+ Ramon +
Napabalikwas ako nung biglang bumangon kanina si Jenalyn, tatanungin ko sana siya kaso nabigla ako nung kumuha siya ng matatalim na kutsilyo at isang baril doon sa weapon's stand kaya hindi na ako nagsalita at pinanood na lang anong ginagawa niya. Kahit sobrang dilim nung kwarto dahil kakarampot na ilaw ang meron, alam na alam kong nanginginig yung mga kamay niya, hindi ko alam kung bakit nga lang. ' Makakaya mo ba Jenalyn? ' Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko habang pinapanood ko siya.
Di ko naman inaasahan na bigla siyang papasok dun sa pintong katabi nung weapon's stand. Wala namang ganung pinto doon ah? Nung naisara niya na yung pinto at narinig ko ring ni-lock niya yun kaya nung tumayo ako inilapat ko yung tenga ko sa pinto pero wala naman akong marinig, shete, sound-proof pala yung pinto. (= - =)
Gusto kong kumatok doon sa pinto pero may pumipigil sa akin na katukin. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin at parang may bumubulong na wag. Trinay kong lumingon pero tulog naman yung mga iba kong kasama halatang pagod na pagod na at gutom na rin kaya itinulog na lang.
Humakbang ako papalapit doon sa weapon's stand at tiningnang mabuti yung mga weapon na nandoon. 'No pain, no gain..'
'No pain, no gain..."
'No Pain No Gain...''
'No Pain No Gain...''
'No Pain No Gain...''
No Pain No Gain...''
Sh*t, Sh*t Sh*t! Tumigil kang utak ka! Ayoko, ayoko, ayoko! Di ko kayang pumatay! Napahawak ako sa ulo ako at parang gusto ko na lang pisatin yung bungo ko sa mga thoughts na naiisip ko. Hindi ko kayang pumatay! Wala naman silang ginagawa sa akin ah! Makakalabas kami dito! Makakalabas kami dito!! AAAAAARRGH!!!
Susuntukin ko na sana yung pader ng makarinig ako ng mga putok ng baril. Nanlaki yung mata ko sa gulat at parang hindi ako makagalaw, a-anong nangyayari d-doon sa l-loob? Pinagpapawisan ako ng malamig mula noo hanggang sa aking mga palad, hindi naman ako pasmado at hindi naman mainit o sobrang lamig dito sa loob.. Pero nakaramdam ako ng shiver at goosebumps.
Involuntarily gumalaw ang kamay ko at kumuha ng isang itak sa ibabaw ng weapon's stand at nagtago sa likod nito. Sh*t! Takot na takot nung time na yun at ang worst, hindi ko alam kung bakit ako natatakot! T*ngina lang! Ano bang ginagawa ng g*gong Jenaboy na yun sa loob?!
Tatayo na sana ako mula sa pinagtataguan ko nung marinig kong bumukas yung pinto kaya na-freeze ako at nakaluhod lang, tumingala ako ng bahagya doon sa lumabas sa pinto.
Isang nakakapangilabot na ngiti ang nakita mula sa mga labi niya, mga matang sobrang talas ng pagtingin na para bang gutom, gutom para kumain na ng tao, a-ang higpit ng pagkakahawak niya sa blade ng kutsilyo sa kanang kamay niya at doon sa baril nahawak niya sa kaliwa. ''H-hehe...''
Nakita ko siyang humahakbang siya papalapit dito sa aking kilalagyan kaya hindi ko alam ang gagawin ko, tinakpan ko na lang yung bibig ko gamit yung kamay ko, sobrang diin ng pagkakatakip ko, gusto ko ng makaalis dito.. pakiramdam ko natutuyo na yung lalamunan ko at gusto ko ng maiyak, parang yung kamatayan ko na yung humahakbang papunta sa akin. 'Please.. wag kang lumapit sa akin...'
Halos mawalan na ako ng hangin dahil paghinga ko pinigilan ko na! May kinuha siyang baril ulit at tumawa ng mahina,hindi pa rin ako nakahinga kasi malapit pa rin siya sa weapon's stand, dahan-dahan ko lang ibinaba yung mga kamay ko pero involuntarily itong bumalik sa aking mga bibig at tinakapan ito..
"Boom! Bang! Boom! Bang!" Musikang umalingawngaw sa buong kwarto, rinig na rinig ang mga nakakarinding mga bala na pinaulan ni Jenalyn galing sa kanyang hawak hawak na baril, nagsitalimsikan ang pulang dulo mula sa katawan nila JD, Ricardo at Johanz.. Kumalat na sa sahig at hindi pa siya nakuntento dahil kinuha nya ang dalawang kutsilyo at pinagsasaksak sila.
Hindi ko na makayanang tingnan si Jenalyn dahil mismong ako ay napapaiyak na dahil sa sobrang takot! Mas lalo ko pang hinigpitan ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa bibig ko, this is not the best time to make any noise! 'Please end now.. please...'
"Jenalyn is back, b*tches," Sabi niya at napangisi pero yung mga mata niya ay nakakatakot tingnan! Biglang may bumukas na pinto sa likuran niya at tumayo siya mula sa pagkakaluhod. Ibinagsak niya yung mga kutsilyo at baril sa sahig at parang at kulang na lang siguro ay magmadali siyang maglakad palabas ng kwarto at kinukuha na siya ni Lord sa sobrang liwanag ng pupuntahan niya.
Pagkapasok ni Jenalyn sa pinto ay agad siyang nawala, iyon na siguro ang labasan, kailangan ko na ding makalabas dito! Kailangan kong ma-warning-an ang iba pero... pero... paano?
'Sa paanong paraan na hindi ako mapapatay?'
Tumayo na ako sa kinatataguan ko at hindi nagdalawang isip na pumasok doon sa loob ng pintong pinasukan ni Jenalyn bago siya magkaganoon. Nacu-curious ako na naguguluhan kung bakitsiya nagkaganoon pero aaminin kong mismong ako ay natatakot malaman para sa sarili ko. Pagkapasok ko ay may nakita akong isang DVD Player at isang screen na nakaconnect doon sa player. May dalawang CD na nakapatong sa mesa katabi lang ng screen, may upuan pa talaga sa harapan ng screen na iyon at may headphones na nakaconnect papuntang screen. Yung isang CD ay may nakalagay na 'Play Me, Jenalyn'. Aalis na sana ako sa kwartong iyon nang may maalala akong is apang CD. Pagkatingin ko doon sa second CD, ay may nakalagay na 'Play Me, Ramon'. Nagdadalawang isip ako kung papanoorin ko pa iyon dahil... hindi magkakaganoon si Jena nang walang dahilan. Ayokong magkaganoon! That's the last thing I ever want to be!
Pero.. kung hindi ko naman ito bubuksan, I will miss this chance! Baka hindi na maulit, there's no second chances in this school...
Without hesitation this time, inilagay ko muna yung CD ni Jenalyn at pinanood. Hindi ko na ito natapos dahil sa sobrang tindi ng paghihirap na mayroon ang kanyang nasapit. Ayokong makaranas ng ganoong pait at pighati!
Napatingin ako sa aking CD. Paano pa kaya yung sa akin? Anong nakapaloob doon? Nanginginig kong inilagay yung CD ko sa loob ng player at inilagay yung headphones sa mga tainga ko. Hindi ako preperado pero nagplay na kaaagad ang player at walang hesitation kong pinanood...
"No..."
BINABASA MO ANG
Silent Blood Academy - Hope's Despair
Mystery / Thriller"We're all human. The only thing that differentiates us is US."