7

1.6K 58 1
                                    

LAKING tuwa ni Aila nang hindi siya pigilan ng kanyang mga magulang nang sabihin niya sa mga ito na gusto niyang mag-volunteer para tumulong sa Haven Foundation. Bata pa lamang siya ay na-amuse na siya sa mga ganoong gawain kaya ipinangako niya sa kanyang sarili na kapag lumaki siya ay gusto rin niyang maging isang huwaran na volunteer. Gusto niyang tumulong sa mga kapwa niya. Iyon rin ang isa sa mga dahilan niya kung bakit ninais niya na kumuha ng kursong education.

May pakiramdam si Aila kung bakit siya pinayagan basta na lamang ng mga magulang niya---iyon ay dahil alam niyang pampabango iyon ng image ng kanyang ama kapag tumakbo muli ito sa eleksyon. Pero hindi iyon ginagawa ni Aila dahil lamang sa kagustuhan na manalo ang kanyang ama. Bukal sa loob niya na gawin iyon kaya hangga't maari ay hindi niya sinasabi sa mga tao ang relasyon niya sa kanyang ama. Ayaw rin naman kasi niyang isipin ng mga ito na kaya lang siya nag-volunteer ay para sa pagpapabango ng pangalan ng mga ito. Kaya ang alam ng karamihan sa foundation kung saan siya palaging volunteer ay isang simpleng babae lamang siya. Hindi naman expose ang mukha nila sa media kaya naman naging madali para sa kanya ang pagpapanggap. Isama pa na common rin ang pangalan niya.

Doon nakilala ni Aila si Dr. Jet Martinez---isa sa mga may-ari ng Haven Group of Companies at siya ring kilalang Doctor sa bansang Spain. Kahit sa Spain nakabase ang Doctor ay napag-alaman niya na madalas itong bumibisita sa Pilipinas kapag may mga malalaking medical mission na project ang foundation. Hindi ito hands-on sa business pero kapag ang foundation ang pinag-uusapan ay mahilig raw ito na makialam. Ang sabi nila ay likas raw kasi na matulungin si Dr. Jet.

Unang kita pa lamang ni Aila rito ay napansin na niya ito. May kahabaan ang buhok nito para sa isang lalaki pero hindi ito iyong tipo na masasabi mo na mukhang madumi. Sa totoo nga lang ay napakalinis nitong tignan. Mahaba man ang buhok nito pero wala kang kahit ano na makikita naman na buhok sa mukha nito. Nakasalamin ito at tila propesyonal na propesyonal. Maputi, may kapayatan pero matangkad. Mukhang napakabait rin nito. Pero ang pinakanapansin niya rito ay ang magandang ngiti nito. It looks so genuine na para ang kapag may sakit ka at ngumiti ito sa 'yo ay gagaling ka na agad dahil lang sa ngiti na iyon.

Pero hindi lubos akalain ni Aila na mapapansin siya ng bigating Doctor. Paanong mangyayari iyon samantalang sobrang simple lamang niya at napakalaki ng agwat ng edad nito sa edad niya? Hindi niya alam kung aware ba ito na nagmukha itong cradle snatcher sa paglapit sa kanya.

"Doc Jet? Ano po ang ginagawa niyo rito?" wika niya rito nang kinabukasan ay maabutan niya ito sa university niya at nilapitan siya.

Ngumiti ang guwapong Doctor sa kanya. "Ahmm... Visiting you. Naikuwento mo sa directress ng foundation kung saan ka nag-aaral. Sinabi niya sa akin. So here I am,"

"Oh!" hindi mapigilang komento ni Aila. Tumingin siya sa buong paligid. Naramdaman niya na unti-unti na silang nakakakuha ng atensyon. Kinabahan siya. "B-bakit? May ginawa ba akong mali kahapon? I---"

"No. You did just fine yesterday. Sa akin ka lang talaga may ginawang mali. Ginulo mo ang isip ko,"

Bahagyang napanganga si Aila sa sinabi nito. Diyata't napakabilis ng lalaking ito?

"Don't get me wrong, Aila. Bukod sa pag-oobserba at pagbibigay ko ng libreng check-up ko sa medical mission ay hindi ko rin naiwasan na obserbahan ka. You are simply pretty and I like you the first time I laid my eyes on you."

Namula ang pisngi niya sa sinabi nito. Paanong hindi? Pareho lang rin naman sila ng naramdaman. Pero may mali. Magiging komplikado iyon. Isama pa na napakabata pa niya. Attraction lang ang nararamdaman niya sa lalaking ito.

"You blush. Just that means you got affected with what did I say? May pag-asa ba ako?" naging mapaglaro ang ngiti ni Jet.

Huminga nang malalim si Aila saka nagdesisyon. Dahil absent ang professor nila para sa huling subject niya ngayong araw ay mamaya pa darating ang sundo niya. "Lets talk it over with a cup of coffee."

Walang ibig sabihin para kay Aila ang pakikipag-usap niya kay Jet nang mga sandaling iyon. Gusto lang niya na pagbigyan ang sarili niya at pati na rin ito. Tinapat rin niya ito ng araw na iyon na kung sakali man na gusto niya ito o ligawan siya nito ay wala siyang pag-asa. Marami siyang dahilan kung bakit pero ang pinakadahilan niya ay dahil sa edad niya. Labing walong taong gulang pa lamang siya.

"So what? Hindi naman ibig sabihin na kapag niligawan kita ay magiging tayo na agad, ah? If you like, kahit mga magulang mo muna ang ligawan ko. How about that?" confident na wika nito at kumindat pa.

Aila's eyes widened in horror. "No! You won't do that!"

"Huh? Bakit naman? It was the right thing to do---"

Dahil may lalaki na silang napili para sa akin, Iyon ang totoong dahilan kung bakit. Maybe most parents would like their children's suitors to do what Jet suggested but she doesn't think her parents would like it. Ayaw niyang magkaroon ng maraming gulo pa.

"Kapag nalaman nila na may manliligaw ako, magpa-panic ang mga iyon. Hindi ba naikuwento sa 'yo ng directress na strict ang parents ko? Iniisip kasi nila na kapag may love interest na kami ay magpapakasal na. Napaka-old fashioned ng mga magulang ko." Naidahilan na lang niya.

"I see," tumango-tango si Jet. "If that's the case, I'll wait until you are or your parents are ready,"

Noong una ay hindi pinaniwalaan ni Aila ang tungkol sa mga sinabi ni Jet. Napakabilis ng approach nito sa kanya, ibig sabihin lang noon ay mabilis rin na mawawala ang nararamdaman nito sa kanya. Pero hindi ganoon ang nangyari. Kahit na umalis ng bansa si Jet at paminsan-minsan na lang itong pumunta sa Pilipinas ay hindi pa rin sila nawalan ng contact sa isa't isa. Madalas pa nga ay ito ang gumagawa ng effort para makausap siya. Sa mga nakalipas na taon ay nararamdaman pa rin niya na interesado ito sa kanya.

Sinong isang babae ang makakayang i-resist ang ganoong klase ng lalaki? Natagpuan na lang ni Aila na sa pagdaan ng mga buwan at taon ay lumaki ang pangangailangan niya na makausap ito. Gusto niya ang pakiramdam na kahit nasa malayo ito ay hindi pa rin siya nalilimutan nito at hindi pa rin ito sumusuko sa kanya sa kabila ng ginawa niyang pagtaboy rito noon.

International Billionaires Book 4: Jet MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon