Chapter 38

250 12 1
                                    

Habang lumilipas ang araw, unti-unti na ring nananahimik ang ingay kaugnay ng kasong isasampa sana sa akin.

By the end of the following week, malaya na akong dumalo sa isang awarding ceremony nang hindi kinatatakutan ang anumang tanong na maaaring ibato sa akin.

By that time, natakpan na ang isyung iyon ng iba pang mga nag-unahan sa mga nagdaang araw.

Sa tulong ng heels ko'y hindi naging mahirap hanapin si Julianna mula sa mga tao sa loob ng function hall.

Dumiretso ako papunta sa tabi niya habang inililibot ang tingin sa paligid. Doon ko pa lamang napagtantong hinahanap ko pala si Joaquin nang hindi ko siya nakita.

Malapit lang kasi kami sa opisina niya so it wouldn't have surprised me kung inimbita siya ng organizer para magbigay ng kaunting remarks o ano ba.

"I heard you have a new documentary," wika ng isa sa mga kasama namin sa mesa.

I smiled at her politely. "I hope you'll have the time to watch it."

Alam kong imbitasyon sana iyon para ipaliwanag ko kung tungkol saan ang bagong dokumentaryong iyon but since that tabloid article published online, I've been on edge when it comes to anything related to the documentary.

Kung humupa na ang ingay tungkol sa kaso, naroon pa rin ang tungkol sa ugnayan umano namin ni Joaquin. Na tila mga basurang kinukuha't binabalik ng alon sa dalampasigan pero hindi naman tuluyang dinadala palayo.

Hindi ko na nakita pa ulit si Joaquin magmula nang hinatid niya ako sa kompanya. So the fact that the speculations continue kahit na ganoon ang sitwasyo'y hindi ako napapalagay dahil sa takot na baka may masabi akong magpapaalam sa kanilang nagkasama kami roon.

But of course the final say about that speculation remained with Joaquin. Pwede namang ako, pero may maniniwala ba sa akin if they're already too invested with believing otherwise?

Ibinalik ko na lamang ang tingin sa stage nang makita ang matalas na tingin ni Julianna sa akin.

Mukhang naka-full ang lamig ng aircon dahil sa tindi nito. Pakiramdam ko'y ipinasok kami sa isang malaking ref kaya buong event ay na-abala ako sa kakasiguradong hindi ako makatulog.

Inaantok na ako kakahintay na matapos ang event nang biglang tinawag ang pangalan ko. Nang nilingon ko si Julianna ay ngiting-ngiti na siya't pumapalakpak pa.

"Ms. Therese Marquez kindly come up here on stage to claim your award for the Best Documentary."

I felt stupid habang tumatayo't nagtatakang tinitingnan si Julianna. Sa dami ng mga nangyari sa nagdaang mga araw, hindi na ako na inform na na-nominate pala ako para rito.

Malapad ang aking ngiti habang pinapasalamatan ang mga taong bumati sa akin on my way to the stage. Nasa gitna kami ng picture taking nang mapako sa likod na bahagi ng hall ang aking tingin.

Joaquin was there, pumapalakpak habang nakatingin sa akin. Nang magtagpo ang aming mga mata'y natigilan siya't inabot ang wine bago iyon itinaas as though saying "Cheers!"

"For the next category..." wika ng host.

That was my cue to leave. Pasimple akong bumaling sa direksiyon niya and sure enough, naroon nga siya, may kausap nang isang lalaki na may suot na suit.

Dumiretso ako pabalik sa aming mesa't nginitian ang mga kasama nang muli nila akong inulan ng bati.

My cheeks were starting to hurt again.

Kahit ilang beses ko nang naranasan ang manalo'y hindi pa rin nawawala ang kakaibang saya na dala nito. It was addicting.

Hindi tulad kanina, I kept on shifting on my seat as I waited for the program to end. Hanggang sa hindi ko na nakayanan ang kuryosidad at biglaan nang tumayo na ikinatalon ng katabi ko't ikinagulat ng iba.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon