PAKIRAMDAM ni Jet ay namutla siya nang makitang umiiyak si Aila. Sinadya niyang nakaharap rito ang puwestong pinili niya sa restaurant kung saan pinili nitong makipag-usap sa fiancé nito. Ito na nga ba ang sinasabi niya kaya ninais niya na samahan si Aila kahit nasa malayo siya. Maaaring masaktan ito at iyon ang bagay na pinakaayaw niyang mangyari.
Umiling-iling pa si Aila habang patuloy sa pag-iyak dahil sa lalaking iyon. Hindi na niya makakaya ang lahat ng ito. May tama rin naman si Aila na gusto nitong ito mismo ang mag-ayos ng gusot na ginawa nito. Gusto niyang ipagmalaki ang kanyang nobya ng dahil roon. She have learned how to be strong now. Pero kahit ganoon, in born na yata sa kanya ang pakiramdam na ayaw niyang may masaktan na kahit sino. Lalo na sa isang taong pinakamamahal pa niya.
Tumayo si Jet. Hindi man siya sigurado sa tinatakbo ng usapan ng mga ito ay alam niyang kailangan na niyang gumawa ng kilos. Kung umiiyak si Aila, ibig sabihin lang noon ay nasasaktan ito. Maaaring hindi natanggap ng lalaking iyon ang gusto ng nobya. Back-up siya nito kaya kailangan niyang tulungan ito.
Sa paglapit niya sa mga ito ay siyang pagtayo rin naman ng lalaking pinagkasundo rito. Lalong nagngitngit sa inis si Jet dahil nagkabungguan silang dalawa. Pero dahil sa nangyari ay saka naman niya nasilayan ang mukha ng lalaki.
Kung kanina ay namutla si Jet nang makitang umiyak si Aila, pakiramdam niya ngayon ay mas lumala pa iyon. Parang hinigop ang dugo sa buong katawan niya habang pinagmamasdan ang itsura nito. His eyes, his nose, his mouth....it looks like the same as him. Pakiramdam niya ay tumitingin siya sa pinaitim lang ng kaunting version niya...
He felt like sinking when he realized why he has the same resemblance as this guy. Hindi kaya?
"Jonathan...." nanlalaki ang mga mata niya habang sinasabi iyon. Kaunti na lang rin at mapapaiyak na siya. Maaari nga kayang ang lalaking ito ang nawawala niyang kapatid noon?
Maaari. Hindi naman isang daang porsiyento na patay na siya, hindi ba? At hindi mo rin pinaimbestigahan ang tungkol sa pagkamatay niya kahit na may kaya na ang umapon sa 'yo at afford na noon ang pag-iimbestiga.
Kumunot ang noo ng lalaki. "Excuse me?"
Walang pasabing niyakap niya ito at sa pagkakataong iyon ay nanginig naman siya sa naramdaman. It felt something unusual. Ano nga ba ang tawag sa mga ganoon? Lukso ng dugo...
Ganoon man ay naramdaman rin niya ang pagkatigil ng lalaki. Siguro ay naramdaman rin nito ang nangyari sa kanya.
"Jet? Anong nangyayari?" pinutol ni Aila ang moment nila.
Mangiyak-ngiyak si Jet nang tumingin siya sa nobya. "I-I think he was my lost brother. You lead me back to him, Aila..."
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 4: Jet Martinez
RomanceMatagal nang alam ni Aila na wala siyang karapatang ma-in love pa sa sinumang lalaking gugustuhin niya. She was bound to marry someone chosen by her parents. Pero na-love at first sight siya kay Jet, ang guwapo at matulunging doktor from Spain. They...