5.Dom

3 1 0
                                    


"Ayaw mo pa matulog?" Tanong ko kay Bel habang tinitignan si Eli na nakatingin sa cellphone ko.

"Gusto" Sagot ni Bel.

Bago ako makapag-reply ulit, tumayo bigla si Eli. Nakatingin siya sa puno sa dulo ng playground. Seryoso niyang tinititigan yung puno bago siya naglakad papunta doon. Habang sinusundan ko si Eli, nag-reply ako kay Bel.

"Bat di ka pa matulog?" Tanong ko ulit.

"Dom" Tinawag ako ni Eli habang nakatingin siya sa puno. "May naririnig si Eli." Sabi niya. Weird.

May kumaluskos sa mga dahon at napatingala kaming dalawa. May kuting sa taas. Paulit-ulit na nagm-meow yung kuting sa taas na parang iiyak na. Pinagtripan siguro ng mga bata, iniwan sa taas. Wait, narinig ni Eli 'yan galing sa pinagkakaupuan namin? Wow. So mas malakas pandinig ng mga alien. Lumapit ako sa puno at naghandang umakyat nang biglang nag-reply si Bel.

"Kausap pa kita eh" Sagot ni Bel.

Tumigil ako sa paglalakad. 'Yan na naman si Bel. Hindi ko magets kung may gusto ba siya sa'kin o ano eh. Ganyan siya magsalita sa'kin pero kapag may kasama kaming iba sasabihin niya siraulo kapatid tingin ko kay Dom. Nakakalito kasi kapag kasama niya ko parang ang lambing niya, hindi lang sa salita, pati sa kilos niya. Pero kahit kelan 'di niya sinabi kung may gusto siya sa'kin kaya hindi ko alam kung aasa ako sa wala. Kung sasabihin lang ni Bel na gusto niya 'ko – ops, bawal mag-isip ng ganyan Dom, kapatid tingin niya sa'yo. Kalma ka lang Dom, hindi ka pwede magka-feelings kay Bel, magiging awkward kayo.

"Edi wow sa'yo. Matulog ka na, ganyan ka na magsalita eh" 'Yan na lang, safe na reply.

Pagka-reply ko kay Bel biglang kumaluskos ulit yung mga dahon ng puno. Napatingala ako. Sa tabi ng kuting, nandun si Eli, nakaupo. Luh luh luh luh luh, ba't nanjan ka na hoy.

"Eli!" Sigaw ko sa kanya.

"Dom." Sagot ni Eli habang nakatingin sa kuting na tahimik na ngayon.

"Bumaba ka jan hoy! Ba-" Bago ko matapos yung sinasabi ko, naputol yung sanga.

Ang bilis ng mga pangyayari, basta nakapikit na ako ngayon, medyo masakit ang katawan. Kusa na lang atang gumalaw ang binti ko kasi sinalo ko si Eli gamit katawan ko. Nasa ibabaw ko siya ngayon at mukha kaming ewan sa lapag. Hawak niya yung kuting na nakahiga sa dibdib niya. Medyo nahihirapan na akong huminga.

"Hindi ka pa ba tatayo?" Tanong ko.

Walang imik na tumayo si Eli, nakatingin parin siya sa kuting. Buti naihagis ko yung cellphone ko bago madaganan. Pinulot ko yung cellphone ko at 'pag tingin ko kay Eli, nagtititigan sila ng kuting na hawak niya. Tinutok niya sa mukha ko yung kuting.

"Ano 'to?" Tanong ni Eli.

"Kuting 'yan" Sagot ko habang nagpapagpag ng damit. "Anak ng pusa."

"Pusa?" Tanong niya ulit.

Bago pa ako makasagot, may nag-meow sa likod ko. 'Pag tingin ko, may pusang kakulay ng kuting na hawak ni Eli. Nag-meow din yung kuting na hawak ni Eli na parang sumasagot sa pusa. Nagsimulang mag-likot yung kuting na hawak ni Eli.

"Yan yung pusa." Tinuro ko yung pusa. "Bitawan mo na siya." Sabi ko habang dahan-dahang inaalis ang pagkakahawak ni Eli sa kuting.

Tumalon yung kuting galing sa kamay ni Eli. Tinignan ko siya. Parang gusto niyang sundan yung kuting na tumatakbo papunta sa nanay niya. Bago siya makagalaw, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Feeling ko tatakbo siya pag binitawan ko eh.

"Nanay niya siguro 'yan." Sabi ko habang nakatingin kami parehas sa mga pusang naglalakad papunta sa damuhan.

"Nanay?" Tanong ni Eli.

Medyo Weird StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon