Chapter 17

192 13 4
                                    

"You should leave."

Labis ang ginagawa kong pagpipigil sa mga luhang namuo sa aking mata.

The very thing I've been avoiding since Henessy happened was happening now. Pinapaalis na ako ni Joaquin and it stung so much.

Masyado akong nagulat sa sinabi niya't hindi ako nakapagsalita.

"Umuwi ka na. Ako na ang bahala kay Jeff," he continued.

Dulot na rin ng magkahalong inis, galit, at sakit ay tinalikuran ko na siya't umalis na nga. He's right, he can take care of Jeff on his own.

I headed to the classroom para kunin sana ang bag. I warily tried to open the door kasi sa pagkakaaala ko'y ang sabi ni Raffy ay naka-lock raw ito, but it wasn't.

Kaya dire-diretso ang pagpasok ko.

I easily spotted my bag on the teacher's table kaya doon ako dumiretso.

Habang hinahalughog ang bag para mahanap ang flats ay muling bumalik ang isip ko sa nangyari ilang segundo lang ang nagdaan.

Now that I thought about it, wala namang mali sa ginawa ko kasi totoo naman! A small part of me believes that Joaquin knows that too kaya marahil ang dahilan ng pagpapaalis niya'y dahil sa sinabi ni Henessy.

Pero kung iisipin naman talaga'y wala naman siyang karapatang magpaalis sa akin rito. This school isn't his.

Dahil sa mga naisip ay natigilan ako sa pagtatanggal ng isang heel so I was wearing a flat sandal on one foot habang ang isa nama'y naka-heel pa rin.

Tama, wala siyang karapatang paalisin ako.

Hindi naman siya ang nag-imbita sa akin, si Jeff naman. Ano na lang kaya ang iisipin niya kapag bigla na lang akong aalis nang walang paalam?

My eyes darted towards the door when it opened. Kung kanina'y naiiyak ako, ngayon nama'y seryoso kong tiningnan ang pagpasok ni Joaquin.

He makes me leave and now he follows me here? Ganoon na ba talaga siya ka-atat na mawala ako sa paningin niya?

Agad akong tumayo, the uneven height of my sandals didn't help in my goal to look imposing.

"Kung tungkol pa rin 'to sa sinabi ni Henessy, then no, I'm not leaving," matapang kong ani. "Si Jeff ang pinunta ko dito, so you have no right to make me leave."

Ngayon ko lang na-appreciate kung gaano kabagay sa kanya ang suot na barong. I felt like I was thrown inside one of Congress's sessions. Every inch of him screamed formality.

Sinamaan ko siya ng tingin upang hindi mahalatang ina-appreciate ko ang suot niya ilang segundo lang ang nakalipas. I defensively raised my sandal's heel against him nang patuloy siyang lumapit. And now he stood, barely an arm away.

"Hindi 'to tungkol doon," kalmado niyang ani.

I glared at him disbelievingly. This is even worse than I expected! Mas katanggap-tanggap pang isipin na labis ang pagkamuhi niya sa akin dahil sa panlilinlang but this?

"So inaamin mo?" I said through gritted teeth as I waved my heel in front of him."Na enabler ka ng cheating? Kasi tama naman ang sinabi ko ah? May asawa na ang babaeng iyon but you're letting her hit on you!"

Walang kung anumang bagay ang makakapag-rason na ayos lang ang pagkakaroon ng relasyon kahit may asawa na, para sa akin. You have to live up to your commitments.

"This is exactly why I'm making you leave," he mumbles, more to himself than to me.

Suminghap ako dala na rin sa inis. Was he seriously holding my job against me?

More Than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon