Untitled Part 13

7 0 0
                                    


Chapter 13

Shaira

Tik-tok Tik-tok Tik-tok Tik-tok

Tunog ng alarm ang nanggising sa akin. Agad ko naming kinuha ang cellphone ko para Makita kung anong oras na ba.

"hmmm.. anong oras na kaya? Omg! 9am na, wala man lang nanggising sakin, paano na ito?"

Dinail ko naman agad ang numero ni Anne, para abisuhang malalate ako ng pasok, gawa ng late rin akong gumising.

"Anne, answer the phone"

"Hello, good morning po" bati ni Anne sa kabilang linya.

"Malalate ako ng pasok ngayon, tinanghali ako ng gising. May susi ka naman sa office ko diba? Pakibuksan mo na rin ung laptop ko at icheck mo na rin kung sumagot ba si Mr. Tokisha sa email ko about sa meeting at kung kelan iyon gaganapin at kung saan."

"Iyon lang ba?"

"Jan na rin ako magbrebreakfast. Pakibilhan mo nalang ako sa canteen. In 30 minutes nandyan na ako. Thank you so much. See in later. Bye."

At binaba ko na ang cellphone ko, agad na tinungo ang banyo para maligo. Hindi ko na tatagalan, bawi nalang mamayang gabi. Nagmamadali na rin akong bumaba sa hagdan ng tawagin ako ni Mommy, napangiwi lang ako at...

"Mommy, I have to go, late na ako...bye"

Hinalikan ko sa noo si Mommy at nagpaalam na. Pagbukas ko ng pinto agad ko namang tinungo ang kotse at pinaandar, tinignan ko ang relo ko at may 20 minutes pa ako para takbuhin ang hindi naman kalayuang opisina. Habang papalapit ako sa kompaniya, tanaw ko ang isang empleyado na siyang nagpapark ng mga sasakyan, agad naman niya akong sinalubong. At pagbaba ko...

"Good morning mam"

Good morning din po, kuya ikaw na bahala sa kotse"

"Sige po mam, makakaasa po kayo"

Patakbo kong tinungo ang elevator, buti nalang at wala ng pila, solo ko na ngayon kasi tanghali na. Pinindot ko ang button kung saang floor ako, luckily nakarating ako ng tama sa oras. Sinalubong naman ako ni Anne.

"Anne, okey na ba lahat ng pinapagawa ko sayo?"

Sumunod naman si Anne sakin sa opisina at may mga bagay kaming pinangusapan habang kumakain ako ng agahan. Panay ang tingin sakin ni Anne, hindi ko malaman kung anu ang gusto niyang sabihin, o kung meron ba o wala.

"May dumi bas a mukha ko?" Tanong ko, kasi hindi maalis ang tingin niya sakin.

"Ah, wala naman... naninibago lang ako, parang may mali sayo ngayon, hindi ko mawari kung anu iyon, meron nga bang bago sayo?"

Napaisip naman ako kung ano bang bago sakin, kung ano bang meron ako na hindi masabi ni Anne sakin.

"Ang bago sakin, nasobrahan ako ng pag-iisip kagabi at hindi agad dinalaw ng antok, kaya tinanghali ako ng gising. At wag mong babalaking tanungin kung ano iyong dahilan dahil hinding hindi ko naman sasabihin sayo. Ay nga pala, nagawa mo na ba ung bilin kung icheck ang email ko? Ano sumagot ba si Mr. Tokisha?"

"Ay oo, ang sabi nandito siya sa bansa ngayon at gusto niyang magdinner meeting kayo sa Saturday, 7pm sa Cyma Greek Taverna, Greenbelt Drive. Mukhang may gusto sayo ang mokong, kaya nagconfirm na ako na pupunta ka."

Muntik ko ng mabugahan ng kape si Anne sa sinabi niya sa dulo. Kung ano-anu talagang iniisip nitong isang to.

"Sige, pupunta ako para maclose na natin ang deal. At isa pa, sa utility mo na ipaligpit yan, at ito ang gawin mo, itong business deal ko sa Sabado."

"Sige, tatawag lang ako ng gagawa niyan."

Paglabas ni Anne, may utility namang pumasok para iligpit ang mga pinagkainan ko.

"Ay manang, yang dessert po sa inyo nalang, tinikman ko lang po yan."

"Salamat po mam."

Simpleng ngiti na lang ang isinukli ko sa utility na naglinis. Sana maiclose deal do kay Mr. Tokisha itong project na ito. At pagnanyari iyon, manghihingi ako ng leave para makapagunwind naman sa ibang lugar, stress na stress na kasi ako sa trabaho at sa sinabi ni Daddy about sa kasal.

Araw ng Sabado, January 31, 2009

Tinawagan ko si Anne at nagsabing hindi na ako papasok, rerebyuhin ko na lang iyong presentation ko mamaya kay Mr. Tokisha nang sa ganun ay maimpress naman at hindi makatanggi sa deal. Sabi ni Anne, may reservation ng ginawa si Mr. Tokisha sa restaurant. Umaga palang kinakabahan na ako, mamayang gabi pa naman ang meeting na magaganap. Actually, kagabi pa talaga ako kinakabahan. Hindi ko maexplain ang feelings na meron ako. Sana positive ang nararamdaman kong ito. Pagkatapos naming magusap ni Anne sa cellphone, nahiga ako sa kama at hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising nalang ako sa mga sunod sunod na katok galing kay Nana, tawag niya ako para makakain nang tanghalian.

"Sige po Nana, susunod na po ako sa baba."

Nag-inat lang ako at nag-ayos ng sarili para makasunod na ako. Nang makababa na ako, isang bulto ng tao ang hindi ko inaasahan sa hapag. Si daddy, bakit kaya dito siya nagtanghalian, nalaman kaya niyang hindi ako pumasok?

"Oh hija, you look stressed"

"Yeah, I have a dinner meeting with Mr. Tokisha, ang dami pa namang checheburetche non"

"Don't worry you can do it, kasama mo naman ako"

"Kasama ka namin sa dinner meeting? Bakit dad, wala ka bang tiwala sakin na hindi ko maiclose ung deal"? 

"Hindi naman sa ganun hija" 

At na i-close nga ni Shaira ang deal kay Mr. Tokisha.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nandito kami ngayon sa favorite five star restaurant naming mag-anak, para icelebrate ang naisarang deal worth thirty five million, kasama si kuya Allan at ang asawa niyang si ate Steph, nandito na rin si mommy at syempre hindi rin mawawala ang mga iba pa naming kasama sa bahay. 

"Well dad, that's why starting today I'm the trouble shooter ng ating kumpaniya, pwede ba yon? Kayang kaya kong ihandle ang mga kagaya ni Mr. Tokisha na masyadong paimportante ang datingan"  

"Oo nga, talagang hanga na ako saiyo. And let's drink to that." sabi ni kuya na very proude sa akin. 

" okay cheeers!!!"

"cheers!' at itinaas na nila ang kani kanilang kopita at sabay sinimsim ang alak na laman nito. 

habang sa katabing mesa namin, may magsyota at ayon sa aking obsarbasyon ay nag-aya ng kasal ang lalaki, pero bakit umiiyak ang babae, hindi ko alam kong ano ang aking magiging reaksyon, dapat masaya siya, ia mean silang dalawa. Naagawa naman ni mommy ang atensyon ng magsimula na siyang magsalita. 

"hindi ko naramdaman yan noong nagpropose ang daddy niyo sakin, gaya ng kuya mo ipinagkasundo lang din kami ng mga lolo at lola niyo" 

hindi lang naman pala ako ang nakatingin sa katabi naming mesa, sila rin pala. 

maya-maya pay biglang napatayo si ate steph at patakbong tinungo ang banyo. lahat kami ay nabigla sa ginawa niya. 

"Allan, anong nagyayari sa asawa mo"? tanong ni mommy kay kuya

"masarapa naman ang mga pagkain" sabi ko sa kanila

"saglit nga lang at susundan ko, baka ano pang mangyari sa kanya. excuse me" 

at nagtungo nga rin si mommy sa banyo. nagtataka kaming lahat sa nangyari.  sana talaga ay walang masamang mangyari kay ate steph. 

Unofficially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon