MASAKIT ang ulo ni Jet nang maggising siya. Pagtingin niya sa orasan sa kuwarto niya ay nakita niyang hapon na. Lalo yatang sumakit ang ulo niya. Hindi siya kailanman naggising ng ganoong oras. Pero sa ginawa niya kagabi, hindi na kataka-taka iyon. Pinagpasalamat na lamang niya na ligtas pa siya at nakatulog pa rin sa bahay niya kahit hindi talaga niya maaalala kung paano siya nakarating roon.
Lumabas siya ng kanyang kuwarto at doon ay nakita niya ang kaibigan na si Vincent na prenteng nanonood ng TV sa kanyang sala. Nang maramdaman nito ang presensiya niya ay lumingon ito. "Salamat naman at gising ka na."
Hinawakan ni Jet ang ulo. "This is the worst hang over ever,"
Tumayo si Vincent. "Ganyan talaga. Hindi ka naman sanay mag-inom, eh." Iginiya siya ni Vincent patungo sa kusina. "Inihanda ko na ang mga kailangan mo para gumaan ang pakiramdam mo."
Tumaas ang isang kilay ni Jet. "Whats into you? Bakit tila concerned na concerned ka sa akin?"
Nagkibit-balikat ito. "Ilang buwan rin akong hindi nagpakita sa inyo. Gusto ko lang na makabawi. Isa pa, kaibigan mo ako. Para na tayong magkakapatid."
"Ito ba ang nagagawa ng pag-aasawa sa 'yo?" naging isang malaking pasabog para sa kanila ang ginawang pag-amin ni Vincent kagabi. Madalas na happy-go lucky si Vincent. May hawig ang ugali nito kay Ed na siyang pinaka-playboy at malaro sa grupo nila. Pero ngayon ay nakita niyang tila seryosong seryoso ito.
Ngumisi ito. "Sabihin na natin na ginawang mature ako noon."
"That hard, huh?"
Tumawa ito. "Hindi madali ang pinagdaanan ko nitong mga nakaraan, Jet. Mahirap tanggapin na ipinagkasundo ako ng mga magulang ko sa iba. Nagpakasal sa isang babaeng wala naman akong nararamdaman."
Sandaling natigilan si Jet sa sinabi nito. "W-was it hard? I mean, you getting to be arranged marriage?"
"As hell. You wouldn't dream about it lalo na at---" bumuntong hininga ito. "Unti-unti ko na naman natatanggap iyon. 'Wag na nating pag-usapan."
"Gusto kong malaman ang tungkol roon. Ganoon ang magiging lagay ni Aila. Ayaw kong malaman na naghihirap siya..."
Sa kabila ng pagsisinungaling at pagkawala ng tiwala ng nobya kay Jet, gusto niya pa rin ang makakabuti para rito. Ayaw niyang isipin na maghihirap at masasaktan ito.
Ngumiti si Vincent. "Isa sa mga dahilan kung bakit ako narito. Gusto kitang makausap nang masinsinan tungkol diyan. Pero bago iyon, gusto ko muna na maging malinaw ang isip at maging maayos ang lagay mo. Kumain ka muna at pagkatapos ay maligo."
Sinunod niya ang sinabi ni Vincent. Pagkatapos niyang maggawa iyon ay pumunta muli sila sa sala para mag-usap.
"Unang beses kong makitang nasaktan ka ng ganoon, Jet. Hindi ko nagustuhan iyon. Pero hindi ko rin magugustuhan kung hahayaan mo na lang na maging ganoon ang sitwasyon. You deserved to be happy."
Bumuntong-hininga siya. "She chooses her own path. Itinago niya ang lahat sa akin. Ni hindi man lang niya ako pinagkatiwalaan para ipaglaban siya." Lubos na ikinasama ng loob ni Jet iyon.
"Naiintindihan ko si Aila. Pero sa tingin ko ay pinili lang niya ang maaaring makabubuti sa pamilya niya. Ganoon rin ang nangyari sa akin. Hindi ko man ginusto ito pero dahil sa pagmamahal ko sa pamilya ko, naging selfless ako."
Napalunok si Jet. May punto si Vincent. Kung makabubuti para kay Esperanza na magpakasal siya sa isang taong hindi niya mahal, gagawin rin siguro niya. Malaki ang pagmamahal niya rito. Ganoon rin si Aila sa pamilya nito...
Ang tanging pagkakamali lang nito ay sinunod lang nito ang gusto ng mga magulang nito para rito. Tiniis nito ang sakit para sa mga ito. Like Vincent, she became selfless too.
"Pero hindi ibig sabihin na tama ang ginawa ko, ang ginawa namin. Lalo na sa lagay niyo na mayroon rin na masasaktan. Naging mahina si Aila para ipaglaban ka. Pero babae siya. Most girls were weak. Ikaw ang lalaki, malakas ka at kung mahal mo talaga siya at naniniwala ka na ganoon rin siya sa 'yo, gagawin mo ang tama. Ipaglalaban mo siya sa kabila ng lahat."
Matagal na hindi nag-react si Jet sa sinabi ng kaibigan. Ipaglaban. Sa una pa lang naman ay kaya niyang gawin iyon. Alam niyang mahirap lalo na at pinagsabihan pa siya ng kanyang ina tungkol sa komplikadong relasyon at magiging risk noon. Pero mahal niya si Aila. Ayaw niyang maging mahina para rito kagaya na lamang ng nangyari sa Mama niya at sa unang pag-ibig nito. Gusto niyang maging masaya at hindi magsisisi sa huli kagaya ng ina na hindi naipaglaban ang pag-ibig nito. Gusto niyang magkaroon ng partner habang buhay at tanging kay Aila lang niya nagugunita ang hinaharap niya...
Akmang magsasalita na muli si Jet nang pinigilan naman siya ng sunod-sunod na door bell sa unit niya. Inuna niya muna iyon bago sagutin si Vincent. Pagkabukas niya ng pinto ay isang hindi inaasahang bisita ang nakita niya.
"Aila..."
Agad na yumakap at nagsumiksik sa dibdib ni Jet ang nobya. Umiiyak ito. Nang tignan niya ito ay napansin niyang namumula ang isang bahagi ng mukha nito. Napatiim bagang siya nang maisip kung bakit ganoon.
Someone slapped her.
"I'm sorry, Jet. I'm so sorry.... Naging malaking pagkakamali na saktan kita. Na hindi kita naggawang ipaglaban. Pero handa na akong gawin iyon ngayon. Hindi man sila pumayag, gusto ko na ipaglaban ka. Mahal na mahal kita. Hindi ko kaya na mabuhay ng wala ka. Kaya ko ng tiisin ang gulo, ang sakit, ang pinakamamahal kong pamilya kung iyon ang kinakailangan huwag ka lang mawala sa akin. I'm willing to fight for you. You're worth everything."
Nanatiling nakatitig lang si Jet kay Aila. Hindi makapaniwala sa mga narinig. Kilala niya si Aila na babaeng madalas na nabubuhay sa takot kaya naman ang isipin na handa itong lumaban at alisin ang takot para sa kanya ay pinataba ang puso niya. Ang tiniis nito ang ibinigay na sampal rito ng maaaring isa sa mga magulang nito na humadlang sa pagmamahalan nila ay malaking bagay para sa kanya.
Tumingala ito sa kanya. "Mahal mo pa rin naman ako 'di ba, Jet? Sasamahan mo ako sa pakikipaglaban ko 'di ba?" puno ng pag-asa na sabi nito sa kanya.
Hinalikan niya ang noo nito. "You don't have to worry about it, mi amor. My love for you is like a circle. It doesn't have an ending."
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 4: Jet Martinez
RomanceMatagal nang alam ni Aila na wala siyang karapatang ma-in love pa sa sinumang lalaking gugustuhin niya. She was bound to marry someone chosen by her parents. Pero na-love at first sight siya kay Jet, ang guwapo at matulunging doktor from Spain. They...