9.Adrian

0 0 0
                                    

Nasa bodega kami ngayon ni Dom, hinahanap yung lighter ko. 'Yun nalang kasi meron ako na galing kay tatay kaya kailangan kong mahanap. Sa lahat ng pwede niyang maiwan sa anak niya, lighter pa. Habang naghahalughog ako sa mga box, may nakita akong kuminang. Ginalaw ko yung mga gamit, nagbabakasakali na 'yun na yung silver na lighter. Hindi pala. Bakal na picture frame pala. Inangat ko yung picture frame at pinunasan ang alikabok. Picture ng pamilya. Si Bel siguro 'to nung bata, nakasakay siya sa likod ng tatay niya sa picture. May batang lalaki na nakayakap sa binti ng tatay ni Bel. Si Dom siguro, magkababata sila ni Bel eh.

"Ang cute namin jan." Sabi ni Dom na nasa likod ko pala.

"Mukha kang ampon." Sabi ko sa kanya.

"Hindi na ganyan ngumiti si Bel ngayon" Sabi niya.

Panandaliang walang nag-salita sa'ming dalawa.

"Parang hindi ko pa nakikita papa ni Bel." Sabi ko.

"Hiwalay sila ni tita." Sagot ni Dom. "Tara na, wala 'ata dito."

Binaba ko 'yung picture frame pabalik sa box. Napansin ko na puro picture pala laman ng box. Lahat ng picture, si Bel saka papa niya. May 'onti ding picture na magkakasama silang buong pamilya, meron din kasama si Dom. Pero ang common sa kanila, lahat nandun yung papa ni Bel. Ayoko na tignan pa, parang nakakasira ako ng privacy. Lumabas kami ni Dom sa bodega, pabalik sa kusina. Nakaupo na silang tatlo, magkatabi si Bel at Eli at nasa tapat nila si Lia. Tumingin silang tatlo sa'min.

"Nahanap niyo?" Tanong ni Bel.

Umiling lang si Dom.

"'Di ko 'ata dito naiwan" Sabi ko. "Sensya sa abala ah." Naglakad ako papunta sa pinto palabas ng bahay.

Kung hindi ko dito naiwan, saan? Wala naman na akong pinuntahan kagabi. Hindi din naman ako nag-yosi sa daan pauwi. Nalaglag sa daan? Jusko 'wag naman sana. Wala nang ibang iniwan sa'kin si tatay, lighter lang saka memories. Naalala ko bigla yung mga picture ni Bel kasama tatay niya. Wala kaming ganon eh. May picture kami ni nanay, pero walang kasama si tatay.

"Alis ka na agad?" Tanong ni Bel.

Tumalikod ako. "Oo eh, susubukan kong hanapin sa daan, baka nalaglag ko."

"Kain ka muna boi, naghain na sila oh" Sabi ni Dom sabay upo sa silya.

Nakita kong upuan nalang sa tabi ni Lia yung bakante. "'Di na, nakaabala na nga ako eh"

"Hala sayang naman, nakahain na oh." Sabi ni Bel.

Huminto ako saglit. "Sige na nga pinipilit niyo ko eh." Umupo ako sa tabi ni Lia.

Habang kumakain kami, napapansin ko na tumitingin minsan si Lia kay Eli. Tinignan ko si Eli na makalat na kumakain. Hindi talaga ako naniniwalang pinsan siya ni Dom. Hindi naman sa nagmamarunong ako, pero parang nararamdaman ko talaga eh. Napapansin ko kapag nagsisinungaling si Dom eh. Kung hindi niya pinsan 'to, sino 'to? Jowa niya? Siguro? Pero bakit hindi niya na lang sinabi yung totoo? Para hindi masaktan si Bel? Imposible, hindi papayag yung jowa niya na mas uunahin pa ni Dom feelings ng kababata niya. Ewan. May rason naman siguro kung bakit hindi nagsabi si Dom ng totoo.

"Ano ba 'yung hinanap niyo?" Tanong ni Bel.

Hindi ko alam isasagot ko. Ba't biglang nagtanong ka on the spot. Ang tagal kong sumagot, halata na atang nag-iisip ako ng rason.

"Memento ng papa ni Adrian" Sagot ni Dom. "Isa lang 'yon kaya kailangan mahanap."

"OFW ba papa mo?" Tanong ulit ni Bel.

"Deads na tatay ko." Sagot ko na may ngiti para hindi awkward.

Biglang tumahimik ang lahat, pwera kay Eli na kumakain pa'rin.

Medyo Weird StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon