Epilogue

475 23 4
                                    

"Hindi basta-basta ang trabaho ng isang Congressman. Sa laki ng sweldo nila, dapat nating siguraduhing hindi nasasayang sa isang taong walang ka-alam-alam o walang anumang kasanayan sa larangang ito!"

Kahit mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita pa rin ang higpit ng hawak niya sa mic. Her face was scrunched up upang mapigilan ang sariling mapikit dahil sa lakas ng hangin dito sa baybay. Wisps of her hair flew around, but the conviction in her voice remained unflinching.

"Ang kailangan natin ay isang taong maalam sa ginagawa. Ang kailangan natin ay isang taong maaasahang uunahin niya ang kapakanan nating mga mamamayan!" she continued.

I couldn't stop myself from staring.

Nakakapanghalina ang kombiksyon sa kanyang boses na kahit sinusuportahan niya ang kalaban kong kandidato'y hindi ko pa rin mapigilan ang sariling sumang-ayon sa kanyang sinasabi. She was that persuasive.

"Atty, pasensiya na talaga."

I needed to consciously take my eyes off of the woman on stage to turn to the one who approached me. Suot niya ang vest ng mga tanod sa barrio na ito at batay sa ekspresyon niya'y alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"Ako po yung nag-send ng email sa manager niyo po. Imbes na 7:30, 6:30 po kasi yung na-send ko." 

Kaya pala.

Ibinalik ko ang tingin sa babaeng nagsasalita sa maliit na stage.

Sa likod niya, nakapaskil ang malaking tarpaulin kung saan ibinabandara ang mukha ng aking katunggali sa posisyon. Sa gilid naman ng stage nakaupo ang iba pang mga taong tumutulong sa pangangampanya nina Asperez.

"Ako si Antoine Therese Marquez at buo ang aking suporta para sa kandidatong tunay na may pagmamahal sa masa! Asperez, numero uno sa balota!"

Sinalikop ng babae ang nagulo niyang buhok, giving me a chance to look at her clearly. Masyadong malayo, oo. But the fire in her eyes seemed like a blaze under the setting sun's fading light.

May iilang mga nagsigawan mula sa mga taong nakatingin habang ang iba nama'y pumalakpak kasabay ng sumunod na malakas na musika.

Ibinalik ko ang tingin sa baranggay tanod. "It's okay, we'll just return in an hour,"

I nodded at my campaign manager to follow as I left the venue—fragments of the girl on stage drifting by.

The nature of my job required me to be good at remembering faces.

Hindi magiging maganda sa pagbubuo ng koneksiyon kung makakalimutan mo ang mukha at pangalan ng isang importanteng tao.

Kaya natural na lamang sa akin nang nanatili sa aking isip ang mukha ng babaeng iyon—ng isang Antoine Therese Marquez.

But what wasn't natural is how that momentary impression seemed to be imprinted in my head.

Ang kasunod kong tagumpay sa eleksiyo'y nagdala sa akin ng gabundok na gawain. Sa kabila ng mga nakikita kong tinatrabaho ni Dad, a part of me was still caught in surprise at the responsibility I now carried.

So I did what I ran to do.

Ibinuhos ko ang lahat ng aking atensyon sa trabaho—occasionally going out with anyone who'd catch my attention hanggang sa naging malayong isla na lamang ang impresyon ng babaeng iyon.

And yet it was startlingly easy to pick her out of a crowd.

Maingay ang indayog ng musika. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ang sabayang pagtalon at pagsayaw ng mga tao sa dance floor.

But my attention was rooted on the bar.

I couldn't be wrong.

She was that woman from last year. Kasalukuyang nakikipaghalikan sa isang lalaking kakalapit lang ilang minuto na ang nakalipas.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon