"Kill or must be killed..." - anonymous
+-----------------------------------
- JD's -
Ano na naman 'tong gulong pinasok ko? Nakakainis naman! Napaupo na Lang ako sa kinahihigaan ko kanina. Napansin ko Yung iba ko pang katabi, si Jenalyn, si Johanz, si Richard at si ako. -_- medyo nakakainis lang kasi sa dinami-daming tao na pwede makakulong kasama ko si Jenalyn pa ang nakasama ko. Bakit siya? Bakit ang taong kinamumuhian ko pa?
Siya ang taong naging dahilan kung bakit mag-isa na lang ako sa buhay.
-------------------------
"Kuya,kuya! Gusto kong sumakay sa kabayo na iyon!" turo ng batang nakaupo sa swing. Tiningnan ko ang taong nakaupo sa wheelchair na dahan-dahan kong tinutulak, "Tara Adrian, sakay tayo nun oh!" sabay turo ko sa kabayong pambata na may spring sa ilalim nito at madalas upuan ng mga maliliit na bata.
Iniangat nya ang kanyang ulo at tumingin sa akin, ngumiti siya ng ubod ng tamis sa akin at saka sumagot, "Haha! O sige ba kuya, basta't masasakay mo ako dyan!" Saka siya ulit tumawa. Ngumiti naman naman ako pabalik sa kanya at itinulak ng dahan dahan ang wheelchair niya. Isinakay ko siya sa kabayong upuan. Musika sa aking pandinig ang kanyang pagtawa. Wala na akong maiihiling pa kung hindi ang marinig ang matamis niyang pagtawa.
"Kuya J.j..." ang narinig kong boses niya sa pagtawag ng palayaw ko na siya lang ang tumatawag sakin. "Ano iyon, Adrian?" Ang tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa kaniyang mukha na bakas na bakas ang pagtatago ng lungkot sa kanyang mga mata.
"Oh bat ganyan ang itsura mo? Hindi ka ba masaya? Anong gusto mong kainin?" ang tanong ko sa kanya na may halong pagbibiro upang mapagaan ang kaniyang pakiramdam. "Pabigat po ba ako?" Natahimik ako at natulala sa kanyang mukha.
"Pabigat? Ano-" pinutol niya kaagad ang sinasabi ko. "Kuya, pabigat po ba ako?" pag-ulit niya ng kanyang katanungan. Pumunta ako sa harapan ng kabayo at diretsong ngumiti sa kanya. Napakunot ang kanyang noo at nababasa ko ang kanyang mga mata na nagtatanong.
"Sira ka ba Adrian?!" sabay batok ko ng mahina dito habang tumatawa. "Paano ka naman magiging pabigat sakin? Ikaw talaga oh! Mahal na mahal ka ni kuya!" sabay gulo ko ng kanyang buhok sa kanyang ulo. Kitang-kita ko ang maliliit na butil ng luha na namumuo sa kanyang mga mata nang siya'y yumuko.
"Sabi kasi nila pabigat daw ang mga taong hindi raw marunong gumawa ng mi isang bagay..." Ang malungkot niyang ibinigkas. Iniangat ko naman ang kanyang ulo at diretsahang tumingin sa kanyang mga mata. Ayokong nakikita ang kapatid ko na umiiyak. S'ya na lang ang meron ako at gusto ko syang masaya kapag kasama ako.
" Di ba ang sabi sa iyo ng kuya, wag iiyak? Stay strong dapat! Parang ako!" sabay pagtaas ko ng mahabang manggas ko ng jacket para makita niya ang aking mga muscles ika nga. Natawa siya sa aking ginawa at napangiti ko siya muli ng matamis.
Ang sarap nyang tingnan. Ang sarap niyang panuorin habang nakatawa. Ang sarap sa pakiramdam na nagagawa kong maging kuya, maging nanay at maging tatay para sa kanya.
Siya na lang ang meron ako. Siya na lang ang nag-iisa kong kayamanan. Wala ng iba. Hinding hindi siya mapapalitan ng kahit ano, kasikatan man yan o kayamanan. Ipinangako ko sa kanya na hinding-hindi ko siya pababayaan kahit anong mangyari, na habang buhay kaming magkasama, walang iwanan. "Pangako mo yan kuya ah?" Pagtaas niya ng pinky finger. Agad ko naman itong kinapitan gamit ang pinky finger ko rin saka sinabi ang mga salitang... "I promise."
BINABASA MO ANG
Silent Blood Academy - Hope's Despair
Mystery / Thriller"We're all human. The only thing that differentiates us is US."