"I WAS expecting you to be late again. Hindi ka ba nag-enjoy sa paglabas niyo ng kaibigan mo, Aila?"
Sa namumulang mata ay sinalubong ni Aila ang tingin ng kanyang ama. Kapag magkikita sila ni Jet ay palaging sinasabi niya sa mga magulang na makikipagkita lang siya sa isang kaibigan. Sa tuwina ay pumpayag ang mga ito at hindi rin naman nagagalit o nagtatanong kapag nahuhuli siya ng uwi.
"Sumama po kasi ang pakiramdam ko kaya kailangan ko ng umuwi. Mauuna na po ako sa taas---"
"Sandali na lang at maghahapunan na. Hindi mo ba gustong sumabay?"
Umiling si Aila. Sa lagay niya ngayon ay alam niyang hindi niya makakayang tumagal na hindi napapaiyak. Sariwa pa ang naging pag-aaway nila ni Jet kanina. Hindi niya makakayang itago ang sakit na nararamdaman sa pamilya. Alam niyang sooner or later ay mararamdaman rin ng mga ito na may problema siya at ayaw niyang mag-umpisang magtanong ang mga ito. Natatakot siya na baka hindi niya kayang magsinungaling.
"Nakakain na rin naman po ako," sagot na lang ni Aila. Akmang aakyat na siya nang magsalita muli ang ama.
"Nagtalo kayo ng kaibigan mo, tama ba ako?"
Nanigas si Aila nang marinig ang kakaibang tono ng kanyang ama nang sabihin nito ang salitang kaibigan. Napatigil siya.
"Ang akala mo ba ay maitatago mo sa amin ang lahat, Aila? Tatlong taon..."
Tumingin siya sa kanyang ama. Lalong bumigat ang kalooban niya. For all those years ay alam ng ama ang kanyang tinatagong sikreto. "Papa..."
Lumapit kay Aila ang ama. Wala siyang mababakas na emosyon sa mukha nito kaya lalo siyang kinabahan sa maaring mangyari. Nawalan na rin ng kulay ang kanyang mukha.
Sa kabila ng pagiging istrikto ng ama ni Aila ay mabait naman ito. Madalas ay binibigay nito ang mga gusto nila---lalo na kapag nabibili ang mga iyon ng pera. Nararamdaman rin niya ang pagpapahalaga ng mga ito sa kanila dahil palagi sila nitong kinukumusta at sinusuportahan sa mga ginagawa nila sa buhay. May limitasyon nga lamang iyon dahil na rin sa klase ng buhay na mayroon sila. At iyon na nga ay walang kalayaan ang anak ng mga ito na makapili ng taong mamahalin dahil sila ang bargain nito para sa pangarap nito.
Hinawakan ng kanyang ama ang balikat niya saka ngumisi. "Sa kabila ng pagkaalam ko na may karelasyon ka sa nakalipas na taon ay hinayaan kita, Aila. Dahil alam ko na magiging unfair ako sa 'yo sa hinaharap. Nararamdaman mo naman siguro ang gagawin ko sa iyo, hindi ba? Arranged marriages, it runs in our family. You can't do anything about that. Mas lalong tumibay pa ang kagustuhan ko na gawin iyon sa 'yo dahil na rin sa kinasangkutan ng Lolo mo sa nakaraan. Kailangan ko si Nathan at ang suporta ng pamilya niya sa darating na eleksyon. I need you to be my bargain in able to win their trust and support. That was to build strong family ties. Alam ko na hindi tama iyon, na-unfair sa iyo iyon, kaya hinayaan kita na bigyan ng kalayaan kahit papaano. Hinayaan kita na makipagrelasyon sa kung sino bago mangyari ang kasalan. Gusto ko rin naman na maranasan mo ang pag-ibig, ang maging malaya kahit papaano. But your time is running out, Aila. I want you to remember that."
Mahinahon pero puno ng awtoridad ang boses ng kanyang ama. Napatango-tango na lamang si Aila dahil hindi niya kayang baliin ang utos nito. She has always been a good girl. Umakyat na siya sa kanyang kuwarto.
Kinuha ni Aila ang isa sa mga paborito niyang teddy bear sa loob ng cabinet niya. Punong-puno iyon ng teddy bear dahil alam ni Jet na mahilig siya roon. Hindi rin naman kasi niya hinahayaan ang nobyo na bigyan siya ng bulaklak dahil ayaw niyang magtaka ang mga magulang kung sakaling may dala siyang ganoon kapag umuwi siya. At least sa mga teddy bear ay madali lang niyang magagawan ng palusot dahil alam ng mga magulang niya na mahilig siya roon kaya bumibili siya palagi---iyon ang dahilan niya kaysa aminin na ibigay iyon sa kanya ng espesyal na tao.
Niyakap niya ang teddy bear at inisip na si Jet iyon. Kinuha niya ang cell phone at tinignan kung nag-reply na ito sa kahit anong text niya pagkatapos nilang maghiwalay. She received nothing. Napabuntong-hininga si Aila. Alam niyang hindi naman maiiwasan sa isang relasyon ang mag-away, ang magkagalit. Hindi perpekto ang relasyon nila ni Jet kaya nag-aaway rin sila paminsan-minsan, lalo na sa isang komplikadong relasyon na kagaya ng sa kanila. Pero madali lang na nareresolba nila ang mga iyon. Ngunit iba ang sitwasyon nila ngayon. Duda si Aila kung madali lang rin naman nilang mareresolba ni Jet ang problema nila ngayon.
She knew she brings out the beast in him....
"Care to tell me why?" mababakas ang sakit sa mukha ni Jet nang tanggihan niya ang proposal nito.
"H-hindi pa ako handa, Jet..." nakagat ni Aila ang ibabang labi. Sa totoo lang ay gusto niya ang isipin na magpapakasal sila ni Jet. Nakakatuwang isipin na ito ang lalaking aabangan niya sa altar, magiging ama ng mga anak niya at makakasama niya habang buhay. Mahal niya si Jet at handa siyang pakasalan ito kahit ngayon rin. Ngunit kailangan niyang magsinungaling dahil imposible na mangyari iyon.
Tumango-tango si Jet, mukhang pinipilit intindihin ang sagot niya. Ngunit kapagkuwan ay umiling rin ito. "No, I can't accept this."
"Jet..."
Tumayo si Jet saka naglakad-lakad sa hardin. Tumayo rin siya para habulin ito. Naiintindihan niya kung bakit nagkakaganoon si Jet. Nasasaktan ito. At lahat naman ng mga tao---kahit ang mga pinakamaintindihin pa---ay may damdamin rin. Nagugulo rin ang utak ng mga ito, lalo na kapag nasasaktan. Nagagalit. Nahihirapan tanggapin ang mga bagay.
"I don't deserve this, Aila."
"I'm sorry, Jet, I---"
"What? Na bata ka pa?" umiling-iling ito. "You're already twenty three. At 'di ba sinabi mo na mahal mo ako? Ikaw, mahal na mahal kita. At handa kitang pakasalan. Ayaw ko na ng ganito lang na relasyon. Na dahil lang sa natatakot ka na pilitin tayo ng mga magulang na magpapakasal tayo kapag nalaman nila ang relasyon natin. Kaya gusto ko ng gawin ang lahat ng tama. If that what it takes to make me show you to the world, I'd gladly do it. In the first place naman, nang una kitang makita ay nararamdaman ko na ikaw na ang babaeng para sa akin. Kaya tinanggap ko ang lahat ng gusto mo, ng mga request mo, inintindi kita at binigay ko ang lahat ng hiling mo ay dahil gusto ko na huwag kang mag-alala. Na maging masaya ka palagi. Ginawa ko ang lahat para sa 'yo, Aila. Pero bakit parang kulang pa ang lahat ng iyon?
"Natatakot ka ba na kapag nagpakasal tayo ay pipigilan kita sa gusto mo pang gawin? Hindi ko gagawin iyon, Aila. If you still don't want to have kids, its okay, Just give me the security to have you for forever...." huminga nang malalim si Jet pagkatapos ay humarap sa kanya. Hinawakan nito ang mukha niya. "Aren't you get tired of this situations, mi amor? Of this set-up. I love you so much. I want the world to know about that. I want to love you without fears. But most of all, I want to have your love with the right blessings..."
Niyakap niya si Jet. Gusto rin niyang mangyari ang mga gusto nitong iyon. Pero imposible. Kaya kailangan niyang tanggihan ito nang tanggihan hanggang sa tuluyan ng nawala ang pagiging maintindihin nito...
Alam ni Aila na hindi niya ginagawa ng tama ang lahat sa pagitan nila ni Jet. Nagsisinungaling siya rito. Pilit niyang iginigiit na kaya ayaw niya pa ay dahil bata pa siya. Ngunit hindi niya gustong sabihin kay Jet ang lahat.
Mahal niya si Jet. Hindi naman tatagal ang relasyon nila nang ganoon kung hindi niya mahal ito. Gusto niya ito sa kabila ng sitwasyon nila. Kahit madalas na online sila nagkakausap ay masaya na siya. Alam niyang ganoon rin naman ito sa kanya. Pinagkakatiwalaan rin niya ito. He had always been a good boy. Wala itong ginawang kahit ano na pinagdudahan niya. At kung mayroon man, alam niya na madali lang na malalaman niya iyon. Kilalang tao si Jet---kung sakaling may ibang babae man ito ay madali lang niya na malalaman. Pero duda siya roon. Nararamdaman niya na tapat sa kanya si Jet. His words were genuine and so were his actions. Naging matagal ang tatlong taon para maging sapat at mapatunayan niya iyon. Isama pa na magagawa pa ba niyang pagdudahan si Jet? Makakaya ba niyang magalit rito? Samantalang sa simula ay siya ang hindi naging tapat rito?
Gusto niyang bumawi kay Jet. Gusto niyang ipakita rito kung gaano niya ito kamahal. Kahit kaunting sandali na lang... Kahit alam niyang hanggang doon na lang iyon...
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 4: Jet Martinez
RomantikMatagal nang alam ni Aila na wala siyang karapatang ma-in love pa sa sinumang lalaking gugustuhin niya. She was bound to marry someone chosen by her parents. Pero na-love at first sight siya kay Jet, ang guwapo at matulunging doktor from Spain. They...