Ms. Policarpio: Ollie :) hi! Hanggang 12:30 lang class ko today. Susunduin mo ba talaga ko?
Napangiti ako ng mabasa ang text ni Mavis. Buong bakasyon kami magkausap. Noong una, kumustahan lang. Kwentuhan ng mga kung anu-anong ginawa namin sa buhay dahil bakasyon at malapit na magsimula ulit ang pasukan. Hanggang sa lumalim na ng lumalim ang usapan. Hindi ko napapapansin na inaabot na kami ng madaling araw sa pag-uusap. Oo, nag-uusap kami. Tinatawagan ko siya. Minsan naman, siya ang tatawag sa akin. Naging constant ang komunikasyon namin buong bakasyon. Kaya naman hindi na ko nagtaka na unti-unti na nahuhulog ang loob ko kay Mavis.
Ikinakahiya mo ba ko, Ms. Policarpio? :( Ayaw mo lang yata magpasundo sa akin, eh. Reply ko sa text niya.
Uy, hindi ah. Ikaw ikakahiya ko? Baka ako ang ikahiya mo. Nakakailang kaya. Ang gwapo gwapo mo tapos ako lang pala 'yong susunduin mo.
Ito na naman po kami. Di ba, sinabi ko na, maganda ka. Maganda ka, Mavis Policarpio. Ayaw kong iniisip mo na alangan ka sa akin. Maganda ka. Maganda ka para sa akin kaya wag mong sasabihin na hindi. Kundi magagalit talaga ko sa 'yo.
Oo na po. See u! <3
Lumawak na naman ang ngiti ko. Ganito ang epekto ni Mavis sa akin. Madalas na kong ngumiti ng dahil sa kanya. Minsan naiisip ko nawawala na yata ako sa katinuan dahil mangingiti na lang ako bigla ng walang dahilan.
"Pre, iba na ang ngitian natin ah. May jowa ka na ba?" tanong ni Menan sa akin bago humithit sa hawak na sigarilyo ng isang kaklase namin. "Ano yosi mo, pre? Mag-Marlboro Black ka nga. Ate, isang Marlboro Black please. Pakibigay dito sa supot na 'to. Umay ng yosi pre."
"Sira, wala." nakangiti kong sabi. "Naki-yosi ka na lang, choosy ka pa."
"Syempre naman, pre. Kaya nga binilhan ko na siya ng bago. Bawi na ko sa hinithit ko, may sobra pa." lumapit sa akin si Menan at bumulong, "pangit ng lasa nung yosi niya. Hindi ko alam kung cheap lang talaga 'yong tinitira niya o hindi lang siya nag-sipilyo kaninang umaga."
"Tang— Menan naman!" tawa siya ng tawa. Tuwang-tuwa sa kadugyutan na naisip niya. "Ito na pala ang baby namin, eh. Hi, Miss! Pwedeng makuha number mo?"
"Mawawalan ako ng number, kuya." pakikipaglaro ni Tyn kay Menan. "Bili ka na lang po ng iyo. Hindi na pwede 'yong sa akin."
"Sige na, miss. Itong jowa mo nga kanina pa ngiti ng ngiti dito. May ka-text yata na ibang babae. Payag ka ba sa ganyan? Niloloko ka lang nito ni Ollie. Akin ka na lang ulit, babe."
"Aba, Ollie! Sino 'yan?" hindi naman seryoso ang pagtatanong niya pero kinabahan ako. Ito na nga ba ang iniiwasan ko. Iba na ang nararamdaman ko kay Tyn. Kailangan ko na talagang umiwas. "Wala lang 'to."
Shit! Ano naman kung makilala niya si Mavis? Mas mabuti nga 'yon kasi mas maiisip kong may Mavis na ko. Hindi ko na kailangan pang isipin ang anumang nararamdaman ko sa kanya.
"Neknek mo, Oliver. Kilala ko 'yan. Mavis, right?"
"What? How?" puno ng pagtataka kong tanong sa kanya. Nabanggit ko na ba si Mavis sa kanya? Matagal na ba niyang kilala si Mavis?
"She added me on Facebook. Nagpakilala siyang partner mo sa research last year. You two were close daw." mabilis niyang paliwanag. Bumili siya ng stick-o sa tindahan bago lumapit sa akin. "Palagi mo daw akong pino-post sa account mo, Ollie. Tinanong niya ko kung girlfriend mo ko."
"Anong sabi mo?"
"Syempre, hindi. Duh!" inikot niya ang mga mata niya. "Anong gusto mong sabihin ko, oo? Sinabi naman niya sa akin na may something kayo. Alam ko naman na siya 'yong lagi mong kausap."
BINABASA MO ANG
Never The Love Of Hers
Romance"Baby, hello?" I called her because I have something to tell her. I have to tell her. I must say it. "I love you." "Para kang tanga." I smiled. Genuinely. Kung ibang tao siguro 'to, magagalit o 'di kaya masasaktan ng sobra. But not me. Not to her. N...