"ILANG taon na lang at ikaw naman ang susunod, Aila,"
Pakiramdam ni Aila ay nanginig siya sa sinabi ng kanyang nakakatanda at nag-iisang kapatid na si Ate Ailene. Dapat ay masaya siya at ito rin ngayong araw na ito. Ito ang araw ng kasal nito ay mayroong malaking handaan na magaganap. Napakaganda ng paligid. Maganda rin ang Ate niya sa suot nito sa puting off shoulder na gown. But the both of them don't feel like celebrating.
Hindi lihim sa pamilya na isang arranged marriage ang kasal ng kanyang Ate Ailene at isang batang politiko. Kailangan iyon para na rin sa magandang team up ng kanyang ama sa at ng mapapangasawa ng Ate niya sa susunod na eleksyon.
Umiling si Aila. "'Wag kang ganyan, Ate. Bata pa ako. Kaka-graduate ko nga lamang,"
"Pero matagal ng pinag-uusapan nina Papa at ng isa pa niyang kaibigan na senador ang tungkol sa 'yo at sa anak nito. Alam mo naman iyon, hindi ba?"
Huminga nang malalim si Aila. Matagal na niyang alam iyon. Eighteen years old siya nang ipakilala sa kanya ng ama niya si Nathan---ang anak ng kakilala nito na Senador. Hindi man tuwirang sabihin sa kanya ng ama ay mararamdaman naman sa kung paano na lang ibuyo sa kanya nito si Nathan noon. Yamang lamang ay bata pa siya noon at si Nathan ay nagsisimula pa lang rin na i-build ng ama nito bilang isang magaling na politiko kagaya ng ama nito.
"Dalawang taon na ang nakalipas simula nang ipakilala niya sa akin si Nathan. S-siguro naman ay hindi mangyayari iyon,"
"It will. Ganoon rin ang ginawa ni Papa at kay Andrew sa akin noon," hinawakan siya ng kanyang Ate. "Malaki ka na, Aila. Naiintindihan mo naman ang mundong kinabibilangan natin, hindi ba? We should live by the rules bound to it."
"Natatakot ako, Ate..." hindi niya maggawang maging emosyonal.
Aila came from a political family. Kilala ang pamilya nila bilang isa sa mga magagaling na politiko sa Pilipinas hanggang sa nangyaring eskandalo halos dalawang dekada na ang nakalilipas. Nasangkot sa isang malaking kaso ng graft and corruption ang Lolo niya dahilan para masira ang pangalan nila sa mga tao. Naging isang malaking kahihiyan iyon sa pamilya niya. Ngunit ayaw ng kanyang ama na basta sumuko. Gusto nitong ipagpatuloy pa rin ang pagiging magaling sa politika sa kabila ng kaalamanang mahihirapan na itong kuhanin ang tiwala ng tao. Hindi pa rin nalilimutan ng mga ito ang nangyari at kahit ang ilan sa mga kilala nilang politiko ay hirap rin na magtiwala sa kanila kaya hindi nila nakukuha ang suporta ng mga ito.
Ilang beses rin na natalo sa eleksyon ang kanyang ama. Pero hindi ito sumuko. Ginawa nito ang madalas na ginagawa ng pamilya upang lumakas---pinagkakasundo nito ang anak sa isang sikat at malakas na politiko. Nang ipagkasundo nito ang Ate Ailene niya sa anak ng isang congressman dalawang taon na ang nakalilipas kasabay ng pagpapakilala nito sa kanya kay Nathan ay nanalo ito sa eleksyon dahil na rin sa tulong ng mamanugangin nito.
Pinalaki sila ng mga magulang nila bilang isang masunurin na anak. Hindi kailanman nila sinuway ang utos ng mga magulang at kahit hindi man gusto ng kanyang Ate Ailene ang kasalan na iyon ay kailangan nitong sumunod sa gusto ng kanyang ama. Mahalaga sa kanila ang pamilya. Kung susuwayin ng Ate niya o kahit siya ang utos ng kanyang mga magulang ay magiging malaking gulo iyon. Sobrang istrikto pa naman ng mga ito. Naiintindihan naman nila ito ng Ate niya. Para na rin naman sa ikabubuti nila ang pagiging mahigpit ng mga magulang. Ayaw lang ng mga itong may mangyaring masama sa kanila. Pati na rin ang pakikipagsundo ng mga ito sa kanila ay para na rin sa ikabubuti ng pamilya nila.
Pero sa kabila ng lahat ay hindi maiwasang matakot ni Aila. Kung mangyayari kasi iyon ay parang tinanggalan na rin siya ng kalayaan...
Niyakap siya ng kanyang Ate. "Its okay. Naiintindihan kita. Kaya sana ay gusto ko na gawin mo ang mga hindi mo na magagawa pa kung sakaling matuloy nga ang balak sa 'yo ni Papa..."
Kumunot ang noo ni Aila. "Anong ibig mong sabihin?"
Matamang tinitigan siya ng kanyang Ate. "May nanliligaw na ba sa 'yo?"
Bahagyang napanganga si Aila sa sinabi ng kanyang Ate pagkatapos ay namula ang mga pisngi. May mangilan-ngilan na nagpaparamdam sa kanya sa university na pinapasukan nila. Pero dahil hindi man niya tuwiran na sabihin sa mga ito na hindi puwede ay madali naman iyon na maramdaman. Sa klase ng pagtrato sa kanya ng mga magulang niya na nakikita ng mga ito dahil hindi siya kagaya ng isang normal na college student na nakakayang gumala kasama ang mga kaklase ng mga ito ng basta-basta na lamang. Hatid sundo siya sa university nila at hindi pinapayagan na mag-overnight man lang sa mga kaklase kahit school works pa ang dahilan. Alam ng mga ito na istrikto ang mga magulang niya kaya naman walang magtangka na lumapit sa kanya. "Ate, alam mo naman na---"
Tumango ang kanyang Ate. "Naiintindihan ko. Pero kahit isa ba ay walang nagtangka na sirain ang mga rules? Ang naglakas ng loob sa kabila ng pagtrato sa iyo ng mga magulang natin? Saka wala ka rin ba ni isa na nagustuhan? Naging crush?"
Hindi na kailangan ni Aila na mag-isip pa ng matagal para may isang lalaki na pumasok sa isipan niya. Malakas nga ang loob nito dahil sa kabila ng dalawang taon ay hindi pa rin ito sumusuko sa kanya. Pero alam niyang dahil iyon sa hindi pa nito kilala ang kung sino talaga siya. Nararamdaman rin niya na may kakaiba rito. Masasabi niyang crush niya ito. Well, karamihan naman yata ng kilala niya ay nagkakagusto rito. Napakabait nito, isang prince charming kung ituring ng mga tao, mayaman. Pero bata pa siya. Ayaw rin niyang i-entertain ang ganoong klase ng damdamin lalo na at alam niyang wala rin naman silang kinabukasan sa hinaharap.
Hinawakan siya ng kanyang Ate. "Maaring taon pa ang itagal bago ka ipagkasundo ni Daddy, Aila. Marami ka pang oras. Huwag mong sayangin ang mga iyon. Magpakasaya ka. Pilitin mong gumawa ng mga memorya. Kung gusto mo na maranasan na ma-in love sa isang taong hindi lang ipinilit sa iyo, gawin mo na. Dahil kapag dumating na ang oras mo, hindi mo na magagawa pa ang mga iyon."
"Pero maari ko ba na gawin iyon? Madalas ay bantay sarado ako nina Papa at---"
Kumindat sa kanya ang kapatid. "Kaya mo iyon. Just learn how to be discreet."
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 4: Jet Martinez
RomanceMatagal nang alam ni Aila na wala siyang karapatang ma-in love pa sa sinumang lalaking gugustuhin niya. She was bound to marry someone chosen by her parents. Pero na-love at first sight siya kay Jet, ang guwapo at matulunging doktor from Spain. They...