2.Bel

39 1 0
                                    

"Happy Birthday, Belinda!" Pang-aasar na sinabi ni Dom habang inaabot niya sa'kin yung regalo.

"Taena mo talaga." Sagot ko habang kinukuha yung inaabot niya.

Alam ni Dom na ayaw ko sa buong pangalan ko, siya rin naman ayaw niyang tinatawag siyang Dominic. Mapang-asar na talaga 'yan si Dom, kahit nung mga bata pa kami. Malakas mang-asar, pero 'pag tinakot mabilis pa sa aso kung tumakbo.

"Buksan ko ba?" Tanong ko habang tinitignan yung regalo niya.

"Malamang, nakasara eh." Sagot niya.

Binuksan ko yung regalo niya. Nang makita ko ang pendant na buwan sa loob ng box, naalala ko bigla yung mga panahong wala pa kaming pinoproblema, nung simple lang and buhay. Yung mga panahong sabay pa kaming nanunuod ng Sailor Moon ni Dom dito sa'min.

"Moon?" Tanong ko.

'Pag tingala ko sa kanya, nakangiti siya sa'kin. Ang cute amp.

"Sailor Moon. Paborito natin dati, kung naalala mo pa." Sagot ni Dom sabay tawa.

"Paborito mo! Sinasamahan lang naman kita manuod eh." Sabi ko.

"Edi wag na!" Pabirong binabawi ni Dom yung box na nasa kamay ko.

"Joke lang, 'di mabiro talaga." Mahina kong pinalo ang kamay ni Dom.

"Bhie, Happy Birthday!" Sabi ni Lia sabay yakap galing sa likod ko.

Tumayo na si Dom sa sofa at dumeretso sa mga kaibigan namin sa mesa. Pumalit sa pwesto niya si Lia na nasa harap ko na ngayon. Nagsimula siyang magsalita, magkwento ng kung anu-ano. Sa totoo lang 'di ko masundan yung kwento niya, oo nalang ako ng oo. Mas napapansin ko kasi si Dom na nirereto na ni Adrian, kaibigan namin, sa kakilala niya.

"Bhie!" Sabi ni Lia sabay palo sa hita ko.

"Oy!" Sagot ko pag lingon ko sa kanya.

"Nakikinig ka ba?" Tanong niya.

Hindi ako makasagot ng oo. Tumingin si Lia kay Dom na mukhang nagkekwento na sa pinakilala ni Adrian. Tumatawa sila parehas. Hindi naman ako nagseselos, wala naman akong gusto kay Dom. Hindi lang ako natutuwa, ewan, basta.

"Ba't di ka pa kasi umamin kay Dom?" Tanong ni Lia.

"Bonak wala naman akong gusto jan, parang kapatid yan sakin eh." Sagot ko.

"Girl ang lagkit kaya ng tingin mo." Pang-aasar ni Lia sabay tawa.

"Siraulo ka talaga, tulungan mo nga ko suotin 'to." Tinanggal ko sa box yung pendant.

Kinuha ni Lia ang pendant sa kamay ko at pumunta siya sa likod ko. Tinanggal niya ang kwintas na suot ko at nilagay ito sa pendant. Habang nila-lock ni Lia ang kwintas, nakita ko ang pendant sa leeg ko at naalala ko noong bata pa kami ni Dom. Iyakin siya dati eh. Malakas mang-asar eh asar talo din naman.

"Wala daw gusto." Nasa harap ko na pala ulit si Lia.

"Hah?" Tanong ko.

"Wala kang gusto kay Dom pero ang laki ng ngiti mo jan sa pendant?" Pang-aasar ulit ni Lia.

"Edi wow sa'yo." 'Yan lang ang nasagot ko kay Lia.

Maya't-maya pa ay tumayo si Dom. Lumapit siya sa'min. Kahit madaming tao dito ngayon sa bahay, kahit kung sinu-sino tinuturo ni Lia na pogi daw, cute daw, malakas daw dating, si Dom lang napapansin ko. Siguro kasi nag-aalala ako sa kanya. Medyo bonak kasi si Dom eh.

"Oy Bel, una na ko." Sabi ni Dom nang nasa harap ko na siya.

"Uuwi ka na agad?" Tanong ko.

"Oh 'wag ka na daw umuwi Dom." Hirit ni Lia.

Medyo Weird StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon