nahihiya ako. Gusto kong i-remove message. Kaso naseen na niya. Si Dom naman yan eh, manhid naman siya sa ganyang bagay.

"Edi wow sa'yo. Matulog ka na, ganyan ka na magsalita eh" Oh diba. Manhid talaga.

'Pag ganyan na si Dom, di na niya ko ise-seen. Literal na 'yan na gusto na niya ko matulog. Kahit ganyan ka Dom, sobrang thankful ako sa'yo. Bumibigat na ang mata ko, 'di ko napapansin nakakatulog na 'ko.

Nagising ako sa alarm ko. Hawak ko pa'rin ang cellphone ko at nakita ko sa oras na alas sais na ng umaga. Bumangon na ako at nag-inat. Pagkatayo ko, nakita ko yung picture namin ni Dom sa tabi ng kama. Bata pa kami sa picture na 'yan. Nagtatalo pa kami jan, kaya nakakotong ako kay Dom sa picture. Si papa yung kumuha ng picture na 'yan eh. Bigla ko na lang napansin na nakangiti na pala ako.

Naglakad ako papunta sa salamin para mag-ayos. Napansin ko yung pendant na niregalo ni Dom. Matapos kong mag-hilamos at mag-suklay, bumaba na ako. Sa sofa na naman nakatulog si mama. Ganyan lagi pag nago-overtime siya eh, hindi na siya nakaka-akyat sa kwarto namin. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Tinignan ko yung laman ng rice cooker. May laman pa, magf-fried rice ako. Kumuha ako ng bawang, kutsilyo, at chopping board. Habang naghihiwa ako, nakaramdam ako ng brasong yumakap sa'kin galing sa likod.

"Good morning 'nak." Pabulong na sinabi ni mama sa tenga ko.

"Antok ka pa ma, ah." Sagot ko. "Wait lang timpla ako ng kape."

Maglalakad sana ako papunta sa thermos pero hindi ako binitawan ni mama. Hinigpitan niya pa ang yakap niya sa'kin. Parang nawala lahat ng lungkot ko kagabi.

"Sorry Bel ah. Dapa-" Hindi ko na pinatapos si mama mag-explain.

"Ma, gets ko. Okay lang. Hindi mo kailangan mag-sorry." Sabi ko habang humaharap ako sa kanya.

Nalingat yung mga mata ni mama papunta sa leeg ko. Napansin niya yung pendant.

"Wow moon, regalo sa'yo?" Tanong ni mama sabay hawak sa pendant.

"Galing kay Dom." Sagot ko.

Humaba pa ang usapan namin ni mama habang nag-aalmusal. Hindi ko mapigilang mapansin na panay tingin niya sa phone niya. Alam ko naman na kailangan niyang umalis ng maaga para sa trabaho niya, pero ayoko munang matapos 'tong umaga namin. Gusto ko muna maging makasarili kahit minsan lang. Humarap sa'kin si mama.

"Kayo na ba ni Dom?" Tanong niya.

"Ma! Paulit-ulit nalang!" Sagot ko.

"Alam ko, hindi ganon tingin mo sa kanya. Ilang beses ko na narinig yan Bel." Sabi ni mama habang nakangiti sa'kin.

"Alam mo naman pala eh, ba't mo pa tinatanong."

"Bakit ka kasi defensive pag tinatanong ka, parang may something tuloy." Sabi niya sabay tawa.

"Edi shing."

Tumayo na ako at nag-simula nang mag-ligpit ng kinainan. Habang kinukuha ko ang mga plato, hinawakan ni mama ang kamay ko.

"Bel" Tumingin siya sa'kin "Ang laki mo na 'nak"

Hindi ko alam kung masaya ba si mama o hindi. Parang paiyak na mga mata niya pero ang laki ng ngiti niya sa'kin. Alam ko naman na gusto niya akong makasama palagi. Ganon naman kami dati eh.

"Ang laki mo na pero wala ka paring jowa." Pang-aasar ulit ni mama.

Wala na sira na yung moment.

"Umalis ka na nga hinahanap ka na sa trabaho mo." Sabi kong pabiro habang tumatalikod papunta sa lababo.

Natawa si mama bago tumayo. Dumiretso siya sa CR para maligo at tinapos ko na ang paghuhugas ng pinggan. Parang naririnig ko sa sarili ko yung pang-aasar ni mama sa'kin kay Dom. Bakit ba ganyan sila sa'kin eh hindi naman talaga ganon tingin ko kay Dom. Oo cute siya, pero hanggang dun lang. Cute lang. Parang kapatid kasi sa'kin si Dom kaya ang awkward 'pag inaasar nila ako sa kanya. 'Pag tapos ko maghugas ng pinggan umupo ako sa sofa at binuksan ang TV. Lumabas si mama sa CR ng nakabihis na pang-trabaho. Maya-maya lang ay nagpaalam na siya sa'kin at umalis na siya sa bahay. Kinuha ko ang phone ko at nag-scroll sa newsfeed. Ganito madalas mga umaga ko. Tinignan ko ang oras, 7:13 pa lang. Mahaba pa ang araw pero sobrang bored na 'ko. Ililipat ko sana ang channel ng biglang nag-chat si Dom.

"Gising ka na?" Tanong niya.

"Uu" Sagot ko. "Pupunta ka?"

"Papunta na kami."

Kami? Baka kasama niya si Adrian. Kahit ilang beses ko nang nakakasama si Adrian parang di ko talaga siya maka-vibes. Iba kasi dating niya sakin, parang playboy ganon. Pero sabi naman ni Dom mabait daw kaya okay lang sa'kin. Ewan ko din kung pano sila nagging mag-tropa eh, parang kabaliktaran nila isa't-isa. Pero at least naman naging mas assertive si Dom nung naimpluwensyahan na ni Adrian. Maglilinis muna 'ko onti para di nakakahiya sa kanila. Habang nagwawalis ako, may nag-doorbell. Sila na ata. Dumiretso ako sa pinto at 'pag bukas ko, naramdaman kong manlamig katawan ko nang makita ko sila. May kasamang magandang babae si Dom.

Medyo Weird StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon