Chapter 23

199 13 2
                                    

Malakas na ang pagtibok ng puso ko dahil sa takot. Ngayong nandito na siya, ano na ang mangyayari sa akin? Had all been only a reprieve?

Seryoso lamang ang kanyang mga mata. Although he may be serious most of the time, he looked distant now.

Muling umatake ang aking pagkakahilo but my fear pushed me to back down as I looked around in panic, sinusubukang makahanap ng matatakasan.

Pero pwera na lang sa mga kubo'y napalilibutan na ako ng mga pananim.

Dala na rin ng takot ko'y huli na nang naalala kong kailangan ko palang mag-ingat dahil masyadong maputik ang lupa. My foot slipped on my next step at sumalampak ako sa lupa.

I didn't have enough time to register what was happening because I was picked up in the next second. Dahil sa lapit ni Joaquin ay naputikan rin ang kanyang suot.

Kahit na nahihilo pa ri'y itinulak ko siya papalayo only to slip once again kaya sa huli'y hinayaan ko na lamang siyang alalayan ako.

Pakiramdam ko'y nanginginig ang aking buong katawan habang iginigiya niya ako pabalik sa mga kubo. My nausea would occasionally come back every few seconds kaya kahit gustuhin ko mang tumakbo na lang ay hindi pa rin ako makakaabot nang malayo.

Dumiretso kami sa likod ng kubong tinutuluyan ko before he let me enter the CR first.

I stood stiffly, hindi alam kung ano na ang dapat gagawin when I was surrounded.

Nagulat ako nang pumasok rin siya sa loob ng CR. The room looked small then with the both of us inside.

Mas lalo akong kinabahan nang yumuko siya't kinuha ang tabo.

What was he doing? Papatayin na ba niya ako gamit ang tabo?

Pansamantalang sinalubong ni Joaquin ang aking mga mata bago siya nag-iwas as though flinching after touching a stove that was unexpectedly too hot.

Kumuha siya ng tubig at hinugasan ang putik na dumikit sa aking paa bago siya kumuha ulit at binasa ang aking braso.

I was more confused than ever. What was he doing?

"Mama! Kailangan ko pa ngang pabilisin si Sir Joaquin kasi sumusuka si—" Naputol ang sinasabi ni Carlos sa labas dahil sumingit ang kanyang ina.

"Gusto mo naman palang tumulong? Bakit hindi mo tinupi muna ang mga damit?"

Nang lumayo na ang boses nila'y itinuon ko ang tingin sa aking mga kamay nang maramdaman ko ang mabigat na titig ni Joaquin as though he was mad at me for not mentioning the part about vomiting.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili roon.

Ako, tahimik na nakatungo, hinihintay ang sunod na mangyayari't unti-unting tinatanggap na baka nga'y wala na akong magagawa. Habang siya nama'y mainam lamang akong pinagmamasdan na tila isang bagay na dapat ay sinusuri.

"Magpapahanda ako ng pamalit na halamang gamot kay Manang Selda," pagbasag niya sa katahimikan. "Maligo ka muna diyan."

He stepped out and before I could stop myself from asking, I blurted out, "Saan mo ako dinala?"

My tone was accusatory. Kaya siguro ibinaba niya ang tingin at itinuon na lamang iyon sa aking buhok.

I combed my hair consciously at nainis pa nang napagtantong nacu-curious pa rin ako sa kung ano ang naisip niya nang napansing pinutol ko ang buhok. Bagay kaya sa akin?

Binasa niya ang pang-ibabang labi, those thick brows furrowed as he let himself out.

"Sasagutin mo na rin ba ang mga tanong ko?" he asked dangerously.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon