Durog na durog ako. Kaka-discharge ko lang sa ospital kahapon, pero heto ako ngayon, humahagulgol pa rin habang namamaluktot sa kama ko mag-isa. Kaaalis lang ng asawa ko nung isang gabi at hindi pa niya alam ang nangyari dahil hindi pa kami nakakapag-usap. Biglang tumunog ang telepono sa tabi ko. Tumatawag na siya.
"Baby, kakabasa ko lang ng message ni Sean. Sorry ngayon lang ako nakatawag."
"Love." nangangapos ang hininga ko. Wala akong mahagilap na salita na sasabihin. My mind is blank. I feel so helpless. Mas lalo akong nalungkot. Mas lalo kong naramdaman na mag-isa lang ako.
Dati, nandyan ang best friend ko para samahan ako sa lahat ng trip ko sa buhay. Kapag gusto kong kumain, kapag naisipan kong gumala, kapag umalis na ang asawa ko ulit pabalik sa trabaho. Nandyan lang siya, kasa-kasama ko. Isang iglap lang, nawala ang lahat. Wala na. Wala na siya. Mag-isa na naman ako.
"I'm sorry. Wala ako dyan para samahan ka."
Whenever my husband feels sorry for me, ang ginagawa ko lang ay ngumiti. Genuinely. Because being married to him is a choice. My choice. I could've love someone else, I could've marry anybody else. But it is him who I choose. It is him who I love. It is him who I wanted. Kaya hindi ko pwedeng isisi sa kanya kung mag-isa lang ako ngayon. Because that part, where we will live far away from each other, is already one of the consequences and decision that I have to make even before we got married.
Ngayon, alam kong hindi umabot sa mga mata ko ang ngiti ko. Kung mahirap para sa akin, alam kong mas mahirap ito para sa kanya dahil pagdududahan na naman niya ang sarili niya. Kaso, anong magagawa ko? Hindi ko rin kontrolado ang nararamdaman at emosyon ko.
Sa totoo lang, pwede naman kaming gumawa ng paraan. We can be married and together, like normal couples do, instead of being committed separately. Pero wala, nagkasundo na lang kaming dalawa na manatiling kasal at mamuhay na magkalayo sa isa't-isa. 'Yong isa, para sa responsibilidad. 'Yong isa naman, para sa obligasyon.
Because I cannot leave him.
Yes, I cannot leave Ollie. He's like an obligation to me. Not in a negative way, honestly. For some, this may be the most stupid decision that I have made in my entire life, but I really cannot leave my best friend. Not when he is always there for me. Napaiyak na naman ako. Because my is are now was. Was. He's now in the past.
"Baby," may pangamba ang pagtawag niya sa akin. Tila nagdadalawang isip kung itutuloy ba ang sasabihin niya o hindi. "may gusto pala akong sabihin sa 'yo."
"Hm?"
"Ah. Hindi ko sinasadya. May nakita kasi ako sa gamit mo. Akala ko kasi sa 'yo. Pinakialaman ko."
"Anong gamit?" isang bagay na ayaw ko ay ang galawin o pakialaman ang gamit ko.
Kaya pala natatakot, wrong timing na, ayaw ko pa 'yong nagawa niya. Ngunit hindi naman ako ganoon kababaw na tao, hindi naman ako magagalit kung gagalawin mong basta ang gamit ko. Magsabi ka lang. At ibalik mo lang kung saan mo kinuha, wala tayong problema. Basta masisiguro kong makikita ko siya at mababalikan kung saan ko man siya naiwanan.
"Journal." pabulong niyang sabi.
"Anong journal? Wala akong journal." napabalikwas ako ng bangon. Wala akong journal. Sa totoo lang, mahilig ako mangolekta ng kung anu-anong bagay. Madalas ballpen. Minsan notebook o kung anong mga libro. Pero hindi ako nagamit ng journal. "Mukha ba kong mahilig nagsulat?"
"I know. Kaya nga alam kong hindi iyon sa 'yo. Tsaka... ano. Ah—"
"Sabihin mo na. Love." may diin 'yong pagtawag ko ng love. Para alam niyang pinagbabantaan ko siya. Wala ako sa mood. Hindi ko kailangan ngayon ang paligoy-ligoy niya.
BINABASA MO ANG
Never The Love Of Hers
Romance"Baby, hello?" I called her because I have something to tell her. I have to tell her. I must say it. "I love you." "Para kang tanga." I smiled. Genuinely. Kung ibang tao siguro 'to, magagalit o 'di kaya masasaktan ng sobra. But not me. Not to her. N...