12

1.3K 54 3
                                    

KINABUKASAN ay hindi na napigilan ni Aila ang sarili na bisitahin si Jet. Hindi pa kasi sumasagot sa mga tawag o kahit text message niya ito. Kahit alam niya na kakaunti na lang ang oras niya na makasama ito at mas makakabuti kung magpapatuloy ang mga ganoon dahil matatapos na rin naman sila, ay hindi niya pa rin gustong tapusin ang lahat. Alam niya na nagiging unfair na siya rito pero gusto niya pang sumaya. Gusto niya pang makasama ito kahit sandaling panahon na lang.

Minsan na nakarating si Aila sa unit ni Jet na nasa isang exclusive condominium building sa Makati. Hindi man nito sinagot kung nasaan ito ay hula niya na naroroon ang nobyo. Doon ito naglalagi kapag nasa Maynila ito. May mga ilang properties ito sa neighbourhood properties ng Maynila pero hindi iyon madalas na naroroon. Hindi naman nagkamali si Aila dahil nabungaran nga niya sa unit si Jet.

"H-hi," pinilit ni Aila na ngumiti kahit hindi niya nagustuhan ang hitsura ng nobyo. He looked wasted. Magulo ang dating palaging nasa ayos na buhok nito at maitim rin ang ilalim ng mata nito. Mukhang dinamdam talaga nito ang pagtanggi niya kahapon.

"Hi," sagot naman nito pero may malamig na boses. Pinapasok siya nito sa loob ng unit nito. Napansin agad ni Aila na may mga bote ng beer roon. Bilang Doctor ay hindi gusto ni Jet na sinisira ang atay.

"Minsan lang 'yan," sagot naman agad ni Jet nang maramdaman nitong magtatanong na siya. "You know it hurts. Kailangan kong makalimot kahit papaano..."

Lumamlam ang mga mata ni Aila na tumingin rito. "I'm so sorry, Jet. I am so sorry..." lumapit siya rito at akmang yayakapin ito nang lumayo ito sa kanya.

"I just can't understand, Aila."

Alam ko. Ako ang may problema, Jet. Dahil ayaw kong sabihin sa 'yo ang totoo. Hindi ko kaya. Ayaw kong lumala pa lalo ang gulo at buhayin sa isip ko na imposibleng matupad ang gusto mo. Gusto na sanang magpaliwanag ni Aila. Pero hindi talaga niya kaya. Ayaw niyang malaman ni Jet ang lahat ng sikreto na tinatago niya kahit malapit ng mabuking iyon dahil alam niyang mas lalaki pa ang away nila. Mas gugulo pa ang sitwasyon. Malinaw rin naman sa isip niya na malapit ng mangyari iyon. Pero gusto niya pang sulitin ang mga sandali. Na isipin na wala silang problema sa relasyon nila. Na hindi sila magkakahiwalay.

Mahal na mahal lang talaga niya si Jet kaya nagiging ganoon na lang ang takbo ng isip niya. Ayaw niyang mawalay rito pero mahal rin niya ang kanyang mga magulang. Kailangan niyang tuparin ang mga pangarap nito. May responsibilidad siya na mas higit na kailangang gawin kaysa unahin ang sarili niyang damdamin.

"I love you, Jet. Hindi pa ba muna sapat iyon? Secure ka naman sa pag-ibig ko. And I promise you, ikaw lang talaga ang mamahalin ko habang buhay...." Kahit na ikakasal ako sa iba, mananatili ka sa puso ko.

Tumigil si Jet at humarap sa kanya. Sinalubong nila ang tingin ng isa't isa. Hindi nagtagal ay bumuntong-hininga si Jet. Tanda na sumusuko na ito. "I'm sorry..."

Umiling si Aila. "No. Ako dapat ang nagsasabi niyan. I am so sorry. I hurt you. How can I make it up to you, Jet?"

Hinalikan siya ni Jet. "Maraming paraan. Keep on loving me, that's one. Pero ang pinakagusto ko talaga sa lahat...ay ang hayaan mong ipagmalaki ka. Ang ipakilala kita sa mga kaibigan ko o hindi kaya ay mailabas ka sa isang pampublikong lugar. Makapag-date ng normal. Kahit ganoon lang muna, Aila. Ang huwag ka lamang na matakot na ipakilala ako sa mundo bilang boyfriend. Ang kahit minsan ay maging normal na magkarelasyon rin tayo. No secrets no---"

Pinutol ni Aila ang pagsasalita nang siya naman ang humalik dito. "If so...then your wish is my command."

International Billionaires Book 4: Jet MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon