Ryan POV
Pagkatapos kung panuurin, nagtungo ako sa banyo para maghilamos at ng mahimasmasan. Sa sa sakit ng nararamdaman ko, lumabas ako muli ng bahay, gusto kung uminom nang walang bukas. Kinuha ko ang susi ng sasakyan, at pinaandar. Hindi ko alam kong saan ko siya hahanapin, kung saan ako kukuha ng sagot sa lahat ng mga katanungan ko. Ang alam kong nag-iisang makakasagot sakin sa mga oras na ito ay alak, at walang iba.
At sa kadahilanang hindi ko alam ang patutunguhan ko, nakapunta ako sa bar kung saan madalas kami ni Fabiana, noong mga panahong nasa stage pa kami ng pagkikilala sa isa't-isa, baka sakaling may makuha akong sagot sa mga tanong ko.
Pagpasok ko ito ang bumungad sakin, maingay, mausok, at may mga nagsasayawan, meron din namang mga partner, at may mga ilang naghahalikan sa kani kanilang mga upuan. At meron namang alak lang ang ipinunta dito para magpakalasing nang sa ganun sandaling makalimot sa masalimuot na nararasansa hamon ng buhay.
Nang magawi ako sa nagsasayawang grupo ng kababaihan, nakuha ang atensyon ng isang napakagandang babae, nakasuot ng bestidang pula, tube cocktail dress ang tawag doon, at habang sumasayaw siya, na parang siya lang ang nagbubukod tanging tao sa dance floor. Hindi na ako nagatubiling lapitan siya, gaya noong mga ginawa ko dati, nakukuha ko ang lahat ng gustuhin ko. At nang nasa likuran niya ako, bigla siyang umikot at nawalan ng balance gawa na rin siguro sa nainum niyang alak. Buti nalang at nasalu ko siya sa maaaring mangyari sa kanya, itinayo ko siya at biglang siniil ng halik ang mga labi niya, nagulat siya pati na rin ang mga kasama niyang sumasayaw, nang matauhan siya, siya na rin mismo ang bumitiw sa mga nakalapat kong mga labi.
At dahil doon, nalapatan na pala ng mga palad niya ang kanang bahagi ng mukha ko, namanhid ang bahaging iyon. Sino ba namang matinong babae ang gagawa noon sakin, di ba nga pare parehas lang ang tingin ko sa mga babae. Bigla siyang naglakad palayo, sinundan naman siya ng mga kasama niya, at tinatawag siya sa pangalan niya.
Shaira POV
Tower Lunge Steak Bar
Inaamin ko, naparami na ang nainom ko, at medyo ay hindi pala, sadyang nahihilo na ako, at ito na nga nawalan pa ako ng balanse sa katawan, pero teka bakit may brasong nakakapit sakin? Sino siya? Kilala ba niya ako?
At ang matindi pa nito, nang hahalik nalang basta basta. Binigyan ko nga ng sampal. Siguro natauhan at binitiwan ako.
"Shaira, wait" tawag ni Anne
At tuloy tuloy parin ako sa paglalakad pakayo. Nang makarating ako kung saan nakapark ang kotse ko agad ko na sana itong bubuksan kaso....
"Oh, he's here"
"Sino?"
Inilahad pa niya ang kamay niya para makamayan ako, kaso...
"Ryan Sarmiento, miss pasensiya na sa nagawa ko, hindi ko sinasadya."
Imbes na makipagkamay ako, isang sampal lang ang pinakawalan ko sa pangalawang pagkakataon.
"Awwww"
"Humihingi ka ng sorry diba? Ayan ang sorry na bagay sayo"
Saka na ako mabilis na sumakay sa kotse ko, at...
"Hindi ako bayarang babae gaya ng mga nasa loob ng bar na yan, ibanhin mo ako. Marangal ako. At mister, kung sa pagkakaalam mo ay makukuha mo ako sa pagpapasensiya mong yan, pwes nagkakamali ka. Tara na girls."
"Sandali lang"
"Ano na naman?"
"Ito ang calling card ko, itext o tawagan mo ako, para makabawi naman ako sa atraso ko sayo. Asahan ko."
Pagkabigay niya ng calling card, agad ko namang pinaandar ang sasakyan ko para makaalis na sa lugar na iyon.

BINABASA MO ANG
Unofficially Yours
RomanceAll discarded lovers should be given a second chance, but with somebody else. Everybody deserves it with the right person.