Chapter 35

207 12 4
                                    

Sa tindi ng ginawa kong pagpaplano ng malulusutan at sa intensidad ng kaba kong pilit na pinipigilan, hindi ko na napaghandaan ang ganitong sitwasyon.

"What's the matter? Gulat na gulat ka ah?" Dumating ang kasambahay kanina upang ibigay ang tsaa namin. "I was told you were looking for me."

My plan hinged on the small chance of not seeing the original Mrs. Fagundez here. Kaya ngayong kaharap ko na siya'y tila naputulan na ako ng dila.

Hindi man ito ang unang pagkakataong nagkita kami ulit, it was a wholly different experience to have her watch you directly. Kahit wala pa naman siyang sinasabi'y kitang-kita ko na ang mga paratang sa likod ng kanyang mga mata.

She took a sip of her tea—her actions vaguely reminding me of Joaquin's careful and measured ones.

"Were you hoping to see someone else instead?"

Sa puntong ito, wala na akong lugar para makaramdam ng pagkakadismaya dahil hindi ko naabutan ang asawa ni Joaquin. Masyado pa akong preoccupied sa kakahiling na matapos na 'to.

Hindi na dapat ako pumunta rito.

"N-Nagbakasakali po akong makakuha ng interview," nagawa kong sabihin.

Naisipan kong uminom rin ng tsaa pero sa huli'y hindi ko na lamang ginawa. A hundred different things could go wrong if I reach for the teacup.

"Nako, Ms. Marquez. Hindi na naman kailangan ang ganyan." Kalmadong itinaas ni Mrs. Fagundez ang tingin niya mula sa tsaa papunta sa akin. "Para hindi ka na magmukhang pusang naghahabol sa sariling buntot at para dumiretso na tayo sa mas dapat pag-usapan, I'll tell you this: Hindi pa kasal si Joaquin."

Walang kahit na anong bahid ng pagbibiro sa ekspresyon ni Mrs. Fagundez. Ang takot ko noon na kaugnay sa kawalan ng kasiguraduhan ay mas lalong lumaki.

Ano ba talaga ang totoo?

"P-Pero—"

"It's a ruse to keep the women away. Iyon ang ginawa ng kapatid ko upang hintaying bumalik ang mapapangasawa."

Nasagot man ang isa sa mga tanong ko'y nagbunga naman ito sa iba pang mga katanungan. Mrs. Fagundez patiently waited for me to digest the information at nang hindi ko na napigilan ang sarili'y nagawa ko nang magtanong.

"Sino naman ang hihintayin ni—"

Again, she cut me off. "Hindi na importante 'yun. Yung asawa lang naman sa papel ang habol mo, hindi ba?"

I didn't have an answer to that.

Kung tatanungin mo kung anong habol ng trabaho ko'y oo, ang asawa lang sa papel pero kung ako ang tatanungi'y hindi ko nais aminin kung ano ang habol ng aking kuryosidad.

Sa puntong ito, wala nang ibang rason para magkunyaring siya talaga ang pinunta ko rito. I could deny all I want pero isang salita lang ni Mrs. Fagundez patungkol sa gulat ko'y malalaman na ni Joaquin ang inabangan ko talaga.

Ibinaba ko ang tingin sa tasa kong hindi man lang nahawakan.

"Maraming salamat, Mrs. Fagundez. If you'd excuse me, I have to go..."

"Hindi pa ako tapos."

Natigilan ako sa gitna ng pagtayo. Ang kabang nananalytay sa aking katawan ngayon ang mismong nagdesisyon na hindi nga ako aalis nang kusa na akong pinaupo ng katawan.

"By now, alam mo na sigurong nagkakamali ka."

Nanatili akong tahimik.

The moment she sat down, I knew to expect that we were going to have this conversation one way or another.

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon