Stephanie POV
Ano 'tong nangyayari? Tama ba lahat ng ito? Ipapakasal ako sa taong di ko man lang kilala at ito pa, sa tutuusin nga pangalawang pagkikita palang namin ito. Lupa... lamunin mo na ako ngayon na.
Infairness kuya, may taste si dad. She's good looking. What do you think? Narining kong sinabi nong kapatid ni Allan sa kanya. clap! clap! clap! clap! wow! gusto ako para sa kapatid niya, well, gusto din kitang maging hipag.
Will you excuse me for a while? Mag-uusap lang kami. Sabi ni daddy saming lahat. Agad naman kaming lumabas ng kwarto. Sakto namang dating ni Nana Belen at ni mommy.
Oh anak, bakit anong nangyari sa daddy mo?
You must be Maria Luisa?
Ye... yes, nauutal na sagot ni mommy.
Mom, si tita Debbie Elizalde, at ito po naman po....naputol ang pagpapakilala ko sa kanila..
Allan, Shaira Marie tita.. paglalahad ng kamay nila kay mommy.
So, i guess nandito kayo para sa merging ng mga companies natin, at para sa kasal ng mga bata?
WHAT? sabay sabay kaming tatlo... Ako, allan at shaira
Yes, anak.. Ayun sa traditon ng pamilya natin yun.
Naguunahan naman nalaglag ang mga luhang kanina pa nagbabanta. Hindi ko alam kong anung magiging takbo ng buhay ko.
Mommy, bakit hindi niyo sinabi sakin ito. Tanong ni Allan sa mommy niya. Kumukuha lang ang daddy mo ng tamang tyempo anak, at sa palagay ko ito na yun. Kagabi nag-usap kami ng daddy mo, ang sabi niya, nakilala mo na daw pala ang magiging kabiyak mo, hindi na daw kami mahihirapan pang ipakilala si Stephanie sayo. Sana mapatawad mo kami anak.
Wala naman akong magagawa, ang akin lang, papayag ba si Stephanie na ikasal siya sakin? At tinignan ko si Stephanie, nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni daddy.
Pinapasok kami lahat sa loob at nagsimula ng magsalita si daddy.
Hija, halika. Lumapit naman ako sa kanya. Sana mapatawad mo kami ng mommy mo, ito na lang kasi ang natitirang pag-asa para muling makabangon ang kumpanya natin. At isa din ito sa mga tradition ng bawat pamilya. Kung hindi niyo talaga kanyang iwork out ang kasal niyo, pwede niyong ipawalang bisa ito. Pero kailangan niyo munang subukan ng isang taon.
Tinignan ko si Allan, at tulala parin sa mga panahon ngayon, tulad ko, nagulat din siya sa mga rebelasyon ng aming mga pamilya. Ipagdadasal ko nalang na maging maayos ang kumpanya namin, gagawin ko ito kasi ito ang itinakda.
______________________________________________________________
After that revelation, we start dating para makilala namin ang isa't isa. Nakaset na din ang magaganap na kasal in 2 mos. Wala naman naging problema sa preparation kasi tumulong naman si mommy at si tita Debbie.
Araw ng kasal
Ilang sandali nalang magiging Mrs. Stephanie Lynn Andrade-Elizalde na ako, nang maglakad si Allan papunta sa altar. Sinundan naman ito ng mga abay, at mga kilalang ninong at ninang.
Ito na talaga to, lord.. gabayan mo po ako... Sarado ang pinto ng simbahan, at ito na nga pababa na ako ng kotse. At biglang bumukas ang pinto, at nagsipalakpakan ang mga tao sa loob. Hindi rin nawalan ng mga nagkikislapan mga flash ng camera.
Habang nag-lalakad ako papalapit sa magiging asawa ko, nanginginig ako. Ito na nasa tapat na ako ng mga magulang ko.
Hija, you are so beautiful. Sabi ni mommy.
BINABASA MO ANG
Unofficially Yours
RomanceAll discarded lovers should be given a second chance, but with somebody else. Everybody deserves it with the right person.