Chapter 3: The Sibling I Wished I Have

43 5 0
                                    

Niyaya ni Arwin si Ms. Millie na sumabay sa amin mag-lunch. Nang magpakilala siya sa klase namin ay sinabi niyang Millie na lang ang itawag namin sa kanya. Una, dahil dati niyang kaklase si Arwin; at pangalawa, hindi maganda ang una niyang pangalan. Ayaw naman daw niyang magpatawag na Ms. Yllana dahil pakiramdam niya ay sobrang tanda na niya. Siya 'yong tipo ng taong madaling pakibagayan. Cool lang, masarap kasama at kausap, parang tropa mo talaga kahit kakikilala niyo pa lang. Pero hindi sa akin.

May kakaiba kay Millie na hindi ko maipaliwanag. Mula noong sinabi ko sa kanya ang pangalan ko ay hindi na niya ko tinapunan ng tingin. O mas tamang sabihin na pilit niyang iniiwas ang tingin niya sa akin. Hindi naman sa pagyayabang, gwapo ako. Maganda rin ang katawan ko. May katangkaran din ako kumpara sa mga normal na ka-edad ko. Makinis at maputi rin naman na tama lang para sa lalaking tulad ko. Hindi lang sa panlabas na katangian, alam ko rin naman na matalino ako. Kahit marami kaming pinagdaraanan sa bahay ay hindi ko pinabayaan ang pag-aaral ko. Sa dami ng magandang katangian ko, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Millie sa akin.

“Quin, masakit man 'tol, pero feeling ko may gusto sa iyo si Millie.” napatingin siya kay Arwin ng bigla nitong hinampas ang balikat niya. Hindi naman ganoon kalakas ang pagkakahampas nito pero halos lahat ng tao ay napalingon sa gawi nila. “Para kang tanga.”

“Hindi. Totoo nga. Alam mo, matagal ko na talaga crush 'yon si Millie—”

“Crush mo pala pero pinapasa mo kay Quin?” tanong dito ni Raven.

“Pero ang cute nga ni Ms. Millie, 'no?” nabatukan ni Arwin ng wala sa oras si Andrei. “Gago ka, kanina ka pa ha? Hindi ko na nga matanggap na kailangan ko magpaubaya kay Quin, dadagdag ka pa?”

“Appreciation lang, Win.” hinihimas-himas pa ni Andrei ang batok nito. “Totoo naman na cute si Ms. Millie, ah? Ang pinagtataka ko lang, mukha naman siyang hindi papatol sa bata. Sino crush niya sa batch natin?”

“Tanga, sino pa ba? Syempre, ako.” turo ni Arwin sa sarili.

“Oo. Tapos nakita mo 'yong titig kay Quin? Ang lagkit, 'di ba? Tapos nabasag pa niya 'yong tumbler niya n'ong biglang magsalita si Quin. Hindi na siya makatingin kay Quin, 'no, Drei? Nahiya kaya siya o ano.” lahat kami ay napatanga na lang kay Raven. May punto siya. Iba kung makatingin sa akin si Millie. Magkakilala kaya kami?

“Tarantado ka! Ang sakit n'on ah? Pero tama ka naman, Raven. 'Yan nga din ang napansin ko. Bakit iba makatingin si Millie kay Quin tsaka bakit parang bigla siyang nawawala sa sarili. Alam niyo, 'yong Millie na kilala ko, sobrang focused. Hindi madaling ma-distract. Tapos nagsalita lang si Quin biglang nakabasag. Magkakilala ba kayo?”

“Hindi. Kaso alam niyo, may iba kong nararamdaman sa kanya, eh. May kakaiba sa pagkatao niya na hindi ko ma-explain?” iiling-iling kong sagot. “Kahit masakit, 'tol, gusto mo ba ilakad na kita kay Millie?”

“Uy, gago ka ba? Teacher natin si Millie.”

“Ngayon lang. Sa conference week lang. Volunteers lang sila, Quin. Hindi siya permanent adviser natin. Ngayon ka lang nakapansin ng babae, hindi ka ba nagtataka? Baka si Millie na 'yong para sa 'yo.”

“Hindi, Win. Walang babae para sa akin. Hindi kami magkakilala sigurado ako. At aalamin ko kung bakit parang pamilyar siya sa akin.” tumayo na ako at nag-paalam na magpapaunang bumalik sa classroom namin. “Kakausapin ko siya. Lilinawin ko na 'to. Hindi ako mapakali.”

“Ms. Millie.” pagtawag ko sa kanya. Naabutan ko siyang nagsusulat sa lesson plan niya habang nilalaro ng isang kamay nito ang mga papel sa kaliwa nito.

“Yes?” nagmamadali siyang nag-iwas ng tingin nang makita niyang ako ang tumawag sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang.

Tama ba 'tong ginagawa ko? Bakit parang hindi ako handa sa mangyayari at malalaman ko? Umalis na kaya ako?

Never The Love Of HersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon