17

1.3K 56 2
                                    

TIME flies so fast when you're having fun. Umaakma ang kataga na iyon sa nangyari sa mga nakaraang araw sa buhay ni Aila. She did have the best time of her life in the arms of Jet and in the shelter of his family. But the good things always come to an end.

Sa kabila ng pagiging abala ni Jet sa trabaho ay hindi pa rin ito nawawalan ng oras para sa kanya. Madalas ay maaga nitong tinatapos ang trabaho para i-tour naman siya kahit papaano sa Barcelona---ang city sa Spain kung saan ito nakatira. Isinama siya nito sa ilang tourist attraction roon kagaya na lamang ng pinakamalaking Roman Catholic Church sa Barcelona na Sagrada Familia. Pagkatapos ang isa sa pinakabinibisitang lugar sa Barcelona ay ginala siya nito sa iba't ibang parte ng Barcelona. Nakapaglakad siya sa La Rambla na ayon kay Jet ay kahit simpleng street lang ay kino-consider rin na tourist attraction sa lugar. Aila couldn't agree more. Hindi man iyon ganoon kaganda ay tila napakasarap maglakad roon at i-enjoy ang human heartbeat ng Barcelona. Pero ang pinakanagustuhan talaga ni Aila sa siyudad na kinalakihan ni Jet ay ang Magic Fountain Show o mas kilala sa Spain bilang The Font Mágica Fountain.

Kung tutuusin ay simpleng fountain lang iyon pero may kakaibang naramdaman si Aila sa pagtingin roon. Tila may mahika na maranasan ang magandang pagtatanghal ng tubig, ilaw at musika. Hindi naman miminsan na nakakita siya ng ganoong klase ng fountain. Nakarating na siya ng Las Vegas at napanood na rin niya ang magandang dancing fountain lights and musical show roon. Pero kakaiba ang dating sa kanya ng fountain show na iyon. Naiisip na lang ni Aila na kaya siguro ay dahil na rin kasama niya si Jet. Kay sarap panoorin ng mga magagandang tanawin kapag pakiramdam mo ay mahika talaga ang paligid dahil kasama mo ang pinakamamahal mo.

Pero lahat ay may katapusan. Malapit nang matapos ang dalawang linggong mahika ni Aila. Malapit na niyang iwan si Jet.

Day off ni Jet sa huling araw ng bakasyon niya sa Spain. Dahil ang purpose naman ng pagpunta niya sa Spain ay para magkasama silang dalawa ay ginugol nila iyon na sila lamang dalawa. Lumipad sila patungo sa Ibiza Spain na isa sa mga matagal na niyang pangarap na puntahan simula bata pa siya.

Ang Ibiza Spain ang isa sa paboritong nightlife playgrounds sa Europe. Maaaring marami ang magtataka na isa iyon sa mga lugar na gusto niyang puntahan pero dahil bilang isang babae na hindi gaanong nakakaranas ng kalayaan, nasasabik siya sa mga ganoong klase ng lugar. Isama pa na madalas rin niya na nakikita na mag-DJ sa lugar ang isa sa mga iniidolo niyang tao na si Paris Hilton. But it wasn't just about the nightlife that made Aila interested in Ibiza. It was also about the beautiful beaches in the said place. Gusto niyang maranasan ang boat cruise at ang panoorin ang perfect sundown setting roon.

Hindi naman siya binigo ni Jet at ng Ibiza. She had the happiest time in Ibiza. Nabisita nila ang ilan sa mga tagong coves at beaches roon sa isang more mellow na isla na talaga namang kahanga-hanga ang pagka-asul ng tubig. Napaka-romantic rin ng sunset habang pinapanood nila iyon sa beach malapit sa hotel kung saan sila nag-check in. Nang maggabi na ay nagpunta sila ni Jet sa beach bar. Pakiramdam ni Aila ay malayang-malaya siya habang magkasabay sila na nagsasayaw ni Jet sa musika na naroroon. Wala man si Paris Hilton sa lugar para mag-DJ, masaya naman siya na nakikita na kagaya niya ay masaya rin si Jet. Extra package pa nga dahil magaling si Jet na sumayaw. Agaw atensyon pa ito sa bar dahil roon. And Aila can't help but be proud of her boyfriend...

"Je'taime, Je'taime, Je'taime," paulit-ulit na bigkas ni Aila nang maramdaman niyang tila nahihilo na siya. Dahil nag-bar sila ay hindi maiiwasan na mapainom siya ng alcohol. Kaunti lang naman ang nainom niya pero ang lakas ng tama noon sa kanya. Siguro ay dahil na rin sa iyon ang unang beses niya.

"Maingay pala ang girlfriend ko kapag nakainom," ngingiti-ngiting wika naman ni Jet habang inaalalayan siya na maglakad. Pabalik na sila sa hotel pagkatapos ng party.

International Billionaires Book 4: Jet MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon