“Ollie, hindi ako ang tunay mong tatay.”
I looked at Papa with so much confusion. Natatandaan ko pa noong three years-old ako, 'yong panahong binubuhat-buhat niya pa ako at hinahalikan sa pisngi. May napanood rin akong video mula pa sa VHS sa collection ni Papa noong ginanap ang first birthday ko. He was there. All my life, he is with me. Anong ibig niyang sabihin na hindi siya ang tunay kong ama?
Tinignan ko sila ni Mama na punong-puno ng sakit. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Papa. Pero kay Mama, wala. Wala siyang reaksyon. Nakatingin lang siya ng deretso sa mga mata ko na para bang isa lang akong sampid sa bahay na 'to. Bakit? Hindi ko maintindihan. Kung hindi si Papa ang tunay kong ama, natural naman siguro na si Mama ang tunay kong magulang hindi ba?
“You were legally adopted by my first wife, Ollie.” Mas lalo akong naguluhan sa itinuran ni Papa. First wife? Si Mama lang ang nakikita kong kasama niya. Si Mama ang asawa niya. Kahit kailan alam kong hindi niloko ni Papa si Mama kasi naging saksi ako sa pagmamahalan nila. Ako pa nga ang naging bunga, 'di ba? Kaso hindi pala. Kasi hindi naman nila ako naging anak talaga. “Miranda and I, we were not lucky to have a child after 7 years of marriage. Masaya kami oo. But my wife is crying at night, questioning herself what was wrong with her, why can't she bear a child. Kaya nag-desisyon kaming umampon na lang. When you came into our life, we became fully happy. You were the best first-born, Ollie. I know, Miranda's happiest days were our marriage and the day when we have you.
“Your biological mother is dying. She's too young and too sick to take you. She talked to us, asked us if we wanted to be your parents, of course we agreed. From her pregnancy until her last breath, she gave you everything for you to be whole... even if that means losing hers. She risks her life para maibigay ka sa amin. Akala namin magkakaroon ka ng komplikasyon kasi may sakit siya simula pa noong pagbubuntis niya. But you were so strong, Ollie. You fought hard to be here. You were so healthy. At sobrang saya namin ni Miranda na dumating ka sa buhay namin.”
Hearing from Papa about this Miranda, I glanced at Mama. Tinitignan ko kung magbabago ang ekspresyon niya. Tinignan ko kung maiinis siya o magagalit kay Papa, pero hindi. Pormal pa rin ang mukha niya. Nakikinig sa kwento ni Papa kahit na ramdam mo sa boses nito na mahal na mahal nito si Miranda. Kung si Miranda ang nanay ko, o ang legal na nanay ko, bakit lumaki ako kay Mama?
“Cynthia was married to someone else, Ollie. We both cheated on our partners. Inatake sa puso ang asawa ni Cynthia noong malaman niya ang tungkol sa aming dalawa. Hindi niya matanggap na niloko siya ng asawa niya. While Miranda...” kitang-kita ang lungkot sa mga mata ni Papa na para bang may mapait na bagay na biglang bumara sa lalamunan niya. Bigla ring may pumatak na luha mula sa mga mata niya na bigla niyang pinahiran, para siguro hindi na makita ni Mama. “Miranda choose to file an annulment and a custody para sa kanya ka mapunta. I was so scared to lose you, Ollie. Mahal kita, anak, kaya I took you away from Miranda. I have to take you away from her bago ka pa niya mailayo sa akin. Cynthia and I run away. After a month, we received a news that she passed away, too. She was depressed when she lost you. I'm sorry, Ollie, because for the second time then, you lost your mother. You lost another mother.”
Hindi ako makaimik. Hindi ako makapagsalita. Ang dami kong gustong itanong. Ang dami kong gustong sabihin. Pero kahit anong buka ng bibig ko, kahit ilang ulit kong tinangka na kwestyunin silang pareho, hindi ko mahanap ang boses ko. Wala akong masabi.
“May kapatid ka, Ollie. May anak ako. Sa una kong asawa. Si Mildred.” noon na nga lang nagsalita si Mama, ganoon pa ang sasabihin niya?
“Hindi pa ba sapat 'yong balitang hindi ko kayo totoong mga magulang? Well, anak naman ako ni Papa kasi legally adopted ako. Pero namatayan ako ng nanay. Twice. Mothers who I never heard of. Ngayon ko na nga lang nalaman ang existence nila, pero hindi pa rin ako magkakaroon ng pagkakataon na makilala sila?” Sumisigaw ako. Sumisigaw ako at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang boses ko. Hindi iyon pamilyar. Parang hindi ako. Punong-puno ng hinagpis ang boses na naririnig ko. Hindi ako ito. Hindi akin ang boses na ito. Masaya ako. Masiyahin ako. Bakit ganito ang boses na naririnig ko? “Nilayo niyo ko sa Mama ko dahil sa pagtataksil niyo. Pinatay niyo 'yong Mama ko. Tapos ngayon sasabihin niyo sa akin na may kapatid ako? Na may anak kayo maliban sa akin? Buong buhay ko, pinalaki niyo kong mag-isa! Buong buhay ko hinihingan ko kayo ng kapatid. Tapos malalaman ko ngayon na para mapalaki niyo kong magkasama, nagpabaya kayo ng anak? Naging pabaya kayong magulang?”
BINABASA MO ANG
Never The Love Of Hers
Romance"Baby, hello?" I called her because I have something to tell her. I have to tell her. I must say it. "I love you." "Para kang tanga." I smiled. Genuinely. Kung ibang tao siguro 'to, magagalit o 'di kaya masasaktan ng sobra. But not me. Not to her. N...