Chapter 44

7.8K 102 9
                                    

Hi there, chill ka lang! :) @PrimSTFU

XLIV

Mika's POV

Oh it's been 8 years ng huli akong pumunta dito sa Pilipinas, Manila is same as before. Ganun pa rin, walang pinagbago napakadaming matataas na buildings.

Baka nakalimutan niyo na ako? Mikaela Lorraine Cernero-Melasurej. I'm already married, sa isang doctor. A professional doctor. We're living happily :)

"Mommy, I will go to lola. You promised!"

Sigaw ng anak kong si Aian. He's a boy, he's 7 years old. Napakabibong bata at napakakulit sobraaaaa! Nakakapagod nga yang alagaan eh.

"Oh, we're here na oh. Be careful ha, baka madapa ka."

"Mommy, I'm not a baby anymore."

Tumakbo siya papunta kay mommy, niyakap naman siya ni mommy ng sobrang higpit. Twice a year lang naman kasi kung bumisita sila mommy sakin minsan naman once lang kaya medyo sobrang saya ko nung pinayagan ako ng husband ko na magbakasyon panandali dito.

After two weeks, susunduin na rin niya kami ni Aian dito. Lumapit ako kay mommy at humalik sa pisngi niya, pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Ano nagugutom ka ba Mika?"

"Ma, si Aian na lang ang pakainin niyo di siya kumain kanina sa restaurant na pinuntahan namin eh. Napakamapiliin sa pagkain."

"Mommy, you're bad. You're saying bad things to me when lola is facing."

"Ikaw talaga Aian, eat well ha? I'll check our room kung okay na."

Umakyat na ako sa room ko, parehas na parehas pa rin ng dati. Walang pinagbago, tiningnan ko yung closet ko. May mga damit pa rin and may nakita akong isang uniform na panlalake.

This uniform is for business students.

Kay Clarence 'to.

Si Clarence, never ko siyang nakalimutan. Never ko siyang pinagpalit sa iba until now I felt something about him, but my husband overcomes it.

Si Chester, ginawa niya ang lahat para maging Masaya ako, lahat-lahat ng kaya niya ginawa niya. He's not that rich pero he managed to give me all of him. Nothing more, nothing less.

Sa 'twing namimiss ko si Clarence, lagi niyang sinasabi na, "Once na ikasal tayo, hayaan mo makipaghihiwalay agad ako sayo. Go back in Philippines and stay there with him. Ayokong maging malungkot ka kasama ako." Sa 'twing sinasabi niya yun lalo akong naaawa sa kanya.

He's doing everything for me pero ako binabalewala ko, as time passes by. Hindi ko namalayang nagugustuhan ko na rin pala siya. Mabait si Chester, lahat talaga gagawin niya para sa'kin. :D

Isinarado ko ang closet ko at biglang dumating si mommy.

"Hindi mo man lang ba siya kakamustahin Mika?"

Siya, si Clarence ang tinutukoy ni mommy. Nung unang taon ko pa lang sa America I'm always crying at her on the phone. Lahat-lahat alam niya. Si dad kasi ang nag-arranged marriage sakin, walang kinalaman si mommy, ang gusto niya talaga para sakin si Clarence, alam niyo yan.

"Saan na ba siya ngayon?"

"Ang alam ko nasa isang kompanya siya ngayon and he's the President of that Car company. You should go there Mika, dahil kahit papano may nakaraan kayo."

"Osige mommy, ikaw muna bahala kay Aian ha?"

Nagbihis ako ng maayos na damit at pumunta na sa kompanya niya. Bilib din ako sa lalakeng yun eh, naging president ng isang kompanya?

Sumakay ako sa elevator, may iilang mga tao na nakatingin sakin. As if I care kung maganda ako XD

"Ma'am what do you need po?"

Tanong ng isang babae.

"Ahm. I need to talk to your boss. I'm his friend."

Ngumiti ako ng tipid, baka maubos yung ngiti ko eh. Hahahaha! LOL.

"Eh ma'am pwede pong maghintay muna kayo? Nasa meeting po kasi siya ngayon with his secretary and the board of directors."

"Sure."

"Ma'am this way po yung office ni sir, upo po muna kayo. Coffe or juice ma'am?"

"No thanks."

Umalis na yung babae, ayos ang office niya malaki, ang problema lang walang privacy dito. Transparent glass kasi yung mga salamin kaya makikita siya ng kahit sino sa labas.

Makikita rin ang bawat galaw niya, nakakaconscious yun for sure.

Clarence's POV

Pagpasok ko sa office ko, napansin ko agad ang isang babaeng nakaupo sa couch katapat ng table ko, ang babaeng sobra kong namiss at sobra kong mahal na mahal.

Sobrang saya ko nung nakita ko siya kaya hindi agad ako nakapagsalita ng Makita ko siya.

Tumayo siya at lumapit sa akin, hindi ko na hinintay na makapagsalita pa siya, bigla ko siyang hinila at hinalikan. Wala akong pakialam kung may nakakakitang mga tao, ang gusto ko lang mahalikan siya.

Naramdaman kong hindi niya ibinabalik ang mga halik ko kaya, tumigil ako sa paghalik sa kanya. Hindi niya ba ako namiss? Or worse hindi niya na ba ako mahal?

"I missed you."

Bulong ko sa kanya habang nakayakap ako sa kanya. Sobrang namiss ko ang babaeng 'to. Wala akong pakialam kung may asawa na siya o wala, basta mahal ko siya at alam kong mahal niya pa rin ako.

"Namiss din kita Clarence."

He pushed me slightly kaya napahiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya, alam kong naiilang siya kaya lumayo ako sa kanya.

"How are you?"

Tanong niya sakin.

"I'm doing just fine. I'm still in love with you."

"Clarence, what are you saying? Walong taon na ang lumipas tapos sasabihin mong mahal mo pa rin ako. ARE YOU OUT OF YOUR MIND?!"

"Mika, alam kong mahal mo pa rin ako. Can we just start over again?"

"Clarence, I'm married and we already have a child. Mahal ko ang asawa ko lalo na ang anak ko. Clarence pumunta ako dito para kamustahin ka. At kung okay ka ba. I'm not here for you, I'm here because of vacation."

May anak na sila, good for her!

"So, you're happy with him?"

Kung hindi siya Masaya, I'm still here for her. Parang sumisikip yung dibdib ko sa mga sinasabi niya, pwede bang bawiin niya yun?

"I'm happy with him."

Napahilamos ako sa mukha ko at tumingin ako sa singsing niyang suot ngayon. This F*cking life, bwisit! Hinintay ko siya, pero wala na. Wala na talaga.

Naupo ako sa swivel chair at itinuon ang sarili ko sa mga papeles na nasa harapan ko ngayon.

"Let's just be friends."

"Get lost, sana hindi mo na ako pinuntahan dito kung ganyan lang ang sasabihin mo Mika."

Nanggulo pa kasi ng mundo ng ibang tao, sana hindi na siya bumalik dito.

"Clarence naman, basta I'll call you. Nawala ka na ata sa mood, gusto ko lang sabihin na namiss talaga kita. And thank you for everything."

Umalis na siya sa loob ng office ko, napahawak na lang ako sa noo ko. pinipigilan ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. I need to refresh my mind, and I guess masyado na akong nakatuon kay Mika, I said I love Kathleen but mahal ko rin si Mika?

I guess it's not right. THIS F*CKING LOVE! Gusto kong malaman kung mahal ko ba talaga si Kathleen, o mahal ko lang ba siya dahil wala si Mika?

#MikaIsBACK!

Vote and comment? :)

Woman to Womanizer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon