Chapter 15

209 9 4
                                    

"Do you want to go home?"

Napaigtad ako sa pagkakaupo nang naramdaman ko ang hininga ni Joaquin sa aking tenga. Magmula nung tinanggap ko nang may nararamdaman nga ako sa kaniya'y mas lalo na akong na-conscious kapag nandiyan siya.

And so it felt like the small of my back was burning, the spot where his hand was gently placed right now as he asked me that.

Bumaling ako sa kanya before turning away to yawn. "Ayos lang naman kung matagalan pa kayo," bulong ko. Nagawi sa grupo ng mga lalakin nag-iinuman ang aking tingin who were in the middle of laughing. "Mukhang nagkakatuwaan pa o."

Nasa squatter area na naman kami. Kumpara nung una kong dating dito'y konti na lang ang naiwan dahil ang iba'y nabigyan na ng trabaho.

Birthday ng isa sa kanila ngayon kaya may konting salo-salo at inuman. I glanced at Joaquin at the corner of my eye na hindi pa rin lumalayo. The undeniable whiff of alcohol from his breath reached my nose.

"Uminom ka?" tanong ko. Tipid kong nginitian si Aling Rosa nang makitang nakatingin siya sa gawi namin ni Joaquin.

"Kaunti lang," wika niya. "They wouldn't let me go here if I didn't drink a shot."

As if on cue, tinawag na siya ng mga lalaking nag-iinuman. Hindi ganoon karami ang binili niyang bote para sa kanila. Just enough to feel the burn of alcohol pero hindi nakakalasing.

Bumaling ulit ako palayo kay Joaquin when I felt a yawn coming.

It's been a stressful week.

Nung Lunes ang SONA at pagsisimula ng regular session ng Kongreso. I had to write articles about it at kanina ko lang rin naipasa ang analysis ng SONA. Gusto ko mang magpahinga na'y ayaw kong putulin ang pagkakatuwaan nila.

I heard Joaquin sigh bago siya umayos sa pagkakatayo. "Let's go," aniya.

He was off to the men before I could tell him that it's really okay if he still wants to stay kaya minabuti kong magpaalam na lang kay Aling Rosa.

"Alis na po kami," I told her habang pinapagpagan ang pwetan ng skirt ko.

"Ingat kayo, Therese."

Joaquin already had a small trash bag in his hands habang hinihintay ako. Nagpaalam pa ako sa iba pang nadaanan bago ko siya naabutan.

We walked silently to his car at medyo natagalan pa bago kami nakaalis dahil itinapon niya pa ang basura.

"Ako na ang magmamaneho," I said when he finally came back from throwing the trash.

"Hindi ako lasing, it was only a shot."

I gave him a look. "Ayokong mamatay." Wala na siyang nagawa nang pumasok na ako sa driver's seat.

Medyo natagalan pa ako habang iniisip kung saan ako didiretso. Normally, hinahatid niya ako sa bahay bago siya umuuwi sa condo pero kung ganoon ang gagawin ko ngayo'y makakapagmaneho pa rin siya sa huli.

I gave him a sidelong look as I thought about what I was gonna do. He didn't look drunk kasi tulad nga ng sabi niya'y isang shot lang but wasn't that enough to incriminate you once you take an alcohol test?

Bumuntong hininga ako before driving to his condo. Maghahanap na lang ako nang masasakyan pauwi pagdating namin sa condo niya.

"Bakit papunta tayo sa condo?" tanong niya matapos ang ilang minutong pagmamaneho.

Konti na lang ang mga sasakyang tulad nami'y may pinupuntahan because it was already late. At this rate, it wouldn't be long before we arrive.

"Kung uuna tayo sa apartment ko then you'll still have to drive yourself home. Walang silbi ang pagmamaneho ko ngayon. Magta-taxi lang ako."

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon