Chapter 4

251 17 1
                                    

Kahit papaano'y napabuti ang aking nararamdaman dahil sa malamig na hangin na binubuga ng aircon.

I sat down on the sofa pero nang mapansing hindi ako mapalagay ay lumapit na lamang sa bintana't sinilip ang nangyayari sa baba.

Pumasok na ang babae sa kanyang sasakyan habang si Joaquin nama'y nakasunod lamang. His gaze followed the car for a few seconds bago siya lumingon sa direksiyon ko.

Sinalubong niya ang aking mata bago bumaling sa mga taong nakatingin. He started walking back into the building kaya bumalik na ako sa sofa bago pa ako mapagbintangang naninilip ng mga papeles.

Pagpasok niya'y ramdam na ramdam na ang kanyang masamang disposisyon. There was a hint of dangerous amusement in the corners of his eyes as he closed the door behind him.

Mabilis ang tibok ng puso ko nang mapansing ni-lock niya ang pinto. I gulped back the lump that formed in my throat habang pinipigilan ang pamumula ng aking mukha.

"A-anong plano mo?!" I stuttered.

His intimidating dark eyes bore into mine and once again, that feeling of bareness overwhelmed me.

Tinanggal niya ang pinakaitaas na butones ng kanyang suot bago ipinikit ang mata. He took a deep breath as he stretched his neck na para bang stressed na stressed siya.

"I should be asking you the same thing," aniya. "We're gonna do something about that temper of yours."

Do something about my temper? Anong kinalaman niya dun? More like, bakit nga ba ako nandito?

Dahil sa napagtanto'y agad akong tumayo. This might be a trap! Baka ito na yung sinasabi ni Mom na bitag para mapapatay ako!

"B-bakit? Anong problema?!" I checked my spot to make sure na wala akong naiwan. "Lalabas na ako!" I declared.

Nakatayo pa rin siya malapit sa pinto kaya kung lalabas ako'y madadaanan ko talaga siya. Hindi ko alam kung tama nga ba ang iniisip ko o baka epekto lang 'to sa nasaksihan ko nung isang araw.

Nilunok ko ulit ang bara sa lalamunan habang tinitingnan siyang tanggalin ang cuffs ng kanyang suot. Panandalian niyang sinalubong ang aking tingin at kung hindi ko naisip ang hiya'y mawawala na ang lakas ng tuhod ko at the way his eyes looked at me. O baka ganoon lang talaga yun parati?

"If you're this adamant to act like you don't have an agenda then tone that temper down because you're being so obvious." Hindi na pumasok ang mga sinabi niya sa aking utak. All I could think about was how my cheeks felt so hot and I felt so nervous.

"Bakit ka naghuhubad?" kinakabahang tanong ko.

Natigilan siya sa ginagawa at mahinang humalakhak.

I took this opportunity to make a run for it. Nang makarating ako sa pinto'y nagulat pa dahil hindi naman pala naka-lock. Hindi niya ako pinigilan kaya madali akong nakabalik sa sasakyan.

I sped out of the vicinity with my heart throbbing like a drum.

"Mabait ba si Joaquin?" I asked thoughtfully habang tinititigan ang test paper na ipinakita ni Jeff sa akin. Na-congratulate ko na siya dahil sa malaking marka na nakuha niya at tuwang-tuwa naman siya dahil dun.

"Si Kuya Joaquin po?" tanong niya.

Ibinaba ko ang test paper at tiningala ulit ang floor na kinaroroonan ni Joaquin ngayon. We were, once again, seated on the pavement in front of the cafe.

Hindi na ako bumalik pa sa opisina kahapon at nagmukmok na lamang sa kwarto. I only realized then that he wasn't planning to do what I thought he planned to.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon