MAHIGIT isang dekada na ang nakakalipas at pinanghahawakan pa rin ni Jet at pangakong binitawan niya sa kanyang ina. Kahit karamihan sa mga kaibigan niya ay nagkaroon na ng nobya at mayroon pa nga na nagkaroon na ng asawa ay hindi pa rin niya binibigyan ng interes ang pag-ibig. After all, masyado siyang abala sa buhay niya. Ngayon ay tatlumpung taong gulang na siya. Hindi na siya ganoon kabata at kaabala para hindi niya isipin ang pakikipagrelasyon kagaya na lang nang naging dahilan niya noong nag-aaral pa siya.
Maraming taon ang ginugol ni Jet para makapagtapos ng medisina. Naging napakahirap ng pinagdaanan niya. Pero dahil determinado siya at gusto niya talaga na maging Doctor ay nakaya niya.
Palaging nakasuporta naman sa kanya ang ina. Kapag nahihirapan siya sa isang subject ay tinutulungan siya nito. Ito ang nagbibigay palagi sa kanya ng moral support. Pero noong nakaraang taon lang ay nagbago ang buhay nila ng masangkot si Esperanza sa isang malagim na car accident dahilan para maging half-paralyzed ito. Hindi na makagalaw ang kanang bahagi ng katawan nito.
Naging masakit para kay Jet ang nangyari. Napakabait ni Esperanza para ganoon ang sapitin. Masakit para sa kanya na makita ito sa isang hindi magandang lagay. Ngunit malakas si Esperanza sa kabila ng lahat. Sa kabila ng kalagayan ay nanatili itong positibo kaya hindi nagtagal ay naging maayos rin naman ang buhay ni Jet kahit na ba hindi na tuluyang bumalik ang ina sa dating ito.
Kahit halos kakatapos lang niya noon sa medicine school ay hindi naman siya nahirapan. Financially ay wala naming kahirapan na nararamdaman si Jet. Maraming ari-arian ang kanyang ina na siyang kinukuhanan nila ng source of income magpahanggang ngayon. Mga stocks ng ospital kung saan marami itong investments, mga bahay bakasyunan sa iba't ibang bahagi ng Spain at pati na rin isang malaking hacienda. Kahit hindi na siya magtrabaho ay kaya niyang mabuhay ng marangya. Pero kahit ganoon ay hindi niya kailanman inisip iyon. He wanted to live his dream. Ganoon rin ang pangarap para sa kanya ng kinilalang ina.
Ang tanging nahihirapan lang siya ay dahil wala na ang nagbibigay ng moral support sa kanya. Nandoon pa rin naman ito pero hindi na ito kagaya ng iba. Sa halip na ito ang magpayo at sumuporta sa kanya ay ganoon na siya rito. Surely, marami siyang kaibigan. In contact pa rin siya kahit sa mga dati niyang kaibigan na sina Nikos, Augustus, Vincent, Ed at Cedric. Few years ago ay itinayo nila ang Haven Group of Companies. Hindi man nahahawakan personally ni Jet ang business ay malaki ang nakukuha niya roon. It was one of the leading group of companies in the whole world. Hindi na naman kataka-taka iyon. Nikos, Augustus and Vincent were adopted by a very rich family who owned a lot of business internationally. Dahil ang mga ito rin ang nagmana ng negosyo ng mga magulang ng mga ito ay nahasa ang galing ng mga ito. Ipinag-merge rin ng mga ito ang namanang business sa itinayong Group of Companies dahilan para mabilis na umunlad at makilala iyon.
Hindi siya ganoong ka-hands on sa negosyo nilang iyon pero time to time ay tumutulong rin siya. Mas gusto niyang ituon ang pansin sa pagiging Doctor niya at dahil na rin kailangan niyang manatili sa Spain para bantay-bantayan ang ina kahit na ba may private nurse naman ito. Gusto rin kasi niya na kahit papaano ay maging hands-on rito. Kagaya ni Cedric at Ed, mas masasabi niyang capitalist partner siya sa HGC. Tanging ang mga kaibigan na sina Nikos, Augustus at Vincent ang hands roon. Naiintindihan naman siya ng mga ito.
Ngunit kahit may mga kaibigan ay hindi pa rin madali para kay Jet ang lahat. Hindi naman kasi palaging nasa tabi niya ang mga ito. Naiintindihan rin niya na abala ang mga ito. Pero gusto sana niya na mayroong isang tao na nasa tabi niya palagi para suportahan siya. Kung may girlfriend lang kasi sana siya....
Hindi pa rin nahahanap ni Jet ang kanyang "The One". Gusto kasi niyang sundin ang pangako sa kanyang ina na kapag nagkaroon siya ng nobya, iyong sigurado na. May mga nagugustuhan naman siyang babae pero hindi rin nagtatagal ang mga pagkagusto niya sa mga ito. Hindi niya alam kung bakit. Gusto rin kasi niyang maramdaman ang sinasabi nila na lumalakas ang tibok ng puso kapag nakikita at nakakausap siya, nasasabik ka na makasama niya and the likes. Gusto rin niya iyong tipo na kahit hindi sila madalas magkita ay tila ayos pa rin ang lahat. Sa kasamaang palad, madalas ay physically attracted lang siya sa isang babae. Magaganda ang mga Spanish na babae. Pero walang kahit sino ang nakapagpatagal ng interes niya...
Hanggang ngayon.
Sa kabila ng pagiging Spanish Citizen ni Jet ay hindi pa rin naman siya nakakalimot sa bansang kanyang sinilangan. Sa tuwina ay bumibisita siya roon bilang partner pa rin ng HGC at tignan ang ilan sa investments roon. Pero sa ngayon ay bumisita siya para tumulong sa foundation ng HGC sa Pilipinas.
Sa kabila ng pagiging matulungin ni Jet, kailanman ay hindi siya humingi nang malaking kapalit. Having Dra. Esperanza in his life is beyond blessed. Pero sa medical mission na pinuntahan nila ngayon kasama ang ilang tauhan ng foundation ay naging napakabait sa kanya ng Diyos. He sent him an angel.
"What is her name?" hindi napigilang magtanong ni Jet sa namumuno ng foundation. Madalas na present siya sa mga ganitong malaking medical mission pero ngayon lang niya nakita ang babae.
"Oh, her name is Aila. Bagong volunteer siya ng foundation. Napakabait na bata niyan," pangbibida ng kinausap niya.
"Bata?" napakunot noo si Jet. The lady looks young but he thinks that it wasn't appropriate that she was called like that.
Tumawa ang directress. "Doc, 'wag mong sabihin na may gusto ka sa kanya? She was more than ten years younger than you. Eighteen years old pa lang siya. Saka sobrang strict ng parents niyan. Madalas nga na sandali lang siyang tumutulong dahil pinauuwi na agad siya ng parents niya,"
Big age gap, naisip-isip ni Jet na masama nga kung sakaling lapitan niya ang babaeng iyon. Mahigit isang dekada ang layo ng agwat nilang dalawa. That could be a complication in a relationship---kagaya ng sinasabi ng kanyang ina na iwasan niya.
Pero pilitin man na iwasan ni Jet ang babae ay hindi niya maiwasan na alisin ang tingin rito. Maganda ang babae. Gusto niya ang may kahabaang buhok nito, ang may pagkasingkit na mga mata nito at matangos na ilong nito. Kapansin-pansin rin ang dimples sa gilid ng mukha nito pati na rin ang tila normal lang ang pagkapula ng labi. Fair ang balat nito pero makinis. Simple lang itong manamit at napakapino ng mga kilos. Pero sa mga nakalipas na oras ay hindi lang ang magandang hitsura nito ang napansin ni Jet rito. Iyon rin ay ang tila napakagandang ugali ng babae.
Sa loob ng ilang oras ay inobserbahan ito ni Jet. Napakabait nito sa mga tao. Napakamatulungin. Lahat ng mga ginagawa nito ay bukal sa loob nito. Wala siyang makitang pagbabalat kayo kagaya na lamang ng madalas na nakikita niya sa mga volunteers ng iba't ibang medical mission. Palagi rin itong nakangiti at kahit may ilan sa mga pasyente na nakakadiri ang sakit ay wala man siyang nakikitang kahit anong masamang reaksyon mula rito. It seems like she has a pure heart.
Mag-a-alas kuwatro ng hapon nang matapos ang medical mission. Sa pagtatapos noon ay nag-alay sila ng dasal. Ang pinuno ng foundation ang nag-lead ng dasal. Kakasimula pa lamang nito nang may marinig siyang kung anong bumagsak kaya na-distract siya.
Napatingin si Jet sa direksyon ni Aila---nakita niyang bumagsak ang cellphone nito. Napansin niyang natuliro ito pero hindi kumibo para kuhanin ang cellphone. Sa halip ay pinilit nito na mag-concentrate sa dasal. Ipinapakita nito na mas mahalaga para rito ang Diyos kaysa sa kung ano man na nasirang pagmamay-ari nito.
Jet felt something that moved in him when he saw that. Siguro nga ay hindi niya pa nakikilala ito nang lubos dahil nag-oobserba lang siya sa mga ginagawa nito. But she felt special in every way this day. Maaring hindi niya pa ito nakakausap pero sa mga kilos nito ay kinuha na agad nito ang interes niya. At maano ba kung maging komplikado kung sakaling magpakita siya ng interes rito? Sa mga nakita niya ngayon at kakaibang naramdaman niya para rito, lahat ng sakit na mararamdaman niya kapag nakipagrelasyon rito ay magiging worth it.
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 4: Jet Martinez
RomanceMatagal nang alam ni Aila na wala siyang karapatang ma-in love pa sa sinumang lalaking gugustuhin niya. She was bound to marry someone chosen by her parents. Pero na-love at first sight siya kay Jet, ang guwapo at matulunging doktor from Spain. They...