Shaira POV
"Ang haba ng hair mo girl" sabi ni Anne, bigla namang may dumaloy na kuryente sabuong katawan ko, na siyang nagdulot ng kaunting inis. kaya sinagt ko si Anne na may halong pagkairita.
"Anne, isa... tigilan mo nga ako." Sabay taas ng kilay. Hindi ko namalayang nasa harap na pala kami ng bahay nila Jenny.
"Oh Jenny, nasa tapat na tayo g bahay niyo." Hindi parin naaalis ang inis ko.
"Sige, girls. Ingat kayo." Pagpapaalam ni Jenny
"Mam Shaira, sorry na..., tinamaan lang naman ata sayo yong Ryan na yon, malay mo siya na."
"Anne, hindi mo ba talaga ako tititgilan"? Sabay irap sa kanya, at ipinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho ng sasakyan. Hindi lsa isipan ko iyong nangyari kanina. Bastos siya, pero may pag ka gentleman side nama pala siya.
Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay nila Anne, bumaba na rin siya ng sasakyan ng walang inikan. Nagbusina nalang ako sinyales na aalis na ako. At habang binabaybay ko ang kahabaan ng Ayala Avenue dito sa Makati pauwi samin, hindi ko maiwasang mapangiti gawa ng mga nangyari kanina sa bar, idagdag mo pa ang mga panunukso sakin ng mga kasama ko, kunwari naiinis ako, pero deep inside nasisiyahan ako sa nangyari.
Sa isang banda napaisip akong may possible palang magkagusto sakin, kahit na may paagkamataray at kasungitan ako. Kinikilig siya... Shut up brain... Naalala ko saan ko na nga ba nailagay iyong calling card niya? Kinalkal ko sa bag ko at madali ko naman itong nahanap. Binasa ko ang nakasulat doon at napag alaman kung,Vice-President The Walking Company, isang sikat na bachelor at kung hindi ako nagkakamali, isa rin siya sa mga client ni kuya sa sarili niyang company. Mamaya ko nalang tatawagan si kuya para maconfirm ko itong kutob ko kung isa nga ba talaga siya sa big client namin.
Sa di kalayuan, tanaw ko si kuya sa labas ng gate namin na may kausap na lalaki, siguro kaibigan niya ito, matipuno ang pangangatawan at may magandang tayo. Gabi na, itong si kuya talaga walang pinapalagpas pagdating sa business..
Beep
At binaba ko naman ang windshield ng sasakyan ko.
"Kuya, bakit hindi kayo pumasok at sa loob niyo na pag-usapan ang mga pwede pa ninyong pag-usapan"
Kay kuya lang ako nakatingin, at ng ipapakilala na niya ako sa kausap niya at laking gulat ko nalang ng...
"Oh, sorry... By the way Princess, si Ryan nga pala isa sa mga client natin sa company."
Nanlamig nalang ako sa kung sino ang hindi ko inaasahang makita ngayong gabi. At alam ramdam kung kanina pa siya nakatitig sakin. Dahil ng magkasalubong ang mga mata namin, tila may pait ang mga ngiti niya.
"Hi, I'm Shaira"
Hindi na ako nakakatagal pa sa kung nasan man ako ngayon, dahil baka kung anu-ano ng naikuwento niya sa Kuya ko, ramdam ko rin ang pag-init ng mukha ko, dala na rin siguro sa nainum kung alak at sa kahihiyang naramdam ko ngayon.
"Ipapasok ko na muna tong sasakyan kuya, maiwan ko na kayo riyan."
"It's nice to finally meet you Sir." iyon nalang ang nasabi ko sa kausap ni kuya. At tuluyan ko ng ipinasok sa loob ang sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
Unofficially Yours
RomantizmAll discarded lovers should be given a second chance, but with somebody else. Everybody deserves it with the right person.