Chapter 20

197 10 4
                                    

After what happened, masasabi kong mas lalong naging determinado si Joaquin na hindi na ulit pumasok sa apartment ko. It was fun getting to tease him about it nang hindi na rin ako namumula sa tuwing naiisip ko iyon ulit.

His thick brows would furrow at mag-iiwas ng tingin, kunyari hindi narinig o naiintindihan ang pagtukoy ko sa nangyari kahit na alam naman naming imposibleng makalimutan niya iyon.

Hindi ko na nagawa pang isipin ang mga pangyayaring kaugnay roon nang nakitang wala na ang sasakyan ng unit na dapat sana ay sasamahan ko ngayon.

After months, I was finally back in investigative work. Ngayon ang unang gabi ko para rito pero dahil sa dalas ng mga masasamang balita ko mula sa kasama'y halos napagdesisyunan kong wag nang pumunta.

I only decided to come at the last minute nang napagtanto kong baka magagalit lang si Julianna kapag malaman niyang hindi ako pumunta sa unang balik ko sa trabaho.

I welcomed the transition back to this line of work like an old friend kahit na kahit papaano'y nasanay na ako sa Feature. Kung hindi lang sana biglang nag-resign ang naka-schedule ngayo'y marahil matagal niya pa akong ibabalik rito.

"Saan po 'yung unit na naka-park dito?" tanong ko sa isang pulis na kalalabas lang mula sa station sabay ipinakita ang ID ko mula sa kompanya.

Mukhang nagdadalawang-isip pa siya bago niya sinabi ang general na direksiyon na pagpapatrolan nila ngayong gabi.

Dahil wala naman akong dalang sasakyan ngayo'y pumara lamang ako ng taxi at sinabing bababa lang oras na makalapit kami sa mga pulis.

The wide streets slowly closed in on both sides hanggang sa palipot-lipot na lamang kami sa maliliit na eskinita. "Dito lang po, manong," wika ko when I spotted the car they use, parked just before you could turn to the next street.

Nagmamadali kong ibinigay ang bayad before I scrambled out. Hindi pa nga ako nakakatatlong hakbang mula sa taxi nang binulabog ang lugar dahil sa dalawang putok ng baril. My momentum carried me just enough to reach the scene.

Nakatalikod ang lalaki sa direksiyon namin kaya hindi ko nakita ang kanyang expression. Kasabay ng realisasyon ukol sa kung ano ang nangyayari ang pagsalampak ng lalaki sa aspalto. Blood started to stain his clothes at kahit na matagal na mula nang may naabutan akong sariwang pagpatay ay bumalik sa akin ang langsa ng dugo na naghari sa hangin noong gabing iyon.

On my first night back in this line of job, I was reminded how dark darkness can be.

Gulat na napatingin ang isang pamilyar na pulis sa akin. It took me a while before I managed to place him as the man who led the confrontation scene nung na-hostage ako. A wave of unease wrapped around the others habang nag-iiwas sila ng tingin sa patay.

I tried a breathing exercise only to feel more nauseated nang muli kong nakita ang katawan. Humakbang papalapit sa akin ang lider just as I turned around to leave.

Imbes na makalayo'y nabangga ko pa si Enzo.

"Ayos ka lang?" tanong niya as his hands gripped my shoulders to steady me.

Pansamantala siyang bumaling sa mga kasama pero dahil sa takot kong mahagip na naman ng aking paningin ang katawan ay hindi ko na sinundan pa ang kanyang tingin.

I was only a step away from vomiting again.

"Sumasama lang ang pakiramdam ko kapag naabutan ko nang sariwa yung katawan..."

It made me feel bad. How the person who died was quickly reduced into a single word, ignoring the fact that he once had a family.

"Pwedeng pa-send na lang ng detalye? Babalik na lang ako bukas para mag-interview," ani ko nang sinalubong na niya ulit ang aking tingin.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon