Chapter 12: The Aftermath

26 3 7
                                    

"Scarlet, please tulungan mo ko."

I know I sounded desperate, and I really am. Ayaw ko ng patagalin pa ito. I have to break up with Mavis.

"Gago ka ba, Quintaña? Bakit ako? Desperado ka na ba?"

"Mukha bang hindi pa?"

"Una sa lahat, Quintaña, hindi tayo ganoon ka-close. Naging mag-tropa nga lang tayo dahil sa jowa mo, eh."

"Hindi ko nga jowa si Tyn!" naiinis kong sagot kay Scarlet. Tang ina! Kaya nga ako nagpapatulong sa iyo kasi hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko.

"Fine! Eh di hindi. Sungit!"

"Chua! Tutulungan mo ba ko o hindi?"

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa girlfriend mo na ayaw mo na? Tapusin niyo na. Bakit kailangan mo pa ko? Bakit gusto mo pang gawing gago 'yong sarili mo kung pwede naman na matapos na lang 'yong relasyon niyo na maayos kayo?"

"Kailangan niya masaktan," nanghihina kong sagot kay Scarlet. Dahil iyon ang totoo. Nanghihina ako sa katotohanang makikipaghiwalay ako kay Mavis. Ito lang ang naiisip kong paraan para hiwalayan niya ko. Ang isipin niyang niloko ko siya. "kailangan ko siyang saktan para hindi siya mahirapan."

"Gago ka talaga! Alam mo... shit, tang ina! Nauubusan ako ng mura sa 'yo, Quintaña! Sa tingin mo ba, sa tingin mo ba hindi pa masasaktan 'yong girlfriend mo sa ginagawa mong 'to? Bakit mo pa jinowa kung hihiwalayan mo rin lang pala? Hindi mo ba mahal 'yon?"

"Mahal ko si Mavis, Chua—"

"Mahal mo pero hihiwalayan mo, gago? Tang ina mo, Quintaña! Nandyan na 'yong babaeng gusto mo. Ayan na, mahal mo pa. Bakit mo sasayangin 'yong relasyon niyo? Ang daming naghahangad ng relasyon na katulad ng sa inyo, tapos ikaw sasayangin mo lang? Hindi ka ba nanghihinayang man lang?" Konti ka na lang, konti ka na lang...

"Tapos hindi mo jowa si Tyn? Hindi ba nagseselos sa kanya 'yong girlfriend mo? Tang ina, kung makasunod ka nga doon sa tropa namin para kang asong ulol, tapos sasabihin mo ngayon hindi mo jowa? Alam mo, magbago ka na gago ka! Ikaw ang sisira sa mga buhay namin. Imbes na ayusin mo 'yong relasyon mo, sisira—" naputol ang lahat ng sasabihin ni Scarlet ng bigla ko siyang hinalikan. Nakalapat lang ang mga labi ko sa mga labi niya. Hindi ko man siya hinawakan ay naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya. Nagulat na lang ako nang bigla siyang nanlambot. Mabilis na ikinawit niya ang kanyang kamay sa batok ko.

Mali ito. Hindi ko pwedeng gawin 'to.

Nang makita kong pumikit si Scarlet ay dahan-dahan kong inilayo ang mukha ko sa kanya. Larawan ng pagkapahiya ang makikita sa mukha niya. Hindi ko inalis ang kamay niya sa batok ko kaya kung makikita mo kami, iisipin mong magkayakap kaming dalawa dahil nakasapo naman ang mga kamay ko sa likod niya. "Tang ina mo. Tang ina mo talaga!" garalgal ang boses, pilit na ipinipikit ni Scarlet ang mga mata. Pinipigilan siguro niya ang sarili na umiyak sa harapan ko.

"I'm sorry, Chua."

"Bakit... b-bakit m-mo ko h-hinalikan?"

"I-i-i d-didn't meant to—"

"Hindi mo sinadyang halikan ako, okay. Okay lang naman. Pero tang ina kasi, nanlalambot ako." mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa katawan niya ng maramdaman kong nanginginig ang mga tuhod niya.

Tama pa ba 'tong ginagawa ko? Tama pa bang gamitin ko si Scarlet para lang masira ko ang relasyon namin ng girlfriend ko? Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung ipagpapatuloy ko pa ang pinaplano ko o hindi na. Kung hindi ko gagawin ito, hindi ko mahihiwalayan si Mavis. Kung ipipilit ko naman, si Mavis at si Scarlet mismo ang masasaktan ko.

Never The Love Of HersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon