"Hi, Paps!"
She groaned. "Oliver, please stop."
Tinawanan ko lang siya. Nagbago na ang lahat. Simula noong pinakilala nila ko sa doctor na kakilala nila, nagtuloy-tuloy na ang magandang nangyari sa buhay ko. Una, naging malinaw sa akin ang nararamdaman ko. May nakakausap na ko tungkol sa mga bagay bagay na gusto kong pag-usapan. At higit sa lahat, nagbago si mama.
Cynthia became the mother we always wanted. Sensitive na siya sa mga sinasabi niya at ginagawa niya sa amin. Hindi na rin nagbabago ang pakikitungo niya sa amin kahit wala si papa. She took care of everything. Naging tunay na ilaw ng tahanan sa tunay nitong kahulugan. With that, I couldn't ask for more. I've got everything I already need. A complete family, a loving sister and a girl named Aeiou Xtyn.
“Paps, bakit ang ganda mo?”
“Well, nasa genes namin 'yan.”
“Maging humble ka naman!” napailing na lang ako sa sinagot niya. “Kapag sinabihan kang maganda dapat mahiya ka kahit konti. O hindi kaya, magpakipot.”
“Bakit ako magpapakipot kung totoo naman?”
“Aeiou Xtyn!”
“I was just joking. Chill, Oliver!”
“Ikaw lang tumatawag sa akin ng Oliver.” bigla kong nasabi. Natigilan siya. Nahiya yata bigla.
Shit! Dapat hindi ko na sinabi.
“Sorry, hindi kasi ako sure kung anong itatawag ko sa iyo.”
“You can call me Ollie. You used to call me that.”
“We don't talk then.”
“We're not close ganoon?” tumango siya.
“Hindi tayo close pero nickname ko ang tawag mo sa akin.”
“Gusto mo tawagin na lang kitang chinito?”
“Bakit chinito? Type mo ko?” biglang kumabog ang dibdib ko. She likes Chinito guys. Ibig bang sabihin nito…
“Nope,” she answered. Panira ng pangarap. “Chinito. Half Chinese, half Hito.”
Her laugh is contagious. There's a part of me that wants to laugh with her because I know that she was joking. But, why do I feel like my world collapsed? Bakit nasaktan ako sa kaalamang hindi niya ko gusto?
“Hey, ang seryoso mo bigla. Are you okay?”
“Yeah,” I faked a smile. “akala mo lang na nag-seryoso ako. That's my normal face.”
“Oh, really? Normal face?”
“Yes, like you…” tinuro ko ang mukha ko. “This is a normal face.” tinaasan niya ko ng kilay kaya itinapat ko ang palad ko sa baba niya. “Yours is…”
“What?” natawa ako. “Sumagot ka!”
“A resting bitch face.”
“Bwisit ka talaga!” pinaghahampas niya ko balikat. Tawa ako ng tawa. Namamanhid na ang pakiramdam ko sa balikat ko, medyo malakas ang paghahampas niya. Pero ang ipinagtataka ko ay masaya ako. She's physically hurting me and yet, I feel so happy.
Sana hindi na matapos ang araw na ito.
Tonight is the best night. Ngayon lang kami kumain ng sama sama. Our first complete family dinner. Si Papa, si Mama, si ate Millie, ako at si Arwin. Nagulat ako ng sabihin ni ate na nandoon sa bahay si Arwin dahil inimbitahan ito ni mama.
Nakakabigla man, gusto ko lahat ng pagbabago ni Mama. Nagiging tunay kaming pamilya dahil sa pagbabago niya. Kung alam ko lang na ang pagkakaroon ko ng anxiety ang magiging tulay para maging ganito si mama, noon pa nagpa-konsulta na ko sa mga eksperto. Sana noon pa, masaya na kami.
“Anak, makikiabot nga ako noong Pochero.” sabi ni mama sa akin. Pagkakuha niya ng tasa ay nilagyan niya ang plato ni Arwin. Lahat kami ay natigilan sa kanya. “May problema ba?”
“Cynthia, ayos ka lang ba?” tanong ni Papa sa kanya. Halatang nabigla ito sa ginawa ni mama dahil tumayo pa ito sa pagkakaupo, kaya naman nangunot ang noo ni mama sa amin bago seryoso na sumagot kay Papa.
“Oo naman. Ano bang nangyayari sa inyo? Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?”
“Ma, pinagsisilbihan mo si Arwin?” hindi makapaniwalang sabi ni ate Millie.
“O ano naman ang kataka-taka doon, Mildred? Hindi ko ba pwedeng lagyan ng pagkain ang pinggan ng nobyo mo?”
“Hindi ma—”
“Okay lang, babe.” pagputol ni Arwin sa sasabihin sana ng kapatid ko. “Salamat po, tita.”
“Kumain ka ng kumain, hijo. Sayang lang, 'no? Hindi nakasama si Xtyn dito sa atin.” nabitawan ko ang kubyertos ko. Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat. Kung ang pagbagsak ng kubyertos ko sa pinggan namin o ang mabilis na tibok ng puso ko.
“Ollie, anong nangyari sa iyo?”
“Wala po, Pa.”
“Ang anak natin, Vergel, binata na.”
“Sino si Xtyn?” tanong ni ate.
“Nobya ng kapatid mo.”
“Ma!” pinandilatan ko si Mama. “Nakakahiya kay Ate at kay Arwin. Baka maniwala sila sa sinasabi mo.”
“Aba! Bakit naman hindi? Gusto ko ang batang iyon.”
“Ako din, anak.” siniko pa ko ni Papa, tinutukso ako kay Tyn.
“Kaibigan ko lang iyon, Pa. Tigilan niyo na nga ako ni Mama. Baka maniwala sila, ate. Baka kapag bigla niyang nakita si Tyn, masabi niya 'yong mga sinabi niyo. Nakakahiya doon sa tao.”
“So, may balak ka pala na ipakilala siya sa akin, Ollie?”
“Ate, kaibigan ko 'yon.”
“Dyan din kami nagsimula ng ate mo, brad.”
“Arwin, pati ba naman ikaw?” napapikit na lang ako sa sobrang kahihiyan.
“May boyfriend ba si Xtyn?”
“Wala.” sabay na sagot ni Mama at Papa.
“Wala naman pala, bunso. Bakit hindi mo pa ligawan? Ayan, oh. Approved naman kanila Mama at Papa.”
“Ate, huwag mong lagyan ng malisya ang pagkakaibigan namin ni Xtyn.”
“Ikaw din, brad. Baka magsisi ka kapag naunahan ka.”
“Pwede po bang kumain na lang tayong lahat ng tahimik? Kung ano-ano na napag-uusapan natin sa hapag, dapat nire-respeto ang mga pagkain.”
“At kailan pa naging concern ang Oliver Morris sa pag-respeto sa pagkain? Dati nga hindi ka pa kumakain.” panunukso ni Arwin na ikinatawa ng mga kasama namin.
Yumuko na lang ako at hindi sumagot sa mga panunukso nila. Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagkain ko. Ngunit hindi na nawala sa isip ko ang imahe ni Xtyn.
Nakangiti, masaya, kasama kong kumain habang pinagsisilbihan namin ang isa't-isa. Natigilan na naman ako. Bakit parang iba na ang naiisip ko?
Hindi na tama 'to, Ollie. Nagkaka-malisya ka kay Tyn!
BINABASA MO ANG
Never The Love Of Hers
Romance"Baby, hello?" I called her because I have something to tell her. I have to tell her. I must say it. "I love you." "Para kang tanga." I smiled. Genuinely. Kung ibang tao siguro 'to, magagalit o 'di kaya masasaktan ng sobra. But not me. Not to her. N...