LUMUNDAG ang puso ni Aila nang maka-receive siya ng text message mula kay Jet. Pinaalam nito sa kanya na nakabalik na ito muli sa Pilipinas pagkatapos ng pagpunta muli nito sa Medoires Island sa Portugal para daluhan ang kasal ng kaibigan nitong si Ed. Gusto raw nitong magkita sila.
Nasabik si Aila sa kaalamanan na magkikita sila ni Jet. Hindi siya mapakali. Alam niya na dapat hindi na ganoon ang maramdaman niya dahil ilang araw pa lamang naman simula nang huli silang magkita ng nobyo dahil nitong mga nakaraan ay nagbakasyon ito sa Pilipinas. Halos araw-araw ay abot kamay niya ito. Nakakasama kahit madalas na patago. Pero na-miss niya ito nang husto na para bang ilang buwan rin silang hindi nagkita.
Gustong sawayin ni Aila ang sarili sa nararamdaman niya ngayon. She knew that she shouldn't get herself more attached with Jet. Lalo na sa mga araw na ito dahil nararamdaman niya na bilang na ang mga oras niya.
Noong isang araw ay sinama siya ng kanyang ama sa isang party at doon ay ipinakilala muli siya nito kay Nathan. Sa pagpapakilala at pagpapaubaya na lamang nito basta sa kanya sa binata ay nararamdaman niya na may ibig sabihin na iyon. Lalo na at sa susunod na taon ay eleksyon na at mas ninanais na tumakbo ng kanyang ama sa mas mataas pa na posisyon. Kaya itong tulungan ng pamilya ng napangasawa ng kanyang Ate pero kulang pa iyon. Kapag si Nathan at ang ama nito ang naging kakampi ng kanyang ama ay mas lalaki ang tsansa nito para sa mas mataas na posisyon na gusto nito. Mas mataas ang posisyon ng ama ni Nathan. Marami itong supporters kaya kung sakaling makipagkasundo ang kanyang ama rito ay malamang na sureball ang pagkapanalo nito.
Kakaunti na lang ang oras ni Aila para makasama niya ang minamahal. Ngunit kahit alam niyang kapag inilapit niya pa rito ang sarili ay mas mahihirapan siyang makaalis ay tila gusto pa rin niya na sulitin ang kanyang mga araw. Mami-miss niya si Jet at magiging masakit ang nalalapit nilang paghihiwalay pero gusto pa rin niya na makasama ito. Susulitin na niya ang mga panahong natitira sa kanya.
Sumunod siya sa gusto ni Jet. Nakipagkita siya rito. Pero kagaya ng nakaugalian, sa tagong lugar pa rin siya nakipagkita sa nobyo. They met in his private place in Golden Cash Clubhouse Resort.
"I miss you..." hindi na napigilan ni Aila na mapayakap sa nobyo nang makita ito. Naramdaman rin niya na tila namasa-masa ang mga mata niya dahil naiisip niyang kagaya ng oras niya ay bilang na rin ang oras niya para masabi sa nobyo ang mga salitang iyon, ang makasama ito at ang maggawa ang mga ganoong bagay.
Ginantihan rin naman si Aila ng yakap ni Jet pero sandali lang iyon. Binitawan siya nito at ang sumunod na hinawakan nito ay ang kanyang mukha. Hinalikan siya nito.
Jet's kiss was always soft and heart-warming. Sumasalamin sa personalidad nito ang mga halik nito. He was so gentle. Hindi sa nagrereklamo si Aila roon. In fact, gustong-gusto niya iyon. It felt like he cared for her a lot for being like that to him. Isama pa na dahil sa ugali nitong iyon ay naging lalong malaki ang tiwala niya rito. Nirerespeto siya nito. Iniintindi sa kahit anong demands niya kahit na ba alam niyang madami sa mga iyon ang mahirap intindihin. Napakabait ni Jet at napakasuwerte niya para biyayaan siya ng isang kagaya nito na nagmamahal sa kanya. Sa kasamaang palad nga lamang ay hindi maaaring habang buhay nasa kanya ang suwerte.
"Ailabyuh," ngingiti-ngiting wika sa kanya ni Jet pagkatapos ng halik.
Pinaikot ni Aila ang mga kamay sa balikat nito. "Je t'aime," ganting paglalambing niya rito.
Lalong nagliwanag at lumaki ang ngiti ni Jet sa mga labi. Pagkatapos ay iginaya siya nito sa picnic cloth na ipinahanda nito para sa pagkikita nila sa araw na iyon.
Ganoon palagi ang madalas na date nila ni Jet. Isang meeting sa isang tagong lugar kagaya na lamang ng ginagawa nila ngayon. Request niya iyon kay Jet dahil na rin sa pinapahalagahan niya ang sinasabi ng Ate niya sa kanya: Be discreet. Alam niya na nagtataka si Jet pero madalas na dinadahilan niya rito ay dahil ayaw lang niyang i-risk na mahuli ng mga magulang niya. Alam kasi niya na kapag lumabas sila sa pampublikong lugar kasama ang kagaya nito ay madali lang iyon kakalat sa media. Sikat ang grupo na kinabibilangan ni Jet---habulin ng mga paparazzi at kahit ang normal na tao ay madaling malalaman kung sakaling mapabalita ang tungkol sa kanya at rito. Ikinatatakot iyon ni Aila lalo na at hindi lang normal na tao ang kanyang mga magulang. For all she know, sa kabila ng hindi paghihigpit ng mga magulang niya sa mga nakaraang taon sa kanya ay may mga mata pa rin na nakamasid sa kanya. Suwerte lang siya na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nahuhuli.
Dahil madaling makaintindi si Jet ay naging maayos naman ang set-up nilang iyon. Isama pa na mas na-e-enjoy pa nga nila ang isa't isa dahil walang kahit sino man na sumisira ng moment nila kapag magkasama. Walang nanonood. Parang sa kanilang dalawa lamang ang mundo kapag nagde-date sila ng ganoon. Pribado ang lugar at kahit alam niyang hindi iyon mismong pagmamay-ari ni Jet dahil property nito iyon at ng mga kaibigan ay sinisigurado nitong kapag pupunta sila roon ay walang sino man ang pupunta.
Malaki ang private place na iyon nina Jet sa Golden Cash. May villa, malaking swimming pool at ilang amenities kagaya ng billiards, basketball court at tennis court. Malaki rin ang hardin roon na siya namang paborito nilang puntahan ni Jet. Sa kasalukuyan ay nandoon sila ngayon. Sabay silang umupo sa picnic cloth na nakalatag sa Bermuda grass ng hardin.
"So kumusta ang lakad mo sa Portugal?" tanong ni Aila sa nobyo habang ito ay nag-uumpisang humiga sa kandungan niya. Siya naman ay nag-uumpisang tignan ang laman ng picnic basket na inihanda nito. Nakakita siya ng dalawang clubhouse sandwich. Inilabas niya iyon at ibinigay rito ang isa.
"Ayos naman. It was a beautiful wedding. Sa wakas ay nakita na rin ng playboy na kaibigan namin ang katapat niya. They seem so happy so I felt happy for them, too. Nakakalungkot isipin lang na hindi kita nakasama roon para makita ang okasyon..."
Bahagyang nagulo si Aila sa sinabing iyon ng nobyo. Napapansin niya na nitong mga nakaraan ay parang madalas na nagpaparamdam ito na gusto na siya nitong ipakilala sa publiko at ipaalam sa mga kaibigan nito na nobya siya nito. Pilit na iniintindi na nga lamang niya iyon noong una dahil na rin isa-isa ng nag-aasawa ang mga kaibigan nito. Baka nape-pressure na rin si Jet sa mga nangyayari sa paligid nito.
"M-magiging masaya nga siguro kung nandoon ako," pinilit na lang na ngumiti ni Aila sa sinabi ng nobyo.
Tumingin sa kanya ang nobyo at habang nakahiga ay inabot ang mukha niya. "Tatlong taon na tayo, Aila..."
"Oo nga. Ang galing 'no? Sa kabila ng komplikado nating sitwasyon ay naging matatag tayo,"
Alam ni Aila na may ibang pahiwatig ang mga sinasabi ng kanyang nobyo. Nararamdaman niya. Pero gusto niyang iiwas ang pag-uusap nila sa ganoon. Hindi pa siya handa na ipagmalaki ang relasyon nila. Hindi siya kailanman magiging handa. Lalo na ngayon na alam niyang malapit ng matapos iyon.
Tinitigan lang ni Jet si Aila, waring may gustong sabihin. Iniwas ni Aila ang tingin at kinuha muli ang picnic basket, naghahanap ng kung anong interesanteng makikita roon para may iba silang pag-usapan. Nagtagumpay naman si Aila dahil may nakita siyang kakaiba sa basket bukod sa mga pagkain at inumin. Nakakita siya roon ng isang box. May kalakihan ang box na tila naglalaman ng relo.
Nakataas ang isang kilay na kinuha niya iyon. "Pasalubong mo ba ito sa akin galing Portugal?"
"Actually, dumaan rin ako sa New York. Doon ko binili iyan," Ngumiti si Jet at tumayo mula sa pagkakahiga nito sa kanyang kandungan. "See for yourself,"
Binuksan ni Aila ang kahon pero napakunot noo siya nang makitang may isang box pa na nakapaloob sa kahon. May note pa na nakalagay na "open again" sa ibabaw ng mas maliit na box. Sinunod niya ang nakalagay sa note at may isa pang box muli na may the same note. Sa pagkakita noon ay simulan ng kabahan si Aila. Paliit na kasi nang paliit ang box...
Tinignan niya si Jet at nakita niya ang malaking ngiti sa mukha nito. Samantalang ang mukha naman ni Aila ay tila nawalan ng kulay sa naiisip na maaring laman noon.
"Go on," encourage pa ni Jet sa kanya.
Sa nanginginig na kamay ay pinagpatuloy ni Aila ang pagbukas. At nang sa wakas ay nabuksan niya ang pinakahuling kahon ay napapikit siya, pinipilit na pigilan ang mga luha na nagtatangkang lumabas sa kanyang mga mata sa pinaghalong saya at higit sa lahat ay kalungkutan na hindi niya magagawang sagutin ng tama ang napakagandang tanong na nasa huling note ng box.
"I am so sorry, Jet...." sa halip na sagot niya at sinira ang araw na iyon para sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 4: Jet Martinez
RomanceMatagal nang alam ni Aila na wala siyang karapatang ma-in love pa sa sinumang lalaking gugustuhin niya. She was bound to marry someone chosen by her parents. Pero na-love at first sight siya kay Jet, ang guwapo at matulunging doktor from Spain. They...