Dahil sa nangyari, tinulungan ako ni Richard na makapunta sa pampang dahil hindi ko na kayang maglakad sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa binti ko.
Buti na lang pala hindi ako lumayo sayo, hindi sana kita nadala agad dito sa pampang.
Salamat ha, ang bait mo pala. (blush)
Bumabawi lang sa mga nagawa ko sayo, sana maging magkaibigan tayo.
Hindi na ako ulit nakapagsalita kasi nanjan na 'ung mga ambulansiya na magdadala sakin sa hospital. Hindi ko na talaga kinaya 'ung hapdi at sakit, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako sa kung anung ingay sa naririnig ko sa kwarto kung nasan ako ngayon.
Mom, Dad...
Hija, buti at nagising ka na. Nagaalalang lumapit sakin si mommy at niyayap ako.
Salamat hija at walang malalang nangyari sayo. Kilala mo ba 'ung lalaking nagdala sayo dito?
H-huh? nauutal kung sabi.
S-sino p-po 'ung dad?
Si Richard Valdez, anak ng tito Ramon mo hija.
Si Richard? anak ni tito Ramon? Nagtataka ang utak ko, bakit hindi ko alam na may anak siyang lalaki, ang kilala ko lang ay si ate RR.
Dad, nasan po si Richard?
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang dalawang lalaki. Ang mag-amang Richard at Tito Ramon. Na may dalang isang basket ng prutas.
Kumusta na ang pakiramdam mo hija. Pangungumusta ni tito Ramon. Kasunod niya si Richard.
Okey na po tito, salamat Richard.
Walang anuman 'un. Friends? Paglalahad niya ng kamay niya sakin.
Tango lang ang sagot ko. Kasabay ng pagshake hands ko sa kanya.
Shaira POV
Last destanation ko naman na itong Bora kaya ieenjoy ko nalang ng super bongga. 2 weeks na lang ako dito at sasabak na ako sa company namin. Haist! Malaki ang tiwala sakin ng buong pamilya ko, lalong lalo na si daddy at kuya kasi matutulungan ko na sila sa pagpapatakbo kumpanya namin.
After 2 weeks
Manang, si daddy ba nakaalis na? Tanung ko kay Manang habang pabababa ng hagdan.
Yes, hija. Maagang umalis ang daddy mo, hindi ka na niya ginising. Doon na lang daw kayo sa opisina magkita. Kumain ka muna anak bago ka umalis.
Mom, malalate na ako, nakakahiya naman sa mga kapwa ko empleyado. From now on, I am a employee in that company, kahit tayo pa ang nagmamay-ari nun. Sabi ko habang kumakain ng sandwich. Tinignan ko ang relo ko at 45 mins na lang malalate na ako. Kaya hindi ko na tinapos ang pagkain ko. Buti nalang at paglabas ko ready na ang kotse ko.
Shet!!! Asar naman oh! Bakit traffic na. Shet! Asar kung sabi ng may biglang tumawid. beeeeeeeeeeeeeeeeeeep.
Haist! Hoy, magpapakamatay kaba? Maaga pa para gawin un. Sita ko sa tumawid na lalaki. Kung kailan malapit na ako, dun naman ata ako madidisgrasiya at makakadisgrasiya. Sorry miss, hindi naman ako magpapakamatay e. Sadyang nagmamadali lang ako kasi late na ako sa trabaho ko. Pasensiya na talaga miss, tsaka okey lang naman ako ee.
Buti nalang at pagkatapos nun, nakarating na din ako sa kumpaniya namin.
PBCom Elizalde
Nasa parking lot ako ng building, nagmamadali na akong bumaba ng kotse, kasi ilang minuto nalang late na ako, first day of work pa naman.
BINABASA MO ANG
Unofficially Yours
RomanceAll discarded lovers should be given a second chance, but with somebody else. Everybody deserves it with the right person.