Chapter 40

307 13 4
                                    

Amoy na amoy ko ang pamilyar na pabango niya dahil sa lapit namin. I could even recognize the whiff of that distinct calming scent his office had.

"Saan mo gustong mag-usap?" kalmado niyang tanong.

Ramdam ko ang pag-iingat sa paraan ng paglapit ng kamay niya sa akin. His tentative fingers grazed the sides of mine before his hand latched on my bag's handle.

Hindi ko napansing masyado na palang mahigpit ang pagkakahawak ko roon kaya pinakawalan ko na lamang.

"Sa condo mo na lang." Humakbang ako palayo, ang aking mga mata'y nakatutok pa rin sa baba upang maiwasan ang tingin niya.

His condo was closer to where we were kaysa sa apartment ko kaya mas mabuti na ring doon na lamang kami.

On my peripheral vision, I could see him glance at the cafe I came out of. Nakatayo pa rin si Tatay sa upuan niya kanina, pero sa pagkakataong ito'y nagtataka na niya kaming tinitingnan.

Kaya bago pa man ako mapilitang kausapin muli ang ama'y umikot na ako sa sasakyan niya't inunahan na siya papasok. Joaquin quickly followed me in.

He didn't push me to start talking kahit pagkatapos ng ilang minuto ng katahimikan sa kanyang sasakyan. Tahimik lamang siyang nagmamaneho, paminsan-minsa'y sinisilip ako sa tuwing naabutan kami ng traffic.

Nang makarating na kami sa condo niya'y doon ko lamang napagtantong dapat sana'y pinag-isipan ko kung ano ang unang sasabihin sa biyahe papunta rito. Ngayong nandito na kami'y hindi ko alam kung saan magsismula.

Ibinaba niya ang bag ko sa sofa bago siya dumiretso sa kusina kaya sumunod ako. I stood there uncertainly as I watched him pour himself a cold glass of water.

Tumikhim ako't ibinaba ang tingin sa counter imbes na tingnan ang pagtaas-baba ng Adam's apple niya.

"Naiintindihan ko kung bakit mo itinago," maingat kong wika.

Kung pinaalala niya sa akin noong kasagsagan ng kaso niya'y magagalit lamang ako. The same thing would've happened kung nalaman ko agad nang sinimulan ko ang paghahanap sa asawa niya.

Paniguradong magagalit lang ako sa kanya at sa sarili dahil sa willingness ko noon. It would've done nothing but support my negative view of marriage kasi pakiramdam ko'y ikinukulong lang ako nito.

I didn't know what to do with my hands kaya pinaglaruan ko lamang ang mga daliri, pinipisil iyon upang masiguradong hindi ako nananaginip.

His gaze slid to my fingers. Hinayaan niya na lamang ang pitcher sa counter bago umikot at umupo sa stool ilang metro lamang mula sa akin.

"Did you ever plan to tell me?" I asked. "Kahit nung hindi ko pa alam na mali pala ang akala?"

"Eventually."

His deep voice was a shock to my bones—a reminder of what was at stake. Ang kakaibang kaba na dala ng mabibigat niyang tingin sa aki'y naroon na naman. My knees were starting to feel weak.

Bumuntong hininga ako't sinalubong na rin ang kanyang mga mata. That act alone made my stomach flip. Hindi tulad noo'y kitang-kita na si Joaquin. All of his emotions laid bare.

He brushed his hair back with his fingers—his watch giving off a glimmer nang tinamaan ito ng ilaw. He was both different and the same person I married seven years ago.

"Do you want to stay in this marriage?"

"Yes." Walang anumang bahid ng pag-aalinlangan sa kanyang boses. He didn't even stop to think about my question. Dire-diretso na ang kanyang sagot. His voice was careful as he asked back, "Do you?"

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon