Chapter 34

189 11 3
                                    

ASAWA NI CONGRESSMAN FAGUNDEZ, KILALA NA?

Kung nauna ko sanang nabasa ang headline ay baka napunit ko na ang tabloid na hawak dahil sa pagmamadaling mabasa ang kalakip na artikulo nito.

Pero imbes na iyon ang mangyari'y una kong napansin ang litrato sa likod nito.

I laughed.

"Saan mo ba nakuha 'to, My?"

Naiiling akong bumaling kay Mom na nakapamewang lamang sa tabi ko—hinihintay na matapos kong basahin ang artikulo. Pero hindi na naman kailangan.

"Nakita ko kasing binabasa nung kapitbahay natin," aniya't muling hinablot ang tabloid. "Ikaw 'to diba?"

Sinilip ko ulit ang litrato.

Sa tindig pa lang, kilalang kilala nang si Joaquin ang naroon. Katabi niya sa paglalakad ang isang babaeng nakajacket habang nakatungo.

The woman was me.

Kuha iyon noong sinamahan niya ako papunta sa checkup.

Muli'y natawa na lamang ako. Tama nga ang hinala kong madadawit ako sa ganitong issue oras na may makakita sa aming magkasama.

There are people who are willing to write as much as what's available. In this case, ako yung available.

"Obvious ba?"

Binatukan ako ni Mom.

"Sinubukan ko siyang tanungin kung sino."

Unti-unting naglaho ang aking ngisi. Sa aming dalawa, siguro'y mas alam ni Mom ang ibang mga babaeng napagkamalang asawa ni Joaquin dahil nandito lang naman siya sa Pilipinas sa panahong wala akong ka-alam alam na may ganoong isyu na pala.

"Tapos? Anong sabi?" I urged on.

She flipped the pages of the tabloid papunta roon sa main article na naglalaman ng mas malaking copy nung stolen picture namin.

"Hindi pa raw pwedeng sabihin," wika ni Mom na ikinakunot na lamang ng aking noo.

Kung ganoon, ang babae ang hindi gustong isapubliko ang relasyon nila? Bakit naman?

O baka nama'y nahihiya lang si Joaquin sabihin kay Mom na ipinagdadamot niya ang impormasyong iyon kasi hindi naman sila close?

Mom looked just as confused as I was.

Dahil wala namang makasasagot sa tanong nami'y binasa na lamang nang malakas ni Mom ang artikulo. Habang pinakikinggan ko siya'y ipinagpatuloy ko ang pagsusuklay.

Sa kabutihang palad, hindi nila alam kung sino ako. Sa katunayan, sa hulihang bahagi pa nga ng artikulo isinaad na kung sinuman ang makakakilala sa aki'y maaaring i-contact yung publisher so they could look into me more.

As if that wasn't enough, they apparently saw us go to the bank too. Kaso wala lang picture kasi ang sabi nila'y 'agad hinarangan ni Congressman ang camera nang napansin niya ito.'

"Naniniwala ka ba talagang may asawa na siya, My?" tanong ko nang matapos na niya ang artikulo.

Although my previous pursuits for her identity have led me to settle with believing first than seeing, may bahagi pa rin sa aking naniniwalang hindi pa siya kasal.

He acts so much like a bachelor for him to be married.

Isa pa, kung ganoon na katagal simula nung ikinasal siya, by now he should have a child already. O baka nama'y nagkasundo sila ng asawang hindi sila magluluwal ng anak?

"Oo naman," aniya. "Bakit? Ikaw ba?"

Nagkibit balikat na lamang ako.

Masyadong napatagal ang titig ni Mom sa akin kaya itinulak ko na lamang ang sarili mula sa sofa para makatayo.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon