Untitled Part 12

2 0 0
                                    

Chapter 12

Ryan POV

"Shit pare! Seryoso ka bang kapatid mo siya? Magkaiba kasi kayo ng pag-uugali"

"Ulol, siya nga pare ung sinasabi ko sayong nag-iisang kapatid ko"

Nag-uusap kami ni Allan noong pagkapasok na ni Shaira sa loob ng bahay. Hindi ako makapaniwalang magkapatid sila ng kaibigan ko. Oo, best buddy kami way back college years at hindi ko nalamang may kapatid pala siyang babae. Kung noon ko pa sana nalaman di sana ako nasaktan ng iwan ako ni Fabiana, hay masakit parin kahit dalawang taon na ang nakakalipas, sa dalawang taong ginugol ko para makalimutan siya. Sapat na iyon para muli kong buksan ang puso ko.

At sa pagkakataong ito. Sisiguraduhin kong hindi kami masasaktang pareho. Magmamahalan kami at gagawa kami ng masasayang alaala na siyang magpapatibay sa aming relasyon. Ibabaon ko lahat ng mga masasakit na nakaraan upang maging matatag ako sa darating kung relasyon.

At alam kung si Shaira na iyon. Magiging akin siya, akin lang.

"Sige pare, alis na rin ako. Tsaka mukhang may dapat kayong pag-usapan ng kapatid mo".

Nagtatakang sinarado ni Allan ang gate ng bahay nila.

----------------------

Nang makarating ako sa condo, agad kung tinungo ang banyo para maligo at makapagbihis. Pero imbis na makatulog ako, hindi ko alam kung anong posisiyon ko makukuha ang antok ko. Kahit anong gawin kong balikwas sa higaan ay di ko parin makuha ang antok ko.

"She made me nuts. Aaaaaaagh!

At dahil hindi ko makuha ang tulog ko, narinig kong nag-ring ang cellphone ko.

"Hello dad"

"hijo, kelan ka ba mag-aasawa? Gusto na namin ng apo ng mommy mo."

"Dad, hindi ko masasabi kung kailan. Pero tutuparin ko ang sinabi ko sa inyo, hindi matatapos ang taon na ito mag-aasawa din ako."

"Okey, kung wala ka pang makita, ako na ang maghahanap sayo". Sabay putol sa kabilang linya.

Bigla naman akong kinabahan sa binitiwang salita ni Daddy. Paano ko tutuparin ang ipinangako kay Daddy? Gahol na gahol na ako sa oras na ibinigay niya. Paano ko pagtutunan ng pansin ang paghahanap ng maaasawa, gayong busy ako sa pagpapalago ng kompanya namin.

Nakikisabay pa talaga si Daddy sa mga stress na dulot ng busy sa kompanya. At ito ako ngayon, imbis na dalawin ng antok, lalo akong nagising dahil sa sinabi ni Daddy sakin. Naprepressure ako lalo, dahil tama naman sila, hindi na ako bumabata. Kailangan ko ng magkapamilya at magsettle down. Pero saan ako hahanap ng babaeng nararapat sakin? Saan ako makakakita ng babaeng tatanggapin ako ng walang pag-aalinlangan. Saan ako makakahanap ng babaeng buong puso akong mamahalin at hindi sasaktan?

Nagdasal ako ng mataimtim, baka sakaling bukas may mahulog mula sa langit na isang anghel, para mahalin at hindi ako saktan. Kung magkakatotoo man iyon, mamahalin ko din siya ng buong puso at walang pag-aalinlangan.

Matapos ang ginawa kung dasal, pumikit ako at nakatulog na rin. Umaga na ng maalimpungatan ako. Tinignan ko ang oras, maaga pa para pumasok sa opisina. Bumangon ako at nagluto ng almusal ko. Para maiba naman pancake ang ginawa ko at gatas. Pagkatapos kung kumain, naligo agad ako at nagbihis para hindi ako matraffic sa daan papunta sa opisina.

Tulad ng inaasahan, maaga akong nakarating sa opisina. Pati mga guard ay nagtataka kung bakit maaga daw akong pumasok ngayon. Siguro akala nila may sakit ako. Hindi ko nalang pinansin ang pagbati nila sakin. Madalas kasing tanghali na ako kung pumasok, sa kadahilanang lasing ako lagi sa gabi. Nakainom naman ako ng alak kagabi kaso hindi ako gaanong nagpakalasing. First time kung umuwi ng maaga, dati kasi umuuwi ako galing sa bar ay umaga na, magbibihis nalang ako sa condo at dito na sa opisina matutulog ng ilang minuto.

Unofficially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon