Untitled Part 14

3 0 0
                                    

Stepahaine's POV

"blargh... blargh...blargh..."

"okay ka lang ba hija?"

"yes, mom okay lang po ako"

nanghihina akong lumabas ng banyo at nahihilo. hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. wala pa naman akong matandan kung may nakain akong hindi magaanda para samain ako ng ganito

"namumutla ka ah, hindi kaya'y buntis ka?"

tanong ng mommy sakin, hindi ko rin naman alam ang isasagot ko. habang pabalik kami sa table namin inalalayan ako nin mommy at baka ako raw ay mahilo ulit. nang marating namin ang table, agad akong nag-check ng cellphone ko para makita ang mga recorded peroid ko. at laking gulat ko sa nakita ko. 78days na pala akong hindi dinadatnan ng buwanang dalaw. 

nagtaka sila ang gulat din sa naging reaksyon ko.

"ate, okay kalang?" tanong ni Shaira

matagal na pala akong tulala. possible kayang buntis ako? tanonng ko sa sarili ko.

 "hon, okay ka lang ba talaga? kanina ka pa kasi kinakausap ni shaira at ni mommy, patigngin nga kung sino yang nagtext sayo at bakit bigla ka nalang nagkaganyan". 

agad namang kinuha ng asawa ko ang hawak kong cellphone.

"ano 'to? period calendar? bakit kailangan mo pa ng ganito?"

"hon, hindi pa ba malinaw sau? ayon sa calculation ng app na yan, delayed ako ng 78days, possibleng buntis nga ako."

sinasabi ko ang mga katagang iyon habang hawak ko ang cellphone at kamay ng asawa ko. 

napayakap lang siya akin bilang reakson niya. hindi ko alam kung maiiyak ako sa tuwa o maiiyak ako sa takot na magiging nanay na ako. 

"daddy, magkaka-apo na tayo" sabat ni mommy

"totoo ba un mga anak?"

"ayon po sa calculation ng app dito sa cellphone, 78days na nga po akong hindi dinadatnan muna ng araw ng magkapasal po kami, so, possible po na buntis nga po ako"

"sige, mamaya paguwi natin magPT ka para makasiguro na tayo, at para makapagset na rin ng apointment kay Dra. Samaniego." 

pagkakasabi noon ni mommy, lumipat si shaira sa tabi ko para batiin kami ng kuya niya. hindi pa nga kami siguroado at ayon excited na nga sila. 

"tamang tama nandito na din ang pagkain, kaya kumain na tayo para makauwi na tayo." saad ni shaira

masaya kaming lahat sa kadahilanang sabay sabay kaming naghapon ngayon, docble ang celebrasyon kumbaga, una, ang pakasara ni shaira at ni daddy sa deal nila, ikalawa, itong posibleng angel na bigay ng Diyos sa aming magasawa, ito ang magpapatibay ng pagsasama namin. gagawin kong masaya ang tahanan na uuwian ng asawa ko at ng mga magiging anak namin. habang hawak ko ang tyan ko, hindi ko maiwasang hindi matitigan ang lalaking nasa tabi ko na siyang ama ng magiging anak ko. sinisiguro kung mabibigyan namin sila/siya ng magandang kinabukasan. nang bigla akong tapikin sa hita ng aswa ko, doon lang bumalik ang wisyo ko. 

"ang lalim ng iniisip ng asawa ko"

"ahh...ahh...w..a...la, nagaalala lang ako baka kasi mag-aassume tayong lahat na buntis ako, in the end, negative pala". 

"hon, marami pa tayong panahon para guwama, kaya kumain kana jan"

isang matamis at malambing na ngiti nalang ang naisagot ko sa asawa ko. kumain na rin ako, at sadyang kunti lang ako kung kumain, pero naparami ang kain ko. pati dessert ay hindi ko tinanggihan. 

palabas na kami ng restaurant ng magsalita si mommy. 

"oh hija, wag niyong kalilimutang dumaan sa drug store para makabili ng PT, excited na kami lahat sa bahay para sa magandang balita"

"oo nga kuya, dapat ikaw na ang bumili mamaya" 

at tuluyan na nga kaming nakapagpaalam sa kanila. nasa loob na kami pareho ng sasakyan at tahimik. hindi ko alam kung ako ba anag mauunang magsasalita o hihintayin ko nalang na ang aswa ko ang unang magsalita. 

"hon, are yu okay?" tanong ni allan sakin.

"yes hon, why?" 

"para ka kasing hindi okay eh, may nararamdan ka bang masakit sayo?" sabay hipo sa leeg at sa noo niya para icheck kung mainit, pero hindi naman, at normal lang naman siya. 

"tara na, bibili pa tayo ng pinapabili ni mommy satin, excited na akong maging daddy"

at bagu umalis, hinalikan pa ako ng asawa ko. hawak niya ang mga kamay ko habang nagmamaneho, at sa di kalayuan, may nakita kaming drug store, pumarada saiya sa harap ng tindahan. pababa na rin ako ng pigilan niya ako. 

"at san ka pupunt?"

"sa loob, bibili ng PT"

"ako na, dito ka nalang"

"may iba pa akong bibilhin"

"ok sige, tara na"

pagpasok namin, sinamahan niya muna akong pumili ng bibilhin ko. lays at baked porky popps spicy ang kinuha ko. sabay din kaming nagpunta sa counter. at siya mismo ang nagtanong sa kahera kung meron silang PT, agad namang kumuha ang kahera ng tatlong piraso, at binayaran na nga ni allan ang lahat. 

pauwi na kami sa condo ng may nakita akong nagtitinda ng balut sa tabing kalsada malapit sa condo. 

"hon, pwede bang bumili tayo ng balut?"

"sige, saglit lang at itatabi ko"

"manang, tig magkano po ang balut na tinda niyo?"

"kaatorse pesos po ang isa mam, ilan po bang piraso ang kukunin niyo?"

"hon, kakain ka rin ba?" tanong ko kay allan

"hindi na ikaw nalang" sagot niya

"pabilli po ng apat na piraso po, magkano po lahat?"

"ito po mam, fifty six po lahat"

"ito po sixty pesos, keep the change po"

"salamat po mam at sir"

"tara na hon"

agad naman naming narating ang condo unit. si allan na ang nagbukas ng pintuan. sa kusina agad ako nagtungo para kainin ang balut na binili namin habang mainit pa. 

"kakainin mo talaga lahat yan ngayon? hindi ka pa ba nabusog sa kinain mong chichiria?"

"hon, dalawa lang ang kakainin ko. ito nga oh, ilalagay ko na sa ref, di ba?" may pag-irap kung sagot. 

umupo na ako at nagsimula ng balatan ang balut ng biglang humila din ang asawa ko ng upuan at pinanuod lang ako kung paano ako kumain. hanggang sa makaramdam ako ng iritasyon kaya hindi ko pa nauubos iyong huling nabuksan kong balut ay tumayo na ako at nagtungo na ako sa kwarto para makapagbihis. hindi ko na rin napansin na nakasunod na pala sakin ung asawa ko. maghuhubad na sana ako ng damit ng bigla nalang may yumakap mula sa likod ko sanhi ng pagka gulat ko at hindi na naituloy ang pagbibihis ko. 

"let me help you hon" 

sabi ni allan at ihinarap niya ako sa kanya. sa pagkakayakap niya kanina sakin, ramdam ko na sa iba na naman ang punta nito. bigla kung naisip matagal na rin pala nung last na pagsasalo namin sa kama, gawa lagi nalang siyang busy sa trabaho. hindi ko rin naman siya pwedeng tanggihan para sa gusto niya at baka sa iba niya gawin ang ninanais niya. 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unofficially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon