3.Dom

20 1 0
                                    

Nasa bakuran kami ngayon tapos kong hilain palabas yung babaeng nakaputi. Iniwan ko yung kambal sa loob. Nakatingin lang siya sakin. Nakatingin lang din ako sa kanya. Kung ibabase ko sa nakikita ko, tingin ko kaedaran ko siya. Ngayon ko lang napansin na hindi pala itim buhok niya. Medyo brown pero bagay naman sa kanya kasi maputi siya. Naiilang ako sa malaki niyang mata. 'Di siya nalilingat ng tingin sa'kin. Ilang segundo pa lang kami dito pero parang ilang oras na kaming nagtitinginan. Sobrang awkward, ba't di siya nagsasalita? Ano ba siya? Galing ba siya dun sa nakita ko sa taas? Kung galing siya sa UFO, edi alien siya?

"Uhm." Sinubukan kong sirain ang katahimikan. "Hi?" Kumaway ako sa kanya.

Nakatingin lang siya sa'kin. Bigla niyang tinaas ang kaliwang kamay niya. Kumaway siya sa'kin. Nagulat ako, akala ko naman kung anong gagawin niya.

"Naiintindihan mo ba 'ko?" Tanong ko sa alien.

Hindi siya sumagot. Kumakaway parin siya. Baka di siya nakakaintindi ng Tagalog?

"Can you understand me?" Sinubukan kong English, baka sakali.

Wala parin siyang sagot, kumakaway parin siya. Baka hindi siya nakakapagsalita?

"◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘ ◘◘ ◘◘◘." Sabi ng babae.

Napaatras ako. Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang mga tunog. Tumigil na siya sa pagkaway at binaba na niya ulit ang kamay niya. So alien nga 'tong babaeng nasa harap ko ngayon? Shet shet shet shet sh-

"◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘◘ ◘◘ ◘◘ ◘◘◘◘" Sabi ng babae at nagsimula siyang lumapit sa'kin.

Kinikilabutan na ako. Gusto kong bumalik sa loob, gusto kong i-lock yung pinto, gusto kong tumakbo. Pero hindi ako pwedeng umalis dito. 'Pag umalis ako madali na siyang makakapasok sa bahay. Nasa loob pa mga kapatid ko.

"◘◘◘◘◘ ◘◘◘◘ ◘◘◘◘◘◘◘◘◘ ◘◘◘◘◘◘◘◘ ◘◘◘◘ ◘◘◘◘◘◘◘ ◘◘◘ ◘◘◘ ◘◘◘◘◘◘ ◘◘◘" Kumapit yung babae sa balikat ko, tumingkayad siya at hinalikan niya 'ko.

Nanlaki ang mga mata ko. First kiss ko 'to eh. 'Di naman ako romantic na tao pero di okay sa'kin na napunta sa 'di ko kilala yung first kiss ko. Gusto ko siyang itulak palayo. Hindi ko gusto 'to. Pero ba't hindi ko magawa? Bakit parang

Ang sarap?

Nararamdaman ko ang labi niya sa labi ko. Yung dila niya na nasa loob na. Mali 'to! Pero ba't pumipikit na 'ko? Bakit hindi ko siya matulak palayo? Nararamdaman ko nang nilalabas na niya ang dila niya at unti-unti nang nawawala ang pagkakalapat ng labi namin sa isa't-isa. Dinilat ko ang mga mata ko. Nakapikit pa siya pero pag dilat niya, para akong tumitingin sa kalawakan sa lalim ng mga mata niya.

Dahan-dahan niyang inatras ang mukha niya. Napaupo ako sa lapag, hinahabol ko pa ang hininga ko. Umupo din siya sa harap ko. Nakatingin lang siya sa'kin. Nakatingin lang din ako sa kanya.

"Naiintindihan mo na ba ako?" Tanong ng babae.

Tumango lang ako sa kanya.

"Bakit hindi ka na nagsasalita?" Tanong niya ulit.

Mga ilang segundo pa ay nahimas-masan na ako. Tumayo ako at dumiretso sa gate.

"Wag tayo dito." Sinenyasan ko siya na sundan ako.

Naglakad kami sa labas. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin basta 'wag sa bahay namin. Malay ko ba kung anong 'tong kasama ko. Baka kung ano pang mangyari sa mga kapatid ko kapag hinayaan ko siya doon. Tumingin ako sa likod ko. Sinusundan niya ako, yung mga mata niya nakatutok lang sa'kin.

Medyo Weird StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon