Chapter 2

330 15 10
                                    

Blanko lamang ang tinging ibinigay ni Julianna sa akin matapos kong ihayag ang mga dahilan kung bakit imposibleng may masama akong mahahanap kay Joaquin.

I told her that his family is known in La Huesca for being religious at lahat ng mga kwentong naririnig ko mula sa mga kaklase noon tungkol sa kabaitan nila pero kahit iyo'y hindi ata makakayang baguhin ang isip ni Julianna.

"Wala ka namang angal kahapon ah?" aniya. She turned to her laptop at may tinipa roon bago iyon iniharap sa akin.

On the screen was a list of the congressmen's votes on the passing of the most recent controversial bill. Yung pinagra-rally ng mga taong cinover nina Dexter kahapon.

"That person you speak so highly of voted for the passing of the bill that's going to restrict your freedom of speech. Akala ko ba mahal mo ang trabaho mo?"

Tulad ng sabi niya'y nakahanay nga sa 'Yes' ang pangalan ni Joaquin, kasama ang congressman na nahanapan ko ng baho ilang araw lang ang nakalipas. I scrunched up my nose in disgust. Tanga ba 'tong mga 'to?

Julianna hunched closer as though afraid other people would hear kaya lumapit rin ako. "You might be young, but you're our best shot at this, Therese," bulong niya bago umayos nang pagkakaupo. "Remember what constitutes an exclusive: a controversy. Find something like that for me and you're good. Your promotion depends on it."

Bahagyang umawang ang aking labi dahil sa gulat. Ang bata ko pa para sa promotion. Marami naman kasi akong mga kasamahang matagal nang nagtrabaho rito pero hindi pa rin napo-promote. So the thought of one while I was so young excited me.

Kaya ngayo'y narito ako sa loob ng isang cafe na kaharap lamang ng opisina niya. Ikatlong araw ko na 'tong tumambay rito pero wala pa rin akong nakikitang kakaiba.

Nung una'y sa labas ako umupo pero nang napansin kong mainit pala roon tuwing hapon ay pumasok na lamang. Maliit lamang ang cafe kaya siguro'y madalas ang masamang tingin ng may-ari sa akin dahil sa tagal kong umalis.

I come in at around seven in the morning for my breakfast at umaalis naman ako kapag nakikitang nagsisirado na ang office nila. One of these days, siguro'y susunod ako kung saan man sila pupunta.

Based on my previous experience, something would come up within two weeks at most. Like a suspicious package or person coming in, cliche as it may sound.

Kahit ako'y hindi alam kung paano ko nasasabing kataka-taka nga ang isang bagay kaya ko rin nasasabing baka nga'y na-swertehan lang ako sa mga nagdaang kaso.

Pinaypayan ko ang sarili habang nililipat sa susunod na pahina ang librong hawak. I sipped on the iced coffee na isang oras na siguro mula nang sinerve sa akin.

I already told the staff about a convincing story I managed to create: na limang taon na ang nakalipas mula nang hindi kami nagkita ng asawa ko at nagkasundo kaming magkita rito sa mga panahon ngayon.

The waitresses and the cashier felt sorry for me so they're extra kind pero hindi ibig sabihin noo'y ganoon rin ang tingin ng may-ari sa akin.

I caught a glimpse of myself in a mirror which made me think if wearing sunglasses inside a cafe was not suspicious. Kailangan ko rin kasi yun para madaling magkunyaring nagbabasa ako kahit na naka-abang naman ako sa lahat ng pumapasok sa kaharap na gusali.

I perked up in attention when I noticed their door opening. Mula roo'y lumabas si Joaquin at dumiretso sa kanyang sasakyan.

Mukhang babalik pa ata dahil hindi niya dala ang suit so he was only in his white button down dress shirt which hugged his figure perfectly.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon