SA KABILA ng sakit na naramdaman ni Jet kahapon ay hindi na rin niya ininda iyon ngayon. Hindi man niya nakuha ang inaasahang sagot mula sa nobya ay ang kaalamanan na pinagbigyan siya nito sa matagal na niyang pangarap sa relasyon nila ay tila naging sapat na sa kanya. Kasalukuyan silang nasa Luneta at naglalakad kagaya na lamang ng mga normal at simpleng tao. Ngiting-ngiti siya hang magkahugpong ang mga kamay nila na para bang karamihan sa mga kabataang couples na naroon.
Masarap ang pakiramdam ni Jet na tila nakahalo sila sa karamihan. Nakasuot sila ni Aila ng simpleng damit lang. T-shirt, maong pants at naka-tsinelas nga lamang siya at ganoon rin si Aila. Nakasuot nga lamang siya ngayon ng shades at sombrero dahil kahit pumayag si Aila na makapag-date sila ng normal, ayaw naman niyang i-risk rin na makilala siya ng mga tao. Tiyak na magugulo lang ang date nila at ayaw niya noon. Sapat na sa kanya basta makagala sila ni Aila na parang normal na tao sa isang pampublikong lugar.
"Uy gusto ko noon!" parang bata na hinila siya ni Aila papunta sa isang street food stand. Natatawang nagpadala naman siya sa nobya.
"Mukhang masarap! Manong, magkano po itong kulay orange na bilog?" tanong ni Aila sa nagtitinda. Sinagot naman nito iyon ng tindero at binigyan ng stick para maitusok sa niluluto nito.
Napakunot ang noo ni Jet sa sinabi ni Aila. "Hindi mo alam ang tawag diyan?"
"Ha?" tila natuliro pa si Aila sa tanong niya. "H-hindi. Hindi pa ako kailanman nakakagala ng ganito. Alam mo naman na strict ang magulang ko, 'di ba?"
Tumango-tango si Jet. Dahil minsan rin siyang dumanas ng hirap ay alam naman niya ang tawag roon. Noong nasa ampunan rin sila ay iginagala naman sila paminsan-minsan ng mga madre kaya nakikita niya ang ganoon at alam niya ang tawag sa mga ganoong pagkain. Pero si Aila...hindi niya lubos maisip na may ganoong ka-istriktong mga magulang. Oo, may kilala siyang ganoong klase ng mga magulang pero paminsan-minsan ay gusto niyang magduda.
Hindi man madalas na ikuwento sa kanya ng nobya ang pamilya nito ay nararamdaman niya na hindi sa basta-bastang pamilya galing ito. Makikita mo iyon sa mga kilos nito. Ngunit sa kabila noon ay nanatiling low-profile ang nobya. Sa halip na kumuha ng mataas ang kita na trabaho ay pinili nito na maging guro. Hindi man nito nararanasan ang mga klase ng ginagawa nila ngayon ay bukal sa loob na tinanggap nito iyon.
Kinuha ni Aila ang stick saka nagsimulang tumusok ng kwek-kwek. Pagkatusok nito ng isa ay itinaas nito iyon sa kanya at ipinakain. Kinain naman niya iyon pero agad rin na nailuwa dahil hindi nila parehong naalala na mainit pala ang pagkain dahil kakagaling lang noon sa kawali. "Aw!"
"Oh God! I'm sorry!" mabilis na wika ni Aila na nataranta dahil sa nangyari sa kanya. Tumalikod naman si Jet at sinubukan na pakalmahin ang sarili mula sa napasong dila. Sinubukan niyang paypayan ang napasong dila.
Hindi naman napigil ang pag-aalala ni Aila. Lumapit muli ito sa kanya at tinulungan na hipan gamit ang bibig nito ang napasong dila niya. Tila takot na takot ito dahil sa nangyari sa kanya. Ikinatataba ng puso niya ang pagiging maalalahanin nito pero ginawa naman nitong malaro ang isip niya dahil na rin sa nakikita niyang itsura nito ngayon. Nang tigilan niya ang pagpaypay sa labi ay tumigil rin ito sa pag-ihip.
"'Di na masakit?" nag-aalala pa rin na tanong nito.
Ngumiti nang mapanukso si Jet. "Hindi na. Basta tutugon ka raw dito..." wika niya saka hinalikan ang nobya sa labi. Natutuwa siya kung paano nag-form ang mga labi nito habang hinihipan ang dila niya kanina at nang dahil roon ay nagkaroon siya ng kagustuhan na maramdaman ang ganoong itsura ng labi nito sa labi niya.
Hindi naman nabigo si Jet sa gusto. Sinagot nga ni Aila ang halik niya. Kailanman ay hindi niya naisip na magkakaroon sila ng pagkakataon ni Aila na maging PDA. Paano niya maiisip iyon samantalang palaging patago at sa pribadong lugar lamang sila nagkikita? Isama pa na tila nakakahiya rin ang magpakita ng ganoon sa publiko. Pero sa ginawa nilang iyon ngayon, pakiramdam niya ay wala namang masama. Lalo na at iyon ang pinakaunang ginawa nila iyon. He felt free.
Thank God Philippines is a free country.
"Bumabawi ka talaga sa akin, ha?" ngiti-ngiting wika niya nang matapos ang halik.
Pinindot ni Aila ang kanyang ilong. "Sinusulit ko lang ang mga panahon na kasama kita,"
Napakunot noo si Jet. May naramdaman siyang kakaiba sa tono ni Aila. "Sinusulit? Bakit? Mawawala na ba ako para gamitin mo ang term na 'yun?"
Napansin niya na sandaling natuliro ang mukha ni Aila. "W-well, naiisip ko lamang na baka malapit ka na muling bumalik sa Spain."
Kinain ng lungkot ang puso ni Jet. Tama kasi ito. "Tinawagan ako ni Mama kahapon. Nami-miss na raw niya ako. Isama pa na matatapos na rin ang bakasyon ko sa ospital."
Humingi si Jet ng mahigit sa tatlong buwan na bakasyon sa ospital na pinapasukan niya sa Spain dahil na rin gusto niyang makasama si Aila. Gusto niyang siguraduhin lalo ang nararamdaman niya rito kaya ginusto niyang nasa Pilipinas sa span of time na iyon. Gusto rin niyang ipahiwatig sana kay Aila na kaya niya ginawa iyon ay dahil na rin sa plano niyang pakasalan na ito. Pero dahil nabigo siya ay nabalewala rin pala ang lahat.
"S-so kailan ka aalis?"
"Baka sa makalawa."
Tumango-tango si Aila saka bumalik muli sa street food stand. Kumuha ito ng panibagong stick at kwek-kwek. Sa pagkakataong iyon ay hinipan muna nito ang kwek kwek bago iyon isinubo muli sa kanya. "O ayan, kumain ka nang marami. Wala niyan sa Spain," natatawa pang sabi nito.
Kinurot niya ang pisngi nito. Nang matapos ito sa pagsubo sa kanya ay siya naman ang kumuha ng stick at pinakain ito. Naka-fifty pesos rin sila dahil sa street foods na kinain.
Pagkatapos kumain ng street foods ay sumakay naman sila ng kalesa at sa pamamagitan noon ay nilibot muli ang buong Luneta. Sumandig sa dibdib niya si Aila habang ang isang kamay naman niya ay nakaakbay rito habang pinapatakbo ng kutsero sa unahan ang kalesa.
"I'm going to miss you..." naramdaman niya ang tila paninikip ng lalamunan ni Aila nang sabihin iyon. Napatingin siya sa nobya at nakita niya na may luhang pumapatak sa mga mata nito.
Madalas na emosyonal si Aila kapag magkakalayo sila. Ganoon rin naman siya. Pero iyon ang unang beses na nakita niya itong umiyak. Parang may malaking kamay na pumiga sa puso ni Jet.
Pilit na iniintindi niya si Aila sa mga kakaibang hiling nito tungkol sa relasyon nila dahil malaki rin naman ang pabor na kailangan niyang hilingin rito---at iyon ay ang hindi niya kayang palaging nasa tabi nito. Mahal niya si Aila pero may mga responsibilidad rin siya sa Spain at nandoon ang kanyang ina. Kailangan siya nito roon at ang kagustuhan rin nito para sa kanya na sa bansang sinilangan nito siya magsilbi. Malaki ang utang na loob niya rito.
"Aila..."
Pinahid ng daliri nito ang mga naglalabasang luha. "I'm sorry. M-mami-miss lang talaga kita kaya ako nagkaganito..."
Niyakap niya ito. "Its okay. Palagi naman tayong magtatawagan 'di ba? Mag-a-adjust tayo para sa isa't isa," pagpapagaan niya ng loob nito. "Ikaw kasi, kung um-oo ka sana sa proposal ko, edi sana, puwede na kitang isama sa pagbalik ko..."
Tumingin sa mukha niya si Aila. "Bakit? Hindi mo ba ako puwedeng isama sa Spain kahit na hindi pa ako pumapayag na magpakasal sa 'yo?"
Ngumiti siya. "Na para bang papayag ka rin na sumama sa akin roon."
"Hmmm... Bakit hindi mo ako subukang tanungin?"
Napataas ng isang kilay si Jet. "What? Kasama rin ba ito sa pakonswelo mo sa akin sa pagtanggi mo ng proposal ko sa 'yo?"
Si Aila naman ang ngumiti. "Lets see..."
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 4: Jet Martinez
RomanceMatagal nang alam ni Aila na wala siyang karapatang ma-in love pa sa sinumang lalaking gugustuhin niya. She was bound to marry someone chosen by her parents. Pero na-love at first sight siya kay Jet, ang guwapo at matulunging doktor from Spain. They...