Untitled Part 9

7 0 0
                                    

Ryan POV

Sobra akong nasaktan sa pag-iwan sakin ni Fabiana, ang una kong minahal, ang tangi kong pinakamamahal. Lahat ginawa ko para mag-work out ang relasyon namin, lahat ng pag-aadjust nagawa ko na kaso kulang parin, kulang na kulang na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sagot sa mga katanungan ko. Sa isang video ba masasagot lahat ng tanong ko? Ang tanging tanong ko sa sarili ko kung saan ako nagkamali, saan ako nagkulang, at saan ako sumobra, para alam ko sana kung saan ang babawasan ko at dadagdagan ko. 

Nag-iisa akong anak. Mayaman ang pamilya namin. At syempre dahil sa ako lang ang anak ng mga magulang ko, lahat nakukuha ko, ultimo babae kaya kong bumili, ganun kayaman ang pamilya namin. Alak, barkada at syempre babae, jan umiikot ang mundo ko, at ako na siguro ang pinakamasamang anak, sa kadahilanang lagi akong naglulustay ng pera ng mga magulang ko, na ni isang butil ng pawis ay hindi ko pinaghirapan. Oo, tama. Masamang damo ako sa paningin ng ama ko, kabalitaran naman sila ng aking ina. Lahat ng gustuhin ko, ibinibigay ni mommy sakin, hanggang sa isang araw naaksidente ang mga magulang ko, galing sila sa isang salo salo, at matagal na nacomatose si mommy, sa mga oras na nakaratay si  mommy sa ospital siya namang oras ko para magsaya kasama ang mga barkada ko, at doon kami sa bahay nagiinoman, araw-araw. Parang laging may pagtitipon ang mga anak ng mga mayayamang tao sa bansa sa dami ng alak na nauubos namin. 

At dumating na nga ang kinatatakutan ko, ang iwan ako ng babaeng pinakamamahal ko. Hindi ko alam kung makakaya kong mag-isa. Siguro kaya ko. Susubukan. At hindi nga ako sumuko, hinanap ko si Fabiana, gusto kong humingi ng kasagutan kung bakit ganoon nalang niya kadaling igive-up ang relasyong meron kami. 10 years kaming nagsama. Oo, tama kasal nalang ang kulang sa pagsasama namin, pero naduduwag akong pumasok sa buhay may-asawa. Hindi ko alam kung anong kinakatakot ko, mahirap ipaliwanag. Umabot sa 2 taon ang paghahanap ko ng kasagutan sa mga tanong ko, hanggang sa ako na rin mismo ang sumuko at napagod na rin siguro.  

Ako nga pala si Ryan, hottest bachelor in town, single, and available. Oo, pwede na ulit akong pumasok sa isang relasyon, kaya ko na. Sapat na siguro ang 2 taong nagmukha akong tanga sa kakahanap sa ayaw magpakita. Sapat na ung 2 taong sakit at pighati na naidulot niya sakin, ito na siguro ang oras para maging masaya at makulay uli ang buhay pag-ibig ko. Sapat na ang 2 taong ginugul ko sa kompanya para hindi magka love life. Sapat na ang 2 taong pangungulila ko kay Fabiana, sapat na ang mga sakit na naidulot niya para bumangon muli. Sapat na ring dahilan iyon para sa panibagong buhay na haharapin ko. 

Flashback.... (camera na ang laman ay video)

"Hello Ryan, mahal na mahal kita alam mo yan. hindi ito madaling gawin, at lalong lalo na, masakit para sakin ito. I wasn't strong enough to tell you face-to-face. Maybe, this is the way to avoid useless arguments. I'm leaving. Mahihirapan lang ako kung magkakausap pa tayo, dahil alam kong mahal mo ako, at hindi mo ako kayang pakawalan. Hindi ka nagkulang sakin, satin. Siguro nagsawa na ako sa sitwasyon natin. I love you so much"

Gumigilig na ang mga luha ko, naguguluhan ako. Nahihirapan ako. Hindi ko m,ahulaan ang ibig niyang ipahiwatig.

"... but I can't carry on with you. Please don't look for me dahil hinding hindi na ako magpapakita sa'yo, and  one more thing Please don't hate me. Hangad ko ang kaligayahan mo, hindi na ako ang makakapagbigay noon sa'yo. Ingatan mo ang sarili mo. Mahal na mahal kita."

Unofficially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon